Chapter 50

14.9K 728 88
                                    

Dominique

"Get up."

Tinakpan ko ang ulo ko gamit ang aking unan. Sobrang bigat ng katawan ko at gusto ko lang ay matulog ngayon.

"I wanna sleep. Go away." Wika ko.

Ilang saglit lang ay natanggal ang unang nakatakip sa mukha ko. Iritado akong nagmulat ng mga mata pero nawala ang inis ko ng masalubong ang mga malalamig na mata ni Mikaela.

"Get up. We need to go home." Walang emosyong sabi nito.

"I'm so sleepy. Can we just go home tomorrow?" Nakapikit ulit na tanong ko rito.

"I already packed. I need to settle something."

I groaned in frustration. Long weekend pa naman ngayon at sana ay puro pahinga pero heto si Mikaela at gusto ng umuwi. Gusto ko pang matulog. Ang sakit sakit ng ulo ko.

Napabuntong hininga akong bumangon kahit nakapikit pa ako.

"Tara." I said without looking at her. Bahagya lang akong nakamulat para makita ko ang daanan ko.

"We're not leaving."

Ha?

"Please my love stop fooling-" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng hablutin nito ang braso ko.

"Wear some clothes." Malamig nitong utos sa akin kaya awtomatikong napatingin ako sa suot ko ngayon. I'm only wearing my boxer and a white shirt na sakto lang sa akin. Kitang kita ko ang mini version ko at gising ito.

I didn't look up to Mikaela dahil nahihiya ako. Nasundan kasi iyon ng pamumula ko sa mukha kaya walang lingon akong naglakad pabalik para magsuot ng pyjama. Ngayon ay mukha na akong disente.

Dumiretso ako sa banyo para umihi, mag-brush at magsabon ng mukha. Maaaring gising ako ngayon pero natutulog ang dugo ko. Inaantok talaga ako.

Sinuklay ko lang din ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Hindi naman masyadong magulo lalo na at bagsak din naman ito kaya sa palagay ko ay ok na ito para kay Mikaela. Alam ko naman kasing kahit ano ang gawin ko ay magandang maganda pa rin ako.

Ng makalabas ako ay kinuha ko ang kamay ni Mikaela na walang imik habang naghihintay sa akin. Dinala ko iyon sa aking bibig at ginawaran ng halik.

"I love you." I said pero walang katugon at sanay na rin naman ako.

Sweet lang ito kapag tinutupak at kahit minsanan ay natutuwa ako. I should be thankful for my child in her tummy. Medyo nagbago kasi si Mikaela dahil sa hormones nito. I never imagine to witnessed some of her silly attitude.

"Kumain muna tayo bago umalis."

"I already ate." Walang ganang sagot nito. Pagdating namin sa kitchen ay pinaupo ko pa rin si Mikaela sa tabi ko.

Kakakuha ko lang ng pagkain ng sumulpot si Jazmine habang pupungas pungas pa ito. Nakabihis na at nakaayos pero sobrang antok ang hitsura nito. Pati siguro dugo nito ay katulad kong natutulog pa rin.

"Oh my I'm so sleepy." Wika nitong bangag habang nilagyan ng fresh milk ang baso nito at inisang inom iyon. "I felt alive." Nagsalin ulit ito ng gatas sa baso. "I should've not brought Prof Knutson. This is all her fault. Sumakit ang tiyan ko sa mangga."

Gusto kong matawa pero pinigilan ko.

Confirmed.

Bangag nga ito dahil hindi man lang kami nito napansin. Malawak din naman kasi ang kitchen kaya kung hindi talaga ililibot ang paningin rito ay hindi mapapansin kung may tao.

It was not usual for Jazmine to blabber about things lalo na kung ang taong tinutukoy nito ay nasa paligid lang and Mikaela is not just an ordinary person.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now