Chapter 30

12.7K 680 93
                                    

Dominique

"Why don't you use Kuya Thunder para pagselosin mo si Mrs. Knutson? Isa-suggest ko sana si Kuya Ri'son pero diba nga. May past sila ni Miss Fin. Isipin non, inagaw mo si Kuya sa kanya kaya hindi na itinuloy ang panliligaw."

Napatango ako rito. "Ayokong ma-badshot kay Miss Fin. Parang Ate na ang turing ko sa kanya. Ayokong ganun ang isipin niya lalo na't wala naman siyang alam sa family natin."

"Right, so let Kuya Thunder na sundoin at ihatid ka sa school. Huwag muna si Kuya Ilver."

Napatango ako rito. "Should I tell him?"

Umiling ito sa akin. "Mas maganda ng clueless si Kuya Thunder para mas makatotohanan. Kapag sinabi mo kasi ang totoong rason. Alam mo naman ang mga lalaki minsan. Kapag scripted, pumapalya sa acting. Maganda ng wala siyang alam para normal ang dating."

Natawa ako rito. "Ngayon ko lang nalaman na matalino ka talaga kaya lang ang problema sayo. Madalas kang tamarin. Hindi yata pwede iyan. Paano mo na lang bubuhayin si Miss Fin kung nagkataon? Mauuna siyang babangon sayo at gagawa ng mga bagay-bagay."

"Makapagsalita ka para kang dakilang manggagawa ha. Pareho tayong walang alam gawin sa bahay kaya nga umaasa na lang tayo sa aaralin natin para kapag nakapagpatayo tayo ng firm. Doon tayo mabubuhay."

Nagkibit na lang ako ng balikat rito bago ko kinuha ang cellphone ko. I dialled my brother's number at kaagad naman nitong sinagot iyon.

"Yes Selenophile?"

"Kuya sundoin mo ako ngayon din."

"Demanding." Narinig kong bulong ni Jazmine kaya ko ito siniko.

"Ngayon na ba? Anong nangyari kay Kuya Ilver?"

"E ayaw ko muna kay Kuya Ilver. Nami-miss kita Kuya! Dapat kung mahal mo ako bilang kapatid. Hinahatid sundo mo ako! I'm your only sibling!"

Natawa ito sa kabilang linya. "Nasa trabaho pa ako e. Mahihintay mo ba ako saglit lang? May anim na lang akong pipirmahang papeles."

"Kuya sige na. Ba-biyahe ka pa papunta dito. Maiiwan akong mag-isa dito sa campus. Isusumbong kita kay Mommy at magtatampo ako sayo."

Napahagikhik si Jazmine sa tabi ko habang nakatakip naman ito sa bibig para hindi marinig.

"Sige, I'll be there in twenty minutes."

"See you! Saka Kuya gusto ko ng milk tea!" Iyon lang saka ko na pinatay.

"Sakto cous pag nagsiuwian na. Makikita ni Mrs. Knutson na kunwari may papabels ka."

Tinawanan ko ito. "Gay language. Saan mo nakuha ang papabels na iyan?"

Namukol ang pisngi nito. Kadiri ang dila!

"Ano, kay Jay lang." Tukoy nito sa baklang kaklase namin. "Nakikinig ako sa usapan nila minsan."

"Chismosa ka talaga Jazzy."

Umirap ito sa akin. "Hindi naman. Nagkataon lang talagang malakas ang boses nila kapag nagku-kwentuhan. Mag-iingat kayo ni Kuya Thunder mamaya, mauuna na akong umuwi. Balitaan mo ako mamaya ha! Call me." Iminuwestra nito ang call sign.

"Para ka namang malandi. Sige na. Mag-iingat ka sa pagmamaneho."

"I-kiss mo ako kay Kuya Thunder para makatotohanan ang dating kay Mrs. Knutson sayo."

"Oo na, baliw. Sige na, layas."

Tumatawa itong yumakap sa akin bago umalis. Kumuway pa ito sa akin and I did the same.

Naghihintay lang ako kay Kuya Thunder ng dumating si Miss Fin.

"Hi Dominique!"

Ngumiti ako rito. "Hi Miss Fin!"

"Waiting for someone?" Nabaling ang pansin ko kay Mrs. Knutson na kadarating lang din.

"Yes po." I answered.

Ilang saglit lang ay dumating si Kuya Thunder at gusto kong mapatampal sa aking noo ng makitang ang bugatti chiron ang gamit nitong sasakyan. Dumadagundong ang tambutso nito.

"Look at that ride."

Matatawa sana ako sa sinabi ni Miss Fin ang kaso ay hindi ako natutuwa sa paradang ginawa ng kapatid ko.

"Aalis na po ako Miss! Mag-iingat ka po sa pagmamaneho." Nagmamadali akong maglakad palapit kay Kuya ng basta na lang itong tumigil malapit sa akin. Pinagtinginan tuloy siya ng mga kapwa ko estudyante. Nanggigigil akong lumapit rito ng pormado itong bumaba ng sasakyan.

Matangkad ang kapatid ko, guwapo, at matipuno. Pwede itong modelo pero mas pinili nitong maging negosyante katulad ni Mama Scarlet.

"Kuya!" Madiing bulong ko ng makalapit ako rito.

"Hi Selenophile!"

He hugged me and kissed my forehead na pabor sa akin. Hindi ko na kailangan pang humalik rito gaya ng sinabi ni Jazmine. Iniabot nito sa akin ang milk tea at mabilis ko naman iyong kinuha.

"Thank you! Tara na."

"And where do you think you're going?" Biglang sulpot ni Mrs. Knutson sa tabi ko bago nito hinawakan ang braso ko.

"Hey-" Pero natigilan si Kuya ng matitigan si Mrs. Knutson. Oh no! Don't fall for her charm! Akin lang si Knutson at ayokong magaya kay Kuya Ri'son at Jazmine na gusto si Miss Fin.

"She's not coming with you." Mrs. Knutson said in a very cold and firm voice.

I winked at my brother na sana ay ma-gets nito. Mukha naman nitong naintindihan ang ibig kong sabihin kaya napangiti ito.

"She have some paperworks to do with me."

Anong paperworks? Oh no! Mag-che-check na naman ako?

"Fine sexy, take care of her." Sabi ni Kuya bago sumakay sa sasakyan nito at umalis. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng isang kilay ni Mrs. Knutson habang sinusundan ang papalayong sasakyan ni Kuya.

"Sa susunod huwag kang basta basta sumasama sa mga manliligaw mo. He called me sexy, he sounded like a maniac."

Ouch! Pasensya na Kuya Thunder! My fault!

Naglakad na ito pabalik sa parking area kaya sumunod ako rito.

Nakangiti si Miss Fin sa akin. "Si Mikaela na ang maghahatid sayo kasama ako. Ayaw umandar ng sasakyan ko kaya makiki-hitch na lang muna ako sa kanya. Pasensya kana, we ditch your date pero nag-aalala kami sayo at baka mapaano ka."

"It's ok Miss Fin."

Sumakay ako sa sasakyan ni Mrs. Knutson at sa likuran ako naupo. Panaka-naka akong umiinom ng milk tea. Nagku-kwento lang si Miss Fin habang tipid namang sumasagot minsan ang kaibigan nito sa ilang mga katanungan. Nakakabanas ang kalamigan nito.

May ilang minuto na kaming nasa biyahe. Hindi ako tumitingin sa rear view dahil alam kong tinitignan ako minsan ni Mrs. Knutson gamit ang malalamig at nang-uusig nitong mga mata.

"Dominique." Tawag ni Miss Fin sa akin.

"Po?"

"Pamilyar sa akin ang lalaking manliligaw mo. I saw him somewhere."

Patay..

"Oh now I remember. Siya iyong lalaking nasa billboard na modelo ng Giudevaun Luxury Cars."

Bigla akong naubo sa sinabi nito.

"You ok back there?"

"I'm ok po Miss Fin. Salamat."

Miss Fin's right, si Kuya Thunder mismo ang namamahala non kaya natural na ito ang ilagay doon. But he's not a model. Negosyo dati iyon ni Tita Snow na importer at exporter ng mga mamahaling sasakyan na ibinigay nito kay Mommy Frances at ng naglaon ay si Kuya na ang humawak.

"Siya nga po."

"You deserve him. Sa pagkakaalam ko. Pinsan yata non si Nathaniel at Natalie Giudevaun. Swerte mo na. Mababait sila."

Kunway napaubo ako sa sinabi nito. Si Kuya Thunder at ako?

Yuck!

"No, she doesn't deserve him. He's rude and maniac." Sabat ni Mrs. Knutson.







The heck! He's my brother woman.

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now