Chapter 54

12.9K 754 109
                                    

Dominique

"How about these?" I asked Mikaela about the white and gray onesies I have para kung sakaling babae o lalaki ang anak namin ay magagamit nito.

"Should be a bit smaller."

"Ayos lang iyan. Mabilis lang naman lumaki ang bata ngayon." Si Miss Fin habang si Jazmine ay nakaupo habang naghihintay at kanina pa walang imik habang lihim na ninanakawan ng tingin si Miss Fin.

"Ma'am tama po. Mabilis pong lumaki ang mga baby ngayon-"

"Excuse you." Walang emosyon at malamig na putol ni Mikaela sa sales boy. "We can damn manage so leave us alone fuck sake."

Nakita kong napakagat si Miss Fin sa ibabang labi nito habang napatakip naman ang pinsan kong si Jazmine sa bibig nito sa pagsusungit ng mahal ko. Yumuko ang lalaki bilang pagbibigay galang bago umalis.

"Can't believe you dimwit." Matalim ang mga mata nitong baling sa akin.

Napatanga ako rito. "What did I do?" Takang tanong ko rito.

"He's been following us because of you and yet you've been-"

"Ok. Ok." Putol ni Miss Fin sa sasabihin nito. "Relax ka lang Mikaela. Dominique doesn't know about it. The guy's hitting her pero sa tingin mo papatol si Dominique doon? All her attentions ay nasa pagbili ng damit ng baby mo."

Tinitigan ito ni Mikaela bago pinagkrus ang mga kamay nito sa dibdib.

"I will not tolerate someone to just flirt with her Sofiera. Not in front of me. Not on my watch."

"Over protective mo. Let her have her life she's single. Don't act like her Mom."

"I should be. She's the Father of my baby. Do you think I will share?"

"Ha?" Ilang segundo bago lumagapak sa sahig ang hawak din nitong damit pambata na nakahanger.

Binalingan ako ni Miss Fin. "You? How?"

Tumango ako rito. "Opo. I'm intersex."

Nanlaki ang mga mata nito bago bumaling kay Mikaela. "You bitch!" Sigaw nito dahilan para makakuha kami ng atensyon sa mga taong bumibili rin.

Nanlaki ang mga mata ni Jazmine at napasapo ito sa bibig.

"Language Professor Fin." Si Mikaela.

"Fuck you Professor Knutson. You bitch! You abuse her?!" Mahina ngunit madiing tanong nito.

Mas lalong naging malamig ang titig nito. "First, I'm Professor Adicof. Lastly, I didn't abuse her. Look at this." Tinuro nito ang umbok nitong tiyan. "Don't you think I'm the one whos abuse here Sofiera?"

Napasapo ito sa noo nito. "You're intersex?" Baling ulit nito sa akin kaya napatango ulit ako.

"Ikaw rin?" Akusa nito kay Jazmine. Nanlaki ang mga mata ng pinsan kong nakaupo.

"H-Hindi po!" Mabilis nitong depensa.

"Halika Jazzy." Lumapit rito si Miss Fin at kinuha ang kamay ng pinsan ko dahilan para mamula ito ng husto. "Samahan mo akong bumili ng maiinom. I think I'm gonna pass out. Such informations I couldn't handle."

Walang nagawa ang pinsan ko kundi magpatangay sa Professor namin. Nakita ko ang mukha nitong kinikilig na namumula na ewan.

Oh ghad she's so gay.

Pinulot ko ang damit na nalaglag ni Miss Fin kanina at ibinalik iyon sa tamang lagayan nito. I looked at Mikaela na walang emosyon. Lagi naman itong ganito.

"I want you to trust me-"

"I don't trust those people around you and it's not something I can just ignore."

Alam ko namang selosa ito. It's one of the things I like about her. Hindi kasi ito magseselos kung hindi ako nito mahal and given that she's pregnant. I perfectly understand her hormones dahil mas lalong naging unpredictable ang ugali nito.

"I'll try to stay away as possible but things sometimes. Hindi ko kontrolado sweetheart. I'm sorry, hindi na mauulit." I just apologize for nothing as I don't want to upset her or what.

Hindi rin naman mahalaga sa akin ang ibang tao. Mikaela became my world and she's all that matters. Alam kong hindi maganda ang sobra. I can't control how I feel for her but I'm still sane. I just want to make her feel special and to give her assurance na hindi ko ito ipagpapalit o dadagdagan. That doesn't run in my family.

Wala itong imik na ipinagpatuloy ang pamimili namin. Ng makakuha kami ng sapat ay nagtungo kami sa counter para magbayad. Nagtext si Jazmine sa akin na hinihintay nila kami ni Miss Fin sa isang restaurant.

Ng makabayad ako ay binitbit ko ang mga paperbag at hinawakan sa kamay si Mikaela para hanapin ang restaurant na sinasabi ng pinsan ko. Some people are staring at Mikaela. They might think she's a celebrity and probably I am her little sister na sumama lang para ipag-shopping ang baby nito.

Ng makarating kami sa restaurant ay pinaghila ko ng upuan si Mikaela at inalalayan itong makaupo.

"Nag-order na ako cous." Si Jazmine na hanggang ngayon ay namumula pa rin at parang ang tigas ng pagkakaupo nito sa tabi ni Miss Fin. Si Miss Fin kasi ang nasa harapan ko at si Mikaela at Jazmine naman ang magkatapat. Parang dagang nakorner ang pinsan ko.

"Tell me how did this thing happened Mikaela. I demand an explanation as I am your bestfriend-"

"Bryson and I were annulled Sofiera. Dominique is intersex. I fell in love with her. We fuck and she got me pregnant."

Nalaglag ang panga ng dalawa.

"I know it's impossible at first especially with the christie's diamond necklace Dominique gave you as a gift. I don't believe it pero your wished happened."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Miss Sofiera.

"This bitch." Turo ni Miss Fin kay Mikaela. "Just last year before her birthday. Ang sabi niya makakawala lang siya sa lahat ng pasakit sa buhay niya kapag natagpuan na niya ang true love niya. We asked her anong sign ng taong iyon para malaman niyang siya na nga. She said the most impossible thing and that is sa susunod na birthday niya. Bibigyan siya ng taong iyon ng christie's diamond necklace. Well as we all know. Christie's diamond is rare and way expensive and I even joke her. Hindi siya makakahanap ng ganung tao kaya hindi siya makakalaya sa mga Knutson but you and Jazmine came in my birthday and gave that necklace. It was like you throw a bomb in front of us."

Kaya pala ganun ang naging reaksyon ng mga ito noon.

"And she left kasi hindi iyan makapaniwala na isang bata ang nag-abot sa kanya. Worst it was one of our student. Kaya-"

"Shut it." Putol ni Mikaela sa kaibigan nito. Bumaling ito ng pansin sa akin. "That's why I left. I thought life is playing another game on me again. I had enough but the first time ever I laid my eyes on you. You charmed me."

Napangiti ako rito. That's one of the longest line I've ever heard from her.

"But you see. Sofiera keeps pushing me to my limit. She keeps pissing me off by getting close to you cause I keep denying her what I'm starting to feel for you."

Impit na napatili si Jazmine kaya napatingin kaming lahat rito. Kagat kagat nito ang kuko.

"Erm. G-Go on A-Ate. Sorry.. Ano kasi kinikilig lang ako."

Natatawa ako sa hitsura nito pero sobrang saya ng puso ko. I can really really die right now.

Not minding the people around us kung sino man ang makakita sa amin. It doesn't matter where we are and whose with us. What matters is what we feel. We're always at the right time.

Mikaela pulled me for a hug bago ito bumulong sa tenga ko. Palagay ko'y nanlambot ang mga tuhod ko rito at parang may nagrarambulan sa tiyan ko. Itong puso ko sobrang bilis ng tibok.












"You are mine."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon