Chapter 52

12K 692 88
                                    

Dominique

"Sexy pa rin kahit buntis pare."

"Swerte nong asawa. Kapag ako niyan hindi ko rin talaga titigilan hanggat hindi nabubuntis."

Napapikit ako dahil sa inis. Nagbubulongan si Abel at Lejeu sa likuran namin pero dinig na dinig ko. It was ok for me na mabigyan ng compliment si Mikaela pero iyong pagnasaan ay ibang usapan na.

Jazmine held my hand to calm me down pero masama ang gising ko ngayon. Inaantok akong hindi ko maintindihan and all I wanna do is punch these guys behind me.

Mikaela's wearing a momnfancy sleeveless spring and summer maternity black dress at mas lalo pa itong naging kaakit-akit. Nakadagdag sa appeal nito sa akin ang pagiging buntis. It fits her being a Mother.

"Good morning." Seryosong bati ni Mikaela pero imbes na bumati pabalik ay nanatiling tahimik ang lahat. Siguro ay naninibago ang mga ito rito. Mikaela never greet us first.

Pabagsak nitong ibinaba sa lamesa ang dala nitong dalawang libro.

"Good morning Mrs. Knutson."

Pagkatapos nitong ibaba ang shoulder bag nito ay saka naman pinagkrus ang mga kamay nito sa dibdib at pasadahan kami ng malamig na tingin.

"First, I am no longer Mrs. Knutson so don't call me that. I'd like you to address me Miss Adicof."

I raise my hand.

"What?" Masungit na tanong nito.

"Do you have plans to get married again perhaps to a Giudevaun?" Lakas loob kong tanong rito. I saw something playful in her eyes pero hindi naman nagbago ang ekspresyon nito.

Naririnig ko ang bulongan ng mga kaklase ko dahil sa tanong ko. What's wrong with that? She already have my engagement ring.

"Maybe." Simpleng sagot nito at kahit hindi sigurado ay kinikilig ako.

Just thinking she would be Mrs. Howard someday really melts my heart.

"Ma'am hiwalay na po kayo ng asawa niyo?" Si Lejeu.

"Stop sucking Mr. Villaverde. It's none of your business." Malamig na sagot nito.

"S-Sorry po."

Tumalikod na si Mikaela at kinuha ang pen nito at may isinulat sa white board.

"Isn't she too hot cous?" I asked Jazzy. Pabulong lang para kami lang na dalawa ang magkakaringgan.

"Something's wrong with you. She's cold cous. Don't ever forget that."

Kinurot ko ito sa tagiliran. "Hindi ka papatulan ni Miss Fin sige ka."

"E weg nemen. Herep ne nge pregrese."

Kumunot ang noo ko rito. "Ha?" Wala kasi akong naintindihan aside sa huwag naman.

"Wala." Wika nito at pasimpleng inipit ang ilang hibla ng buhok nito sa likuran ng tenga.

Inaantok ako habang nakikinig sa eksplanasyon ni Mikaela at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil dalawang oras pa naman ang klase namin rito.

Napabuntong hininga ako at papapikit na ng biglang tumama sa noo ko ang isang pen. Napapikit ako sa sakit at napasapo sa aking noo.

"Mr. Samañego at Villaverde. Get out!"

"Cous ok ka lang?" Tanong naman ni Jazmine sa akin. Tumango ako habang sapo pa rin ang noo ko.

Narinig ko ang pagtayo nina Lejeu at Abel at ang paglabas ng dalawa sa kwarto. Totoo namang kanina pa maingay ang dalawa sa likuran namin ni Jazmine. Nagbubulongan pero malakas at may kasama pang pagtawa. Akala ko ay hindi mapapansin ni Mikaela pero ito pa kayang masungit na ito? Ang masama lang ay ako ang tinamaan ng pen nito imbes na si Abel.

Tinanggal ni Mikaela ang kamay ko at hinawakan nito ang mukha ko. Tinitigan nito ng mabuti ang noo kong siguradong namumula na ngayon habang ako ay nanatiling nakatitig rin sa magandang mukha nito partikular na sa mga mata.

"I'm sorry." Halos pabulong na wika nito.

Ngumiti ako rito. "Ayos lang."

Siniko ako ni Jazmine. "Ayos lang po Ma'am." Ulit ko ng ma-realized kong nasa loob pala kami ng classroom. Pinulot ni Grace ang pen nito saka ibinigay kay Mikaela.

Naglakad ito papunta sa harapan saka pinag-krus ang mga kamay nito sa dibdib at seryosong tumitig sa amin.

"If you're not interested in my class. Don't attend and I could just simply fail you. Am I clear?!"

"Yes Miss Adicof."

"Class dismissed." Masungit at malamig nitong sabi.

I bit my lower lip. My ghad she's so hot!

Agad nagsipulasan ang mga kaklase namin. Halatang takot ang mga ito kay Mikaela.

"Cous mauuna na ako ha. Alis na ako. Magkita na lang tayo sa cafeteria-"

"Stay Miss Giudevaun or else I will fail you." Si Mikaela. Paano naman kasi napaka-obvious nito at nagmamadali pa talaga.

"Jusko po." Mahinang wika nito at nanghihina itong napaupo pabalik sa tabi ko. Gusto kong matawa sa parang namatayan nitong mukha.

May inilabas si Mikaela sa lunchbox nito. Saan naman niya iyon kinuha? Alangan namang nagpadala si Mommy Frances ng pagkain rito. Binuksan nito iyon at ipinakita sa amin. May anim na itlog doon at hindi pa nabalatan.

"I'd like you both to eat these eggs."

"Cous alam mong hindi ako kumakain ng itlog lalo na ang nilaga." Si Jazmine sa tabi ko.

"Ako rin naman but she wants us to eat it." Lumapit kami sa harapan ng lamesa nito.

"These eggs, they call it balut. I want to see you eat it for me."

Nagkatinginan kami ni Jazmine habang nanlalaki ang mga mata nito.

"Eat Miss Giudevaun."

Napalunok si Jazmine bago kumuha ng isang balut. Halos wala itong lakas ng kunin nito ang isang piraso.

"A-Are we gonna eat these-"

"In what word you don't understand what I've said Miss Giudevaun?"

"K-Kakain na po." Binalatan nito ang balut at ng tumambad ang nasa loob nito ay nangasim na ang mukha ni Jazmine. Kahit ako ay ayoko pero mas ayokong pasamain ang loob ni Mikaela at masama iyon sa dinadala nito.

"Oh ghad help me." Nakapikit si Jazmine na dinala sa bibig nito at saka kumagat ng kalahati.

Dumampot ako ng isa at binalatan iyon. Malapit ng matapos si Jazmine ng inuna kong kainin ang dilaw na parte nito. It wasn't that bad but it wasn't good as well. Sinunod ko ang puting parte nito. Ayoko dahil may katigasan. Nakatitig ako sa parte ngayon ng isang buong sisiw. I don't really like to eat it. There's no way I will eat this like Jazmine did.

Tumingin ako kay Mikaela na nakatitig ngayon sa akin.

"Can't I eat this love?"

"Sure." Nakita kong nanlaki ang mga mata ni Jazmine matapos nitong makain ang balut nito kasama na pati ang sisiw.

"What?!" Pasigaw na tanong nito. Hindi makapaniwala. "Shet!"






"Watch out your dirty mouth inside my class Miss Giudevaun."

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now