Chapter 53

12.7K 677 40
                                    

Dominique

"Here." Iniabot ko kay Mikaela ang isang basong tubig at vitamins nito.

"You should resign love. Think about our baby. Pwede ka naman magturo ulit kapag nakapanganak ka na. Hindi kita pipigilan kung iyon ang gusto mo."

"Come here." Hinaplos nito ang kama namin pagkatapos ipatong ang basong ginamit sa may bedside table ko.

Did I ever mention na dito na ito naglalagi sa bahay namin? Mommy Frances convince Mikaela to live with us para daw maalagaan kaming dalawa na mabuti.

I am young and Mikaela's mature pero pareho kaming unang beses na magkaroon ng anak. We don't know much about it. At nagpapagaling pa ako habang si Mikaela ay kailangan ng alalay maliban sa akin at willing si Mommy Frances na suportahan kami pareho.

And Mikaela couldn't say no to Mommy Frances. Hindi ko alam pero natutuwa akong close ang mga ito kahit hindi palasalita si Mikaela. Mommy Frances already figure out about Mikaela's character at ayos lang naman ito kay Mommy. She actually admire Mikaela for being so professional.

Nahiga ako sa tabi nito bago haplosin ang maumbok nitong tiyan. Napangiti ako knowing that there's a beautiful soul living inside this woman I love.

"Dominique."

Napaangat ako rito ng tingin at napatitig sa malalamig ngunit magaganda nitong mga mata. Magsasalita pa lang sana ako ng dahan dahan ako nitong halikan sa labi.

And I died.

Mabibilang lang talaga ang pagiging malambing nito sa akin pero nagpapasalamat pa rin ako sa pagdadalantao nito dahil may mga nagbago rito kahit papaano.

Mikaela's not good with words. She's even cold pero kahit minsan lang ang pagpapakita nito ng saloobin ay talagang sagad sagaran ang epekto sa akin. Ng maghiwalay ang mga labi namin ay napangiti ako rito.

"I love you Prof." Ako naman ngayon ang bahagyang dumagan rito para halikan ito sa labi. Mainit, maingat, mabagal, at punong puno ito ng pagsuyo.

Ng maghiwalay ang mga labi namin ay hinalikan ko ang matangos nitong ilong bago patakan ng halik ang labi nito papunta sa panga. Hinaplos ko ang tiyan nito habang gumagapang ang mga labi ko papunta sa leeg nito.

"No hickey Howard." Paalala nito kaya imbes ay lumipat ako sa collar bone nito at sinipsip ko iyon leaving a hickey. "Kiss me idiot."

So impatient. Kahit kailan ay hindi talaga marunong maghintay ang isang Mikaela Rielle Adicof.

Hinalikan ko ulit ang mga labi nito pero natigil kami ng may kumatok.

"Selenophile! Get up may lakad tayo ngayon! I texted you last night!"

Nakita ko ang malamig na tingin ni Mikaela sa pintuan ng kwarto ko.

"I'm gonna kill you Miss Giudevaun." Mahinang wika nito.

Oo nga pala. Hindi ko pa pala nasasabi kay Jazmine na lumipat na si Mikaela rito.

"Get up cous!"

"This dimwit is too noisy."

Hinalikan ko ulit ito at akma na sana akong babangon ng pigilan ako ni Mikaela.

"Lay down." Utos nito.

Ito ngayon ang bumangon at naglakad papunta sa pintuan. I can't wait to see my cousin's reaction kapag nakita nito ang girlfriend ko.

Nahiga ako at tumitig sa pintuan kung saan ay binuksan ito ni Mikaela.

"Ano ba! Bakit-" Hindi nito naituloy ang sasabihin nito ng mapagsino si Mikaela. Agad itong namutla. "Ah ano. Good morning Prof- Ate Mikaela."

Pinagkrus ni Mikaela ang mga kamay nito sa dibdib.

"A-Aalis na po ako at-"

"And where do you think you're going Miss Giudevaun?"

Ngumiti si Jazmine rito ng pekeng alanganin. "A-Ano may lakad po ako ngayon e. Sana kami ni Selenophile pero mukhang hindi siya makakasama kaya-"

"You stay here kesa maglakwatsa. Let's eat." Tumingin pa si Mikaela sa akin. "What do you think love?"

Kinikilig tuloy ako. Gusto kong magpagulong gulong sa kama. Nakita kong panay iling sa akin ni Jazmine pero wala akong puso para tanggihan ang gusto ng babaeng mahal ko.

"Gusto ko love tapos mag-movie marathon tayo."

Oa na napatampal si Jazmine sa noo nito pero agad ring umayos ng tayo ng bumaling rito si Mikaela. Napipilitan itong ngumiti.

"M-May lakad po ako Prof- Ate Mikaela."

"Baka grado mo ang madisgrasya sa akin Miss Giudevaun."

"Jusko po hindi po! Sinabi ko ngang ihahanda ko na ang theatre nila dito-"

"I think going out is a good idea." Bumaling ulit ito sa akin. "Right?"

Napangiti na ng tunay si Jazmine dahil sa sinabi ni Mikaela. Kahit ako ay panay tango. Gusto kong magshopping na kami ng mga baby clothes and baby stuffs.

"Oo. We can do shopping already for our baby. Hindi pa natin alam ang gender niya pero we can buy stuffs like crib and clothes. We'll choose color like black or gray or white."

"Sounds dull."

"We can buy some toys. We also need to decorate the nursery room."

"Too early for that."

Napaupo ako. "Well it's much better kesa late. You're busy in school at ganon din ako. Although alam kong tutulong si Mommy. Ayaw kong iasa ang lahat sa kanya. I should be responsible for you and our baby's needs."

Imbes na sumagot ay naglakad ito para kunin ang cellphone nito sa may side table. Tumayo ako para magpalit ng damit.

"Cous hintayin ko na lang kayo sa baba-" Hindi naituloy ni Jazmine ang sasabihin ng marinig nito si Mikaela.

"Sofiera you lazy bum. Get up and we'll meet. Let's do shopping. I'll just send you the details." Pagkatapos non ay in-end call na nito saka ibinaba ang cellphone sa may bedside table.

"Did you just invited Miss Fin Ate Mikaela?!" Nanlalaki ang mga mata ni Jazmine kay Mikaela ngayon.

"Are you shouting at me Miss Giudevaun?" Malamig ang boses pati ang titig nito.

"H-Ha? Ah e hindi po A-Ate. Kako bakit meron pa si Miss Fin."

"She's my bestfriend in case you forgot Miss Giudevaun." Saka na ito tumalikod at pumasok sa walk in closet ko kung nasaan din ang mga damit nito.

"Uuwi na ako!" Mahinang maktol ni Jazmine sa akin.

"It's your fault cous. Bigla ka na lang kasi sumugod dito e."

"You didn't tell me that she move in with you! You could've at least texted me to inform me hindi iyong sasambulat na lang sa pagmumukha ko si Miss Adicof rito!" Pabulong at naiinis nitong sita sa akin.

"Biglaan."

"And now she invited Miss Fin. What do I do now?" Worried na tanong nito sa akin.

"Hindi ko alam."

"Hindi ka naman nakakatulong sa akin cous e!"

"Wala naman kasi akong alam anong nangyayari sa inyo ni Miss Fin, Jazzy!"

Napasuklay ito sa buhok nitong bagsak gamit ang mga daliri nito. She look frustrated.













"Pakshet!"

Falling For Mrs. Knutson (Completed)Where stories live. Discover now