3: Shy's life

1.9K 54 2
                                    

Alas 12 na ng hating gabi at gising pa din si Shy. Hindi makatulog at iniisip ang naramdamang kakaiba kay Sandro.

"Crush ko ba sya?, Kahit kailan ay hindi ko ito naramdaman sa mga manliligaw ko. Kahit na maraming lalaki sa maynila ay hindi ako nakaramdam ng ganito. "

"Pero isa syang Congressman at kahit kailan ay hindi niya mababalingan ng atensyon ang tulad ko". Malungkot niyang sabi

"Kainis kasing mga bibe yan e tsk!" Sa susunod talaga na ipahamak niyo ko ililigaw ko na kayong lahat! Sigaw niya

Sinara na niya ang bintana at umayos na ng higa.
Makatulog na nga...

Kinabukasan ay maaga nagising si Shy, as usual ay nagligpit muna sya ng pinaghigaan at nagtungo na sa kusina para magtimpla ng kape.

Alasais palang ng umaga at inaantok pa dahil sa pagiisip kagabi ay kailangan na niyang bumangon para tumulong sa kanyang ina.

Mabilis na lumipas ang araw at linggo at dumating na ang araw ng pagbalik niya ng Maynila malapit na ang pasukan.

"Ang bilis ng araw balik maynila nanaman ako hayss". Habang nagaayos siya ng gamit

Magingat ka sa byahe mo anak ah. Magingat kayo ng ate mo. Tawag tawagan mo kami ng nanay mo ha. Bilin ng ama

Oo anak wag kayo magpapagutom at pag may kailangan tawag ka agad ah. Mag-aral mabuti ah. Kaunti nalang at matatapos nadin tayo.

Oo nay pangako luluwas kayo ng maynila para sa graduation ko. At babalik ako dito para dito na mamalagi at maghanap ng trabaho.

Talaga anak?! Naku salamat sa Diyos at magkakasama na tayo ng matagal!

Masaya si Shy sa isiping babalik siya ng Ilocos para makasama ang magulang at isa pang dahilan ay sa namumuo niyang nararamdaman para kay Sandro.

Kahit alam niyang malabo na magustuhan sya ay ang mahalaga ay makita niya ito ng mas madalas.

Hindi man niya ito nakita ulit sa personal ay palagi naman niya itong sinusubaybayan sa social media.
Sumakay ng eroplano si Shy para sa pagbalik sa Maynila

"Back to reality na naman! Wika niya paglapag sa airport

Agad na humanap ng taxi at isinakay na ang mga bagahe.
-"sa Tondo tayo manong.

Ng makarating ay agad syang sinalubong ng kanyang kapatid .

" Oh Shy mabuti at nakabalik ka na namiss kita wala akong kasama dito sa apartment.

"Naku ate Maine namiss. Sabihin mo wala ka lang mautusan dito! Irap ni Shy

"Sira! Hhaha tara pumasok ka na nagluto na ko mananghalian ka na matutulog na ako at may shift pa ko mamayang gabi. Ngapala tumawag ang nanay ipaalam mo sa kanyang nakauwi ka na rito ng maayos baka magalala yun. Cge na. at pumasok na ito sa kanyang kwarto.

Isang tl sa callcenter sa Makati ang kanyang ate. Siya ang kasama ni Shy simula ng lumuwas ito ng maynila pagkatapos ng elementarya.

Alas 8 na ng gabi at nakapaglinis na si Shy ng katawan maaga syang magpapahinga dahil bukas ay linggo kailangan niyang pumunta sa part time job sa isang agency na nagdedeploy ng waitress sa mga hotels and other events or catering services pag kulang sa tao. para magreport.

Kumukuha ng kursong Hotel and Restaurant Management si Shy sa Unibersidad de Manila, dito ksi ay libre ang pagaaral niya.
Sa umaga ay nagaaral sya at sa gabi naman ay nagtatrabaho sya. Pwera pa pag sabado at linggo kung saan sa umaga naman siya nagtatrabaho.

Paraan ito ni Shy para hindi na gumastos masyado ang mga magulang sa kanyang pagaaral at para hindi na rin sya bgyan ng kapatid sa kanyang personal needs.

Nagiipon kasi ang kanyang ate na nagbabalak sumubok mangibang bansa.

Pagkatapos magreport ay dumaan si Shy sa SM manila. Tumingin tingin sya ng libro sa National book store, bumili ng notebook at ballpen at namili ng kaniyang mga kailangan sa Watson's. Ng makaramdam ng gutom ay umupo na sya at kumain sa Jollibee .
Habang kumakain ay nagbrowse browse sya sa kanyang fb. At ang di niya makakalimutan ay ang pagstalk niya sa lalaking hinahangaan khit sa social media lamang.

"Napaka gwapo mo talaga aking Sandro" bulong ni Shy sa sarili habang minamasdan ang bagong post nito ng kanyang litrato.
Mabilis na natapos si Shy at lumabs na ng mall para makauwi.

"Madilim na pala tsk! Ang bilis naman ng oras. Kakatingin ko sa ig ng lalaking yun e d ko na namalayan ang oras. Na natatawa nalang sa sarili

Paguwi ay naghanda na si Shy ng hapunan nila ng kanyang ate. Papasok na kasi ito sa trabaho kaya kailangan niya maghanda para may baunin ito.

Sya nanaman ang maiiwan sa kanilang apartment hanggat wala pa syang schedule sa trabaho.

Pasado alas 9 ng gabi ng umalis ang kanyang ate at naghanda na siya para matulog. May pasok na sya kinabukasan at kailangan niya pumunta ng maaga para dumaan sa registrar.

Mabilis dumaan ang isang linggo at maayos naman ang naging simula ng klase ni Shy. Naayos na niya ang kanyang sched for the first semester at dahil graduating ay mas kaunti nalang ang oras niya sa skwelahan
May kaunting pagbabago lang na magkakaroon sya ng OJt na required sa graduating student tulad niya.

Isang gabi habang naglalagay ng skincare ay tumunog naman ang kanyang telepono at binasa ang txt.

-6pm call time tom at Grand Hyatt BGC don't be late
Txt ng kanyang manager.

Agad tumipa sa kanyang cellphone at nireplyan ang kanyang manager
-yes mam copy.

Natulog na sya dahil maaga pa sya sa OJT niya sa Manila Hotel.

"Grabe nakakapagod no! Habang nagaayos ng gamit nila matapos ang 6 working hours nila. Sabi ni Gem na kaklase at kaibigan niya na kasama din niya sa part time job. Sila ang palaging magkasama kaya masasabi niya ng best friend niya ito dahil sila na ang magkadikit simula 1st year college.

"Oo grabe! Sumakit mga paa ko ang tagal nating nakatayo." Turan niya
-naku feeling ko nga e satin pinasa talaga mga trabaho nila porket naka ojt tayo e! Reklamo naman ni Gem.

Tara na bilisan natin punta pa tayong BGC. Magtaxi nalang tayo hati nalang tayo para d na tayo mapagod sa pagcommute tapos mas mabilis pa. Suhestyon ni Gem.

Cge tara na!
Nakahanap naman sila agad ng taxi at agad bumiyahe patungong BGC. Alas 5:30 palang ay nakarating na sila kaya may oras pa silang makapagpalit ng unipormeng pang waitress.

Haddle guys! Sigaw ng manager at agad naman silang humilera.

Ok this is a big event! Birthday ng anak ng isang politiko at puro mga kilala at mayayaman ang mga bisita kaya ayusin ang trabaho ok. Be professional!

Come on lets go! Girls fix yourself ayoko ng mukhang di naliligo! Kayong mga lalaki ayusin nio sarili niyo hindi yung mukha kayong tambay!
Bilis!!

Agad naman nagayos si Shy at Gem ng sarili nagpabango at naglagay ng kaunting make-up para magmukhang presentable. Normal na ito sa kanila dahil kasama ito sa tinuro sa kanila sa eskwelahan.
Isa isa na silang lumabas para mag assist ng bisita.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now