7: A mistake

2.3K 60 3
                                    

Nagising na masakit ang ulo ni Shy, naramdamn niya ang malambot na dumapo sa kanyang pisngi ,tinignan ang suot na relo at nakitang alas 7 na ng umaga. Napabalikwas sya ng bangon at tinignan ang sarili, naalala ang ginawang kagagahan kaninang madaling araw.
Nakabalot na sya ng kumot at may araw ng sumusungaw sa bintana. Wala din ang katabing lalaki na kagabi ay nakasalo niya sa isang pagniniig.

Agad bumangon si Shy at hinanap ang suot na damit kagabi. Wala si Sandro sa higaan at nalaman niyang nasa Cr ito ng marinig ang lagaslas ng tubig. Nagmadali si Shy at dahandahan lumabs ng kwarto. Nakita niya ang kanyang damit na nakasampay na sa sofa na tuyo na at agad itong sinuot.

"Ano ba tong kagagahan tong ginawa mo Shy!" Naiyak si Shy sa isipin na mali ang kanyang ginawa, ibinigay niya ang sarili sa lalaking kailanman ay hindi magugustuhan ang tulad niya.

Agad sinuot ang damit at kinuha ang dalang bag. Dirediretso syang lumabas ng unit at nagmadali makasakay ng elavator.

Pagkalabas ng condo ay pumara ng taxi at dumiretso sa kanilang bahay sa tundo.
Mabilis ang naging kanyang kilos. Tinext ang kaibigan na malelate siya.
Naligo at agad siyang nagready para sa pagpasok. Alas 10 na ng umaga ng makapasok si Shy at nabuhayan naman ng malaman na wala pa ang guro dahil malelate daw ito.

Balot parin ang isip ni Shy sa nagdaang pangyayari. Kailanman ay hindi pumasok sa kanyang isip na mapagtutuunan sya ni Sandro ng pansin at higit pa roon ang nangyari sa kanya. Nagsalo sila sa isang bagay na ginagawa lamang ng dalawang nagmamahalan.

Malungkot si Shy dahil sa nangyari ngunit may saya sa kanyang puso sa kaalaman na si Sandro ang nagparanas nito sa kanya. Aminin man niya o hindi ay buong pagmmhal niyang ipinagkaloob ang sarili sa lalaki.

SANDRO POV

Nagising sya sa sakit ng ulo marahil dahil sa paginom at pagkabasa ng uln kagabi. Nakita niya ang dalagang katabi at doon niya nakita ang angkin ganda nito. Simple lamang ang kanyang mukha ngunit napaka amo nito. Hinimas ng likod ng kanyang palad ang pisngi nito at ng bahagyang gumalaw ay napahinto sya. Nagpatuloy parin ito sa pagtulog at iniayos na lamang niya ang kumot nito sa katawan. Dumiretso sya sa banyo para maligo at makapaghanda ng kanilang almusal.

"We have to talk about what happened last night. Nangingiti si Sandro sa isipin. Ngayon niya lang ito naramdaman sa isang babae. At naisip ang sinabi nuon ng kanyang ama na malalaman mong sya na kapag kakaiba na ang emosyong dulot niya sayo at kapag nababago na niya ang takbo ng utak mo."

Yeah i think i like her. Saad ni Sandro sa sarili.

Pagkatapos magbihis ay lumabas na sa banyo ngunit ganon nalang ang pagkabigla niya ng wala na ang babae sa kama.

"What the heck! Where is she?!
Lumabas si Sandro sa sala at tinignan din ang kusina ganun din ang laundry area ngunit wala talaga ito. Napansin din nyang wala na ang bag nito at damit na nabasa kagabi

Buntong hiningang umupo si Sandro sa sala at tinawagan ang sekretarya para sa sasakyang nasira kagabi.

Sandro my LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora