28: Making up

1.8K 60 21
                                    

[pasensya na kung super late na magupdate ang inyong lingkod. Medyo namemental block kasi ako lately and ayoko naman na lugaw ang maging daloy ng story. Sana patuloy niyo kong i push magupdate mga readers.
And follow niyo nadin ako please loveyou all 😘😘😘😘]


-Pagkatapos uminom ng tsaa at magpahangin ay kapwa pumasok na sila sa loob ng cabin.
" Let's take a rest so we can wakeup  early tomorrow, I'll bring you somewhere I'm sure you'll love it"
Saad ng binata 
" Sige mauna kana hugasan ko lang tong tea cup susunod na rin ako" you wika ng dalaga.
Sa totoo lang ay kahit may nangyayari na sa kanila ng maraming beses ay kinakabahan pa rin sya sa isiping dalawa lamang sila doon na parang nasa honey moon stage at ngayon ay first night nila together as partner.

Matapos maghuhas ay pumanik narin si Shy. Huminga muna sya ng malalim bago niya binuksan ang pinto ng kwarto. Malaking kama ang naghihintay sa kanya at naroroon na ang lalaking tinatangi.
Kitang kita ang kgwapuhan nito na lalong nakakadagdag akit rito ang munting dilaw na ilaw na katabi nito na syang tanging nagbibigay liwanag sa kabuoan ng kwarto.
" Come let's sleep" sabay tapik ng lalaki sa kama habang nakangiti.
Grabe ang emosyon nararamdaman ni Shy, sumunod sya rito at pumuwesto na sa kabilang bahagi ng kama.
Pinatay ng lalaki ang katabing lampshade na syang natirirang ilaw na bukas sabay yakap kay Shy.
Hinapit ito ng lalaki papalapit at ipinatong ang kanyang ulo sa braso nito. Iniharap sya nito sa kanya at tska bahagyang kinumutan.
"Goodnight Love" at kinintalan sya nito ng halik sabay yakap ng mahigpit sa kanya.
"G-goodnight din" sagot naman ni Shy.

Nagising si Shy ng makaramdam ng panunubig ng pantog. Nakayapos parin sa kanya ang binata  ang akala niya ay hindi agad sya dadalawin ng antok dahil bukod sa nasa ibang lugar sya ay naninibago pa sya sa kung ano ang meron sa knila ng binata.

Pero nagkamali sya, napaka gaan ng tulog niya kagabi, napaka kumportable ng pakiramdam sa tabi ng binata at isa lang ang ibig sabihin nuon she feels at home in the arms of Sandro.
  Tinignan niya ang oras pagkatapos magbanyo at nakita niyang alas 6 na pala ng umaga.
Hindi pa masikat ang araw kaya hindi niya namalayan na umaga na pala.
Naisipan ng dalaga na bumaba na para magluto ng almusa, sinabi rin kasi ni Sandro na aalis sila ng maaga kaya maganda kubg maaga siya makakapagluto.

Binuksan niya ang ref at mayroon ng pagkain. Si manang Sabel ang naghanda niyon para sa kanila.
Nkita niya ang isang supot ng danggit at bacon kaya iyon ang naisip niyang iluto. Kumuha rin sya ng itlog para iprito.
Sinangag naman niya ang kaning natira nila na inilagay niya sa ref kagabi.
Handa na ang lamesa ng bumaba si Sandro saktong handa na rin ang kapeng galing sa coffee maker ng madatnan sya nito.
"Good morning here's your coffee"
Bati ng dalaga.
"Good morning!" Ngumiti ito at humalik sa kanyang noo na ikinagulat niya ng bahagya. "Kailan ba ako masasanay sa ksweetan ng lalaking ito?"   Wika niya sa sarili.
Inilapag na niya ang kape at sumaby n ng almusal sa binata.

Matapos kumain ay naghanda naman si Shy para sa paglabas nila.
Ipapasyal daw kasi sya ni Sandro. Naghihintay na si Sandro sa baba. Nakaligo na kasi ito kanina bago bumaba para magalmusal ito narin ang nagprisintang magligpit ng hapagkainan pagkatapos nilang kumain.

Simpleng white shortsleeve blouse and khaki shorts lang ang suot niya at tinernuhan niya ng brown na Birkenstock slippers at maliit na long shoulder bag na kulay brown. Simple lang ang sinuot niya ngunit bagay na bagay sa maliit na dalaga.
Pagtapos maglagay ng kaunting pulbo at liptint at magpabango ay bumaba na rin ang dalaga.
Bahagyang natulala naman ang dalaga dahil kahit na napaka simple lang ng suot ng binata na white tshirt at brown pants ay gwapong gwapo parin ito dagdag pa sa suot nitong shades kaya mas talagang kahanga hanga itong tignan.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now