30: last night with you

1.4K 46 11
                                    

Nanghihinang lumabas si Shy sa banyo. Hindi niya na alam kung gaano katagal sya roon pero wala na ang mag-asawa ng lumabas sya ng banyo dahil ang lalaking iniibig ay naroon na sa kama at hinihintay sya.
Hindi ipinahalata rito ang pag-iyak at nagpanggap na walang nangyari.

"Where's your mom and dad?"  Tanong ni Shy sa binata
"They went straight back to Manila, Dad has a lot of work to do he can't stay here for a long time" sagot naman ni Sandro
"Im sorry hindi manlang ako nakapag paalam" paumanhin ng dalaga
"Don't worry they'll understand, are you ok? You look sad?" Tabong ng binata sa kanya
" Huh? No amm pagod lang siguro ako " tumabi ang dalaga sa binata na nakaupo sa kama.
Hinaplos niya ang pisngi nito.
" Ang gwapo mo, may kamukha kang kilalang tao?" Saad ng dalaga
"Really? Who? Is he hondsome?"
Tanong ng binata
" Hmmm i think so, .ung Presidente ng Pilipinas" sabay tawa ni Shy
"Ohh ohhh so you're joking huh . " Bigla naman kiniliti ng binata si Shy sa tagiliran kaya napaigkas ang dalaga. Napahigay sya ng tuluyan pa syang kilitiin ng binata at daganan nito ang kalaharing katawan niya. Kinintalan sya ng mumunting halik nito sa pisngi habang kinikiliti pansamantala munang kinalimutan ng dalaga ang agam agam.

2 Weeks have passed and they are loving more each other. Mas pinaparamdam ni Shy kay Sandro ang kanyang pagmamahal kahit alam niyang sandali nalang ang nalalabing oras para sa kanilang relasyon.
Inaasikaso niya si Sandro sa pagpasok nito, ipinaghhanda niya ng susuutin sa umaga at ng pamalit nito sa gabi. Ipinagtitimpla niya din ito ng kape sa hating gabi kapag subsob ito sa trabaho. Sa kama ay hindi nagkukulang si Shy, nandyan sya kapag kailangan sya ng kasintahan at sinisigurado niyang nasasatisfy ito pagdating sa sex.
Masaya sila oo, kapag magkasama ay sinasantabi ni Shy ang problema pero sa tuwing wala ang lalaki o kapag tulog na sa hating gabi ay nagkukulong sya sa cr at duon iniiyak ang sakit na nararamdaman niya.
She have thought about it many times and she couldn't come up to a better plan but to leave.
Yes she needs to, para sa kapakanan ng lalaki kailangan niya itong gawin. Hindi sang-ayon ang ama ng lalaki sa kanya at hindi niya matatanggap na magkaron ang dalawa ng di pagkakaunawan ng dahil lamang sa kanya.
Sino ba sya? Isa lang naman syang simpleng tao na naka-fubu ng lalaki.
Yes she can feel his love now pero pagbali baliktarin man ang mundo sa dati parin sya nitong ikinakama lang no strings attached kung baga.  it just so happen that they both fell for each other.
Masaya sya na natutunan syang mahalin ng lalaki pero hindi ibig sabihin ay ito na ang tama para sa kanila.
Totoo pala yung salitang ipinagtagpo pero hindi itinadhana.

Eto nanaman sya umiiyak ng impit sa banyo. Hindi maaaring marinig ni Sandro dahil ayaw niyang mag-alala ito. Gusto niyang sulitin nalang ang ilang araw na pagsasamahan nila and for the second time around she will vanish off his sight.
And katulad ng dati pagkatapos ay babalik sya sa kama at yayakap kay Sandro ng mahigpit at duon ipapahinga ang isip.

Kinabukasan ay maaga parin syang nagising, syempre hindi pwedeng pumilya dahil malapit ng maexpire ang relasyon nila. Kaaalis lang ni Sandro para pumasok sa trabaho ng biglang magring ang kanyang telepono

"Hello mama kamusta po?, Pasensya na po at busy lang po sa- sa hotel kaya hindi ako nakakatawag sa inyo, kamusta po si
Sanya mama? Bahagyang hininaan ni Shy ang boses nang banggitin ang pangalan ng anak, nangangamba siyang baka may makarinig.

" Asus ikaw bata ka e nag-aalala kami sa iyo dahil hindi ka nagtatatawag nitong nakaraan, hindi ka naman ganyan e. Pero ngayong narinig ko na ang boses mo ay ayos na ako" nangingiwi si Shy sa pagpigil sa pagpatak ng kanyang luha na kanina pa pinipigilan. Miss na miss na nya ang Pamilya lalo na ang kanyang anak. Dahil sa ama nito ay kinailangan niyang mag lay low sa pagkamusta sa mga ito para hindi nito malaman ang kanyang sikreto.
Ipinasa ng ina ang telepono sa anak para makausap niya at duon na tumulo ang luhang kanina pa pilit pinipigilan.

"Oh how are you my baby?, Did you miss mommy?" Turan ni Shy sa anak

" Mommy plit come home na, i mith you so so much. You know wat mommy my clathmeyt said i dont have mommy eh i only have lola" malungkot na saad ng anak 

"Oh my baby I'm so so sorry, don't worry mommy will come home soon i promise baby, don't be sad ok. I love you anak ko uuwi na si Mommy soon" tuloy tuloy ang paglandas ng luha sa mata ng dalagang ina. Nagtataka man kung bakit punong puno ng emosyon ay hindi na nito pinansin pa iyon.
It has to end now. She needs to go home para sa kanyang anak.

"I love you so much Mommy, bring pathalubong plith!" Nangiti naman si Shy ng maramdaman na wala ng lungkot sa labi ang anak. Masaya na ito ng malamang uuwi na sya.
Saglit pa silang nagusap pagkatapos ay nagpaalam narin.
Kahit papaano ay naging masaya si Shy ng makausap ang anak. Tama ang desisyong pinili niya, para sa kapakanan ng nakararami.

Nalalapit na ang kaarawan ng dating first lady Imelda Marcos, grandmother of her loving Sandro.
Busy na ang lahat sa paghahanda sa darating nitong kaarawan, even Sandro ay puspusan sa trabaho para makapaglaan ng bakanteng oras para roon.
Ipinagawa siya ni Sandro ng gown sa isang kilalang modesta sa lugar ng Ilocos, ganun din ito na at ito nga dumating na ang mga damit na pinagawa nila. Sinukat ito ng dalaga at bagay na bagay talaga iyon sa kanya. Tuwang tuwa ang baklang gumawa niyon sa repleksyon na nakikita sa salamin sa kanyang harapan pero ang knyang ngiti ay peke dahil sa isiping paano sya sasaya gayung iyon ang huling araw na makakasama niya ng lalaki.

She planned everything, sa isa sa pinkamalaking hotel sa Batac Ilocos Norte gaganapin ang kaarawan ng dating first lady Imelda Marcos ngunit mgkakaroon muna ng pagtitipon sa Ancestral house nila na ginawang museyo ang buong Pamilya.
Sinabi ni Sandro na ipapakilala na sya sa buong Pamilya kaya pinaghahandaan na rin nila ang araw na yun, ngunit walang kamalay mlay si Sandro na nakapag book na sya ng ticken at aalis sya ng umaga. Sana makahanap sya ng pagkakataon para makatakas whatever it takes.

"Napakaganda mo Ms. Shy!, For sure lulutang ang iyong kagandahan sa araw na iyon!" Madaldal na wika ng baklang modesta. Doon lang sya natauhan ng bigla itong pumalakpak at magsalita wala kasi sa sarili knina at okupado nanaman ang kanyang isip.
"A eh salamat hubarin ko na muna baka masira pa at di ko pa masuot sa araw na yun"  bahagyang napapiyok pa si Shy ng magsalita.
Agad din niyang hinubad iyon at itinago na sa closet. Sinukat din ni Sandro ang tuxedo nito at bagay na bagay rito iyon. Excited na ang lahat sa darating na okasyon maliban kay Shy, para sa kanya yun ang araw na mamatay ang puso niya.

At heto na nga, katatapos lang ng kanilang pag niniig, hindi niya alam kung gaano katagal at kung nakailan sila basta ang importante ay may bbaunin sya sa knyang pagalis na mga ala ala nilang dalawa.ngayon ang pinaka huling gabing makakasama niya ang lalaki,  pinagsasawa ng dalaga ang mga mata sa pagtitig sa tulog na si Sandro. alas dos na ng madaling araw tulog na tulog na ito ngunit siya ay heto at titig na titig sa maamong mukha ng binata. Wala syang balak matulog dahil gusto niyang sulitin ang huling pagkakataon na makikita niya ang binata, ayaw niyang sayangin ang oras.
Mahimbing ang tulog ng lalaking walang kamalay malay na bukas ay
Mawawala na sya sa paningin nito.

"Paalam mahal ko, huwag mo sanang pababayaan ang sarili mo ha, wag ka masyadong magpapakapagod sa trabaho, at kakain ka sa tamang oras..
Sana makahanap ka ng babaeng mamahalin ka tulad ng pagmamahal ko sayo.
Mahal na mahal kita" bulong ni Shy sa sarili habang nilalaro ang buhok ng lalaki.

Nakatulugan ni Shy ang ganuong tagpo, nagulat nalang sya ng magising sa haplos ng lalaki sa kanyang pisngi.
"Wake my love today is the day"
Bati sa kanya ni Sandro.
Alas siete na pala ng umaga at kailangan na nilang maghanda para sa party na hindi niya naman pupuntahan.
Hinalikan niya bigla si Sandro at tinitigan ang mukha nito.
"I love you baby" wika ni Shy
"Why are you so sweet huh?,, Sorry my love pass today, maybe later after the party" biro nito sa dalaga.

Tumayo na ang dalawa at bumaba para kumain ng almusal.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now