5: hot and wild

3.2K 65 4
                                    

Ipinatong ni Sandro ang coat sa balikat ni Shy at dumiretso na sila sa elevator. Hawak padin ni Sandro ang kanyang cellphone na tila may tinatawagan.

"Damn this guy! He is not answering."
Saad ni Sandro
Pinindot ni Sandro ang numerong 11 elevator button. Nagmamasid lang si Shy at sumusunod sa lalaki.
Medyo nabawasan dn ang ginaw niya sa coat na binigay ng lalaki at nagbigay ito ng kilig sa kanya.

"Ang bango ng coat niya" kahit basa ito ay humahalimuyak ang mabangong amoy nito na nastock sa coat. Napaka sarap sa ilong parang ineengganyo kang yakapin ito at amuy amuyin." Ano ka aso?! Saway niya sa sarili"

"Napaka swerte ko, isang Congressman at anak ng Presidente ng Pilipinas ang nagpahiram sa akin ng kanyang coat" ayoko na matapos itong araw na ito"saad niya sa sarili

"What are you smiling at? Tanong ni Sandro sa dalaga. Hiyang hiya naman si Shy sa nangyari dahil tila hindi maitago ang kilig na nararamdaman.

Bigla naman tunog ang elevator at hindi na niya nagawang sumagot
Lumabas na rin sila at naglakad sa pasilyo. Huminto si Sandro sa isang unit na may numerong 1109 at kumatok ngunit walang nagbubukas dito. Nagmamasid lang si Shy sa ginagawa ni Sandro at panaka nakang titignan ang lalaki at iiwas din agad.

Ng walang nagbubukas ay iniangat ni Sandro ang tila cover sa isang box sa pinto nito at pumindot ng numero "marahil ay pin ito, saad ni Shy sa sarili" agad rumunog ito at bumukas ang pinto.

Patay ang ilaw sa loob at mukhang walang tao rito. Medyo kinabahan si Shy sa isiping sila lamang dalawa ang naroroon.

Binuksan ni Sandro ang ilaw at kasabay nito ay bumukas din ang aircon sa buong kabahayan. Dumiretso si Sandro sa sang kwarto at binuksan iyon ngunit walang tao, sa isang kwarto naman ay ganun din.
Tama nga ang hinala ni Shy dalawa lang silang tao duon.

"Ahm sir nakakahiya sa mayari wala ho ata sya rito.

"Don't worry kahit sino sa amin ay pwede magstay dito kaya nga alam ko ang password e. Bigla naman nagring ang telepono nito. ..

"Hey couz where are you?! I'm here sa unit mo i thought you went straight here from the party?!

"No couz I'm here sa tagaytay, nagaya si Mics to spend the night here sa rest house nila. You can use the condo.
"Baka naguwi ka ng babae jan ah. Hahaha enjoy!"

"Siraulo! Nasira lang ang car ko and inabutan ng ulan. Ikaw ang magnejoy jan hahaha" at pinatay narin niya ang cellphone pagkatapos.

Tahimik lang si Shy at walang idea sa kausap ni Sandro.
"Wala ang cousin ko he went to tagaytay with his gf.
Tumango tango lang ang dalaga at tahimik ngun bakas na sa mukha nito ang ginaw

"Giniginaw ka? Wait ikukuha kita ng damit at tuwalya. Magpalit ka muna kasi baka magkasakit ka.
Pumasok si Sandro sa isang kwarto malapit sa sala at maya-maya'y
Lumabas na ito na may dalang t-shirt na puti at pajama iniabot niya ito kay Shy

"Nasa banyo yung mga towel kuha ka nalang dun." "Salamat po" sagot naman ni Shy

Agad naman pumasok si Shy sa banyo dahil talagang nanginginig na sya sa ginaw una niyang hinubad ang coat ni Sandro na inamoy muna nya at napangiti

"Grabe, kung panaginip lang to wag na sana akong magising" wika niya sa sarili.
Hinubad nadin ang iba pang damit at itinapat ang katawan sa shower. Mainit ang inilabas nitong tubig na nagbigay ng ginhawa sa kanyang katawan. Makalipas ang 30minuto ay lumabas narin sya suot ang damit na pinahiram ni Sandro. Nahihiya man ay lumabas narin sya. Medyo nagdadalwang isip pa dahil baka bakat ang kanyang dibdib sa puting damit dahil hinubad din niya pati ang underwear na suot dahil maging ang mga ito ay nabasa ng ulan, medyo mahaba naman sa kanya ang pajamang binigay nito na halatang lalaki ang may ari.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now