27: vacation.

1.5K 53 4
                                    

Tahimik ang dalawa sa biyahe. Simula ng makapag-empake ang dalawa hanggang sa tuluyang makasakay sa sasakyan ay walang imikan ang dalawa at kapwa nakikiramdam lang sa isat-isa.
Tahimik na nagmamaneho si Sandro at panaka nakang tinitignan ni Shy ito ngunit bigla syang iiba ng tingin pag napansing lilingon ito sa kanya.

Ang awkward ng pakiramdam ni Shy ngayon hindi niya alam kung paano aakto. Minabuti nalang niyang sumandal sa bintana ng sasakyan at tumingin sa labas. Lilibangin nalang niya ang sarili sa tanawin ngunit biglang hinawakan ni Sandro ang kanyang kamay na ikinabigla ng dalaga.

"What do you want to eat my love?"
Tanong ng binata.
" We haven't had lunch yet "
"Ahmm ikaw bahala" sagot naman ni Shy.
Biglang parang nakisabaynang kanyang tyan ng maramdaman nga na parang kumukulo ito.
Kanina ay di niya naisip ang gutom dahil busy ang kanyang utak sa kakaisip sa binata.
"There is a restaurant near we could drop by and eat first" 
Tumango naman ang dalaga at sumangayon sa suhestyon ng binata 

Makalipas ang ilan pang minuto ay nakarating din sila sa Resto na sinasabi ng binata.
Cozy ang place at hindi crowded napaka aliwalas ng restaurant na napili ni Sandro nababakas na sosyal ang lugar na kanilang kakainan.

Naupo sila sa pang dalawahan at ng lapitan ng waitress ay agad na umorder ang dalawa  Filipino cuisine ang specialty ng restaurant kaya hindi nahirapan si Shy na pumili ng kakainin nila.

Pinili niya ang mga paborito niyang pagkain dahil talagang gutom na sya, bulalo, sisig  buttered chicken, pansit canton at lechon bagnet ang order nila. Agad naman silang kumain ng dumating ang order. Nadismaya pa si Shy dahil kaunti lang pala ang serving  pero nbusog naman sya at naenjoy ang masarap na pagkain.
Ng matapos ay agad silang bumalik sa sasakyan at nagpatuloy sa pagmamaneho si Sandro  ng sasakyan.
Pasado alas 3 na ng makarating sila sa lugar na kanilang pinuntahan.
Isang private property ito na sabi ni Sandro ay pagaari ng kanyang kaibigan.
Napakanda ng lugar malawak at maaliwalas, napaka daming halaman sa paligid at nakapagdagdag ganda rito ay ang outerior ng lugar. Gawa sa bamboo ang isang malaking cabin na may dalawang palapag. Sa labas ay may man-made pool reservoir. Napaka ganda ng tanawin at tahimik.
Huni lang ng ibon ang maririnig mo.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng cabin na bahagyang sementado marahil duon ang talagang parkingan ng sasakyan. Maya maya ay lumabas ang dalawang matanda na marahil ay magasawa sa tingin ng dalaga.
 
Lumapit ang mga ito sa kanila, sila naman ay bumaba na ng sasakyan.
"Magandang hapon ho sir Sandro, mabuti at napasyal uli kayo"
Bati ng matandang babae.
"Maganda hapon din ho manang Sabel, " bati naman ni Sandro
"By the way this is my girlfriend Shy" pagpapakilala ng lalaki ng mapatingin sa gawi niya ang tingin ng matanda.
Nginitian siya ng dalawang matanda at binati
"Magandang hapon po mam Shy" bati ng matandang bbae sa kanya 
"Magandang hapon din ho, Shy na lang po itawag niyo sa akin" magalang na wika ng dalaga.
"Naitawag na ni Sir Chris ang pagdating mo iho naihanda na namin ang cabin. Kaoag may kailangan kayo ay tawagin niyo lamang kami" saad ng matandang lalaki
"Nga pala may niluto narin akong sinigang na hipon at pritong labahita para sa hapunan ninyosaad naman ni Manang Sabel.
"Thank you so much manang Sabel and manong Noli it's really nice to see you both again 
By the way i have pasalubong some delicacies and jacket for you "
"Naku iho nag-abala ka pa sige ipapanik ko lang ang bagahe niyo" wika ng matanda
"I'll help you manong" at sumabay na rin si Sandro sa matanda para ipanik ang kanilang gamit. Si Shy naman ay niyaya na sa loob ni manang Sabel.
Hindi maiwasan ni Shy mamangha sa Interion ng bahay, kung gaano ito kaganda sa labas ay napaka ganda rin ng loob nito. Nakakq relax ang disenyo na pinalilibutan ng kahoy at salamin. Open na open ang view sa labas na tinatakpan lang ng puting kurtina . Sa bandang likod ay may Lanai na may mini jacuzzi at may kaakit akit na iba ibang kukay sa ilalim nito at sa tabi naman nito ay bed  at hanging egg chair.
Napaka ganda talaga at relaxing ng lugar.
Hangang hanga si Shy kaya hindi niya napigilan ang sariling magtingo sa Lanai nagulat nalang sya ng magsalita ang matandang babae na kasunod lang pala niya.

"Napakaganda talaga rito iha, mabuti at dinala ka rito ni sir Sandro dati ay kabarkada lang ang nakakasama niya rito, ngayon pa lamang sya nagdala ng babae" wika ng matanda.
Hindi malaman ng dalaga kung maniniwala ba sya dahil sa gwapo ni Sandro e imposibleng walang isama ito doon.
"oh baka sa iba dinadala" wika ng dalaga sa sarili. Tila ba nababasa ng matanda ang knyang isipan ng muling magsalita ito.
" Wag mo sanang isipin na niloloko kita iha. Ngayon ko lamang talaga nakitang nagdala si sir ng bbae dito  madalas kasi ay siya lang ang walang kapartner pag nagpupunta rito kasama ang barkada at hindi pa yan nagpunta dito ng solo sya"  paliwanag ng matanda.
Para naman nahiya si Shy sa naisip kaya ngumiti nalang sya sa matanda
"Sige iha maiwan muna kita at magluluto pa ako ng hapunan namin"  paalam ng matanda
"Maraming salamat po manang" wika naman ni Shy at nagpaalam na din sa matanda. Sabay namang bumaba ang dalawang lalaki at nagpaalam na rin ang matandang lalaki sa knila.
" Sige maiwan na namin kayo ha. Tawagin niyo na lamang kami kapag may kailangan kayo at bukas ng umaga ay babalik si Sabel para ipagluto kayo ng almusal" paalam ng matandang lalaki 
" No don't bother yourselves manong, kami ng bahele rito. We will just call you if we need you Salamat pow" wika naman ni Sandro.
"O sige kayong bahala"
Yun lang at tuluyan ng umalis ang dalawang matanda
Naiwan ang dalawa. Napaiwas ng tingin si Shy dahil biglang parang naging awkward ang pakiramdam niya . Bahagyang nagpaypay gamit lang ang kamay dahil parang naging maalinsangan bigla ang paligid para sa kanya
" Mainit ata, parang maalinsanganwika ng dalaga at nilibang ang sarili na tumingin tingin sa paligid.

Mabilis lumipas ang oras. Pumanik si Shy para maligo pagka alis ng dalawang matanda dahil naging maalinsangan talaga ang pakiramdam niya. Nagtagal sya sa banyo dahil sa naenjoy niya ang ganda nito  may kahoy na bath tub doon at salamin din ang paligid kaya kita niya ang labas. Sabi ni Sandro ay hindi naman daw sila kita sa loob niyon pero may kurtina padin naman maaaring itabing kung sakaling hindi mo gusto makita ang labas.
Muntika  na nga makatulog si Shy sa bath tub dahil sa sobrang relax na naramdaman. Madilim na sa labas ng lumabas ng kwarto si Shy  at manaog sa baba 
Hinanap naman ni si Sandro at natagpuan niyang nasa kusina ito.
" Come on let's eat dinner, it's already seven, " bahagyang nagulat pa si Shy ng malaman na alas syete na pala ng gabi at nag kibit balikat nalang dahil talaga palang ngtagal sya sa loob ng banyo.

Naghanda si Shy ng kubyertos sa dining table habang hinahanda naman ni Sandro ang pagkaing ininit.
"Wow!, Ang sarap naman ng pagkain"  hindi naiwasan ni Shy ang mamangha dagil talangang namiss niya ang ganitong uri ng ulam. Bigla niya tuloy naalala ang inay na nagluluto ng pagkaing paborito niya tuwing uuwi sya sa knila.
Puro instant at processed food lang naman kasi ang kanyang niluluto dahil siya lang at ang kaibigan ang magksama sa unit nila pareho pa silang nagtatrabaho kaya wala ng time para magluto.
Pagkahain ni Sandro ay agad na silang kumain, talagang naparami ang kain ng dalaga dahil masarap ang luto ni manang Sabel at sariwang sariwa ang isda at hipon.
Pagkatapos ay naghugas agad sya ng kanilang pinagkainan.
Dahil sa dami ng nkain ay nisipan ni Shy na gumawa ng tsaa at bigyan na rin si Sandro. Naabutan niya ito sa harapan ng bahay na nakaupo sa isang upuan na kahoy na parang tinapyas na puno, may katapat din itong lamesa na parang dining chair ang itsura ngunit maliit lamang. 
Inabot ni Shy ang tsaa kay Sandro. Binaba nito ang hawak na cellphone at inabot ang tsaa.
"Pang pababa ng kinain" wika ng dalaga pagkaabot nia ng tsaa  akma namang papasok si Shy sa loob ng magsalita ang binata.
"Thank you, come join me here" umurong ang binata at binigyan ng space si Shy sa kanyang tabi.
Umupo naman ang dalaga at humigop na din sa mainit na tsaa niya. "It's really nice here, thank you for bringing me here" saad niya sa binata.
"We'll stay here for 3 days, i told you I'll make up for the day that i didn't come home" saad ng binata sabay hapit sa kanya patabi sanhi ng pagdidikit ng kanilang mga balat.
Tahimik lang ang dalaga pero nangingiti sya sa kasweetan ng binata.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now