38: Revelation

1.5K 55 15
                                    

(gusto niyo ba malaman gaano ka cute si Sanya??tignan ang picture hehehe)
pctto

Dumating ang mga magulang ni Shy. Hindi raw makakarating ang kanyang ate ngunit sinabi nito na sa kasal na lamang ito pupunta at kailangan pa nito mag file ng leave.

Tuwang tuwa si Shy at Sanya ng makita ang mga ito.

"Anak hindi ko man batid ang mga nangyayari pero alam kong kaya mo yan. Ano mang desisyon mo ay naririto lang kami" saad ng ina nang mapag-isa sila.

"Salamat mama  alam ko na ito ang tama para rin sa kapakanan ng mga bata" sagot ni Shy habang inaayos ang tulugan ng ina at ama.
Pinaghanda nila ng kwarto ang magulang dahil duon muna mag iistay ang mga ito hanggang sa makasal ang dalawa.

"Kinakabahan parin ako anak dahil hindi biro ang Pamilya ng mapapangasawa mo. Sino ang mag-aakala na hindi ka naman namalagi sa Ilocos e taga rito pa rin ang mapapangasawa mo at matayog na Pamilya pa" saad pa ng ina.

"Ako rin naman Ma. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano nangyari ang lahat. Pero nagpapasalamat parin ako dahil nagkaron ako ng Sanya at ngayon ay itong bata sa sinapupunan ko" masayang tugon ni Shy  at hinimas ang tiyan.

Pagkatapos ayusin ang kwarto ay lumabas na si Shy sa kwarto ng magulang. Pinagpahinga muna niya ito dahil mamayang hapunan ay mkakaharap nito ang ama at ina ni Sandro.

Pinaayos ni Sandro ng magarbo ang Hardin. Duon kasi gaganapin ang dinner na pagsasaluhan ng kanilang mga magulang.
Kabado ang dalaga ngunit dahil sa suporta ni Sandro ay nilakasan na niya ang loob.

Simpleng nude below the knee dress lng ang sinuot ng dalaga at flat sandals at kaunting make-up.
Ang anak naman ay ang yaya na ang nag-asikaso. Kabadong kabado na ang dalaga dahil sa paghaharap na magaganap.

Sakto alas siete ng gabi ng dumating ang mga magulang ni Sandro kasama ang dalawa nitong kapatid 

"Good evening Dad mom"
Bati ng binata ng salubungin nila ito
Tumango naman ang ama rito at hinalikan naman ang ina.

"Good evening too iho" bati naman ng ama. Binati rin ng lalaki ang mga kapatid at giniya na papunta sa hardin kung saan naroroon ang mahabang lamesa.

Pinatawag naman agad ni Sandro sila Shy sa mayordoma.

"Mam Shy pinapatawag na po kayo ni sir Sandro sa hardin" saad ni manang Luz.

Tumango ang dalaga rito at agad din namang umalis pagkatapos. Pinagpag lang bahagya ang harapan ng dress at tumingin sa salamin ang dalaga. Bumuntong hininga at lumabas narin ng kanyang silid.

Dumaan sa kwarto ng magulang at niyaya na ang mga ito.

"Mama ,itay tara na po, andyan na raw ang mga magulang ni Sandro" yaya ni Shy

"Diyos ko iha kinakabahan ako" saad naman ng knyang ina.

"Naku ay wag ka ngang kabahan," saad naman ng tatay niya.

"Oo Ma, wag mong isipin masyado na malaking tao sila" payo ni Shy sa ina ngunit ang totoo ay mas kabado pa ata sya sa mga ito.

Dinaanan rin nila ang anak sa kwarto nito at sabay sabay na silang pumanaog.

Pagkarating sa hardin ay sinalubong sila ni Sandro at inalalayan sya nito.

Agad naman binati ng dalaga ang pamikya ng lalaki
"M-maganda gabi po sa inyo" bati ng dalaga

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now