14: Deja Vu

2.4K 71 5
                                    

Lumabas si Sandro sa VIP room kung saan naroroon ang knyang mga pinsan. Nasa second floor kasi ang mga VIP room at sinilip ang baba kung saan naroroon ang dance floor kita rin doon ang ibang mga umiinom sa kani-kanilang mga table.

Tahimik na iniinom ni Sandro ang kanyang black label na nasa baso ng mapadako ang kanyang paningin sa isang babaeng tumayo. Kapareho nito ng suot ang mga kasama nitong babae marahil ay mga katrabaho niya ito.

Tumayo ito at sumigaw sabay inom sa basong umaapoy.
Kumabog ang dibdib ni Sandro. Hindi sya maaaring magkamali.
Hinding hindi niya makakalimutan ang itsura ng babaeng iyon kahit ba 5 taon na ang lumipas.

Inubos niya ang lahat ng alak na nasa baso at inilapag iyon sa lamesa na nakita. Bumaba sya mula sa second floor. Lalapitan niya ang babae.
Ngunit pag baba niya ay nakita niya itong tumungo sa direksyon kung saan naroroon ang cr. Nakita niyang dumiretso ito sa cr ng mga babae.

Duon sya dumiretso at naghintay sa labas nuon.

"I won't let you escape this time! You have to pay for what you did to me!"
Nagngangalit na saad ni Sandro sa sarili

At ng lumabas ito ay bigla niyang hinila palabas ng pinto. Wala na syang pakealam. Kailangan nilang magusap.

Paglabas ng pinto ay bigla nalang itong nawalan ng malay.

"Shit! Binuhat niya ito at agad dinala sa kanyang sasakyan. Isinakay nia ito sa tabi ng driver seat. Mabilis siyang umikot sa kabilang side ng sasakyan at sumakay na sa driver seat at pinaandar agad ito.

Dirediretso niyang pinaandar ang kotse.
"I don't care if i have to drive again for 5 hours at this time. "
Bulong ni Sandro sa sarili. Tinignan ang tulog na dalaga sa kanyang tabi.

Sa bilis magpaandar ni Sandro at dahil madaling araw na ay mabilis nakarating si Sandro sa bahay.

Agad syang pinagbuksan ng katulong at nagulat man sa kanyang bitbit ay wala naman lakas magtanong ito kung sino iyon. Wala naman syang pakealam sa reaksyon nito. Blanko lamang ang kanyang mukha habang bitbit ang babae.
Dirediretso niya itong dinala sa kanyang kwarto.

Pagkalapag niya sa kanyang kama ay tulog na tulog padin ito sa kalasingan.

Kinuha niya ang cp sa bulsa at tinext ang pinsan.
I have to go back to Ilocos. I will just ask my driver to get all my things and surrender the room card.

Yuon lang ang pinatay na niya ang telepono.

Patay ang ilaw ng kanyang kwarto at tanging isang lampshade lang ang nakabukas. Nakaupo sya sa upuan habang iniinom ang alak sa baso.

Hindi padin sya makapaniwala after 5 years ay magkikita sila ulit ng babaeng gumugulo ng utak niya ng 5 taon.

Maya maya ay nagising ang babae.

"Where am i?" Who are you?"
Tanong nito. Wala naman sa bakas ng tono nito ang pagaalala at parang nasa espirito padin ito ng alak dahil bigla itong ngumiti sa kanya.
Nagulat si Sandro sa inaksyon ng babae 

Humigpit ang hawak niya sa baso  hindi niya alam kung galit ba sya dito o nasasabik sya sa presensya nito. Tinungga niya ulit ang alak na nasa baso. Medyo nakakaramdam na sya ng tama ng alak. Pero hindi pa naman sya lasing. Ayaw niyang malasing dahil ineenjoy ang ang bawat minutong nakatitig dito.

Tumayo ang babae at lumapit sa kanya. Kinuha ang bote ng alak na iniinom niya at biglang tinungga iyon.

"Ahh! Napasigaw ito at rumehistro ang pait na nalasahan sa kanyang mukha. Pero tila hindi nito alintana iyon. Nakatayo ito ngaun sa kanyang harapan habang sya ay nakaupo at nakatitig dito.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now