33: Pregnant

1.5K 55 19
                                    

Busy ang dalaga sa pagaayos sa kanyang tindahan. Maigi at namamanage naman niya ito ng maayos habang nag-aalaga sa anak.
Kasa-kasama niya ang anak habang nasa tindahan sya, malapit lang kasi dito ang eskwelahan na pinag-aaralan ng bata kaya madali niya itong maihatid at mapickup sa school. Kasama niya rin ang ina sa pagaasikaso ng kanyang negosyo. Ang bilis naka 2months na pala sila sa Cebu. Nasasanay na sila rito at nakapag adjust narin.

Sobrang sikat ng araw ngayon. Pawisan si Shy sa tindahan kahit na may aircon nman sa kanyang convenient store. Dumating naman ang ina galing sa condo ng kanyang ate at may dala na itong tanghalian.

"Naku anak pasensya ka na ngayon lang ako nakarating kasi ang dami ko pang niluto para team lunch daw ng ate mo sa trabaho. Eto na nga pala ang tanghalian mo anak"

Naghanda naman si Shy ng kubyertos para sa kanila.
"Kumain na ako anak kayo nalang ni Sanya ang kakain" dagdag pa ng ina.
Hinanda na ng ina ang pagkain nila at binuksan na ang dala nitong tupperware.

"Naku anak napakasarap ng pagkakaluto ko rito sa calderetang baka anak, napakatagal ko itong pinalambutan, heto at may dala rin akong paborito mong sawsawan patis na may kalamansi at siling labuyo" umalingasaw ang amoy ng kaldereta at ng patis na dala ng kanyang ina ngunit tila hindi nagustuhan ni Shy ang amoy ng patis at nakaramdam sya ng pagka duwal.

Tumakbo si Shy papunta sa maliit na banyo at duon nagduduwal sa sink, ngunit wala naman syang inilabas.
Nagulat ang ina sa reaksyon ng dalaga
"Naku anak ano bang nangyari sayo may sakit kaba?" Pagaalala naman ng kanyang ina. Hinang hina naman sya ng bumalik sa lamesa.
"Mommy are you sick po?" Tanong naman ng kanyang anak na mukhang nag-aalala rin

"Ewan ko ba mama at napakabaho naman niyang patis na dala mo,"
Tinakpan ni Shy ang maliit na container ng dalang patis ng ina.
"Hasus anak ano ba naman e yan naman plagi ang binibili kong patis e, bkit ka naman ngayon nagkakaganyan daig mo pa ang-"
Natutop ng ina ang kanyang bibig at hindi na natuloy ang sasabihin dahil sa biglang naisip
"Hindi kaya anak-?"
"Naku mama ano po bang pinag-iiisip niyo?" Pagdedeny ni Shy sa ina.
Ngunit bigla rin pumasok sa kanyang isip bigla na 3 buwan na rin syang hindi pa nagkakaron, bago pa ang bakasyon nila ni Sandro ang huling beses na dinatnan sya.

Napatingin siya sa ina ng makahulugan at napahawak sa tiyan.
"Diyos ko po anak paano na ang gagawin mo?" Malungkot na saad ng ina.
"Wa-wala pong magbabago mama, madaragdagan lang ho tayo kung sakaling nagdadalang tao talaga ako"
Biglang tumulo ang luha ng dalaga.
Hindi naman sa ayaw niya sa bata ngunit nalulungkot sya sa isiping lalaki rin itong hindi makikilala ang kanyang ama.

Kinagabihan ay agad ding bumili si Shy ng pregnancy test para malaman kung sya nga ay nagdadalang tao. Naghihintay naman ang kanyang mama at papa sa sala, ang ate niya ay nasa trabaho ngunit alam na nito ang tungkol duon at naghihintay nalang ng resulta mula sa PT. Ang kanya namang anak ay tulog na sa knilng kwarto.

Ipinatak na ni Shy ang kanyang inipong urine sa kit at hinihintay nalang ang ilang segundo para sa resulta, nagdarasal na sana ay mali ang kanilang iniisip ngunit sunod dunod na nagtuluan ang kanyang mga luha ng makita ang dalawang maliwanag na pulang guhit duon. Napayuko sya at napahawak sa kanyang mukha.

Sandro my LoveWhere stories live. Discover now