Chapter 1

5.9K 255 29
                                    

Jazmine Allison

Napakagat ako sa aking kuko ng makitang naka-short ng maikli si Miss Fin at nakasuot ito ng black brassiere sa loob ng bahay nito.

She's so hot!

Aminado naman akong naging pervert na ako dahil rito. Siya lang kasi ang nagpabaliko sa akin. Noong una akala ko ay simpleng paghanga lang pero dahil na rin sa kakatukso sa akin ng pinsan kong si Dominique Selenophile ay naamin kong mahal ko nga ito.

And now, I became her legend stalker at kung malaman lang ni Mommy Allison ang mga pinaggagagawa ko ngayon ay siguradong pipingotin ako nito. Mama Risen wouldn't mind dahil napaka-supportive nito sa lahat ng bagay pero ayaw ko rin naman madamay si Mama sa mga kalokohan ko kapag nahuhuli ako ni Mommy.

Bigla akong napayuko ng mapatingin si Miss Fin sa bintana nito.

Shit! Nakita ba ako nito?

Dahan dahan akong umatras para makalayo dito. Ayokong mabuking. I've been stalking her for a month now. Ng medyo makalayo ako ay patakbo ako sa kung saan ko pinark ang sasakyan ko. I am taking advantage sa kaalamang walang security cameras ang bahay nito.

Lumipat na kasi ito dalawang linggo na ang nakakaraan sa Giudevaun subdivision na pag-aari ni Tita Snow at si Ate Natalie ang nagma-manage rito. Hindi rin naman ako sinisita ng mga gwardya dahil kilala ako ng mga ito kaya kahit labas masok ako ay mga wala itong pakialam.

I am one of the boss.

Pawisan ako ng makarating ako sa aking sasakyan hindi kalayuan. Napasandal ako bago tumingala sa langit at titigan doon ang mga bituin. Parang si Miss Fin lang. Nakakalapit ako rito pero hindi ko ito maabot. Napahinga ako ng malalim dahil sa pagod.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si Mommy Allison. Mabilis ko itong sinagot.

"Mommy."

"Where are you Jazmine Allison?"

Napakagat labi ako ng marinig ko ang buong pangalan ko. Ibig sabihin ay hindi ito natutuwa ngayon.

"Chill Mommy. Pauwi pa lang po sana ako."

"Don't chill me young lady. Nag-aalala ako. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na mag-text ka sa akin kung gagabihin ka. Napapadalas na iyang paglabas labas mo sa gabi. Are you dating someone else?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nito. "Negative Mommy."

"Nasa tamang edad ka na Jazmine. Hindi kita pinagbabawalan basta magpaalam ka. I want you to enjoy life. Basta ang payo ko sa iyo. Huwag mong tutularan si Mama Risen mo at huwag ka ring makikipag-date sa katulad niya."

"Hey!" Dinig ko ang reklamo ni Mama Risen sa kabilang linya.

Napatutop ako sa aking bibig para pagtakpan ang aking tawa. Simula noong nagkaroon ako ng muwang ay tanda ko ng ganito maglambingan ang mga magulang ko.

"See you in a bit Mommy. I'll drive safe. Bye." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nito at basta na lang pinatay ang tawag.

I had enough for today. Makakatulog na naman ako ngayon ng mahimbing habang si Miss Fin ang huling nasa isipan ko. Napapangiti akong pumasok sa aking sasakyan saka ito pinaandar at nilisan ang subdivision.


*****


"Baka matunaw." Mahinang bulong ko sa pinsan kong si Dominique habang abala akong nagsusulat at siya ay nakatitig sa kasintahan niyang professor namin, si Miss Adicof formerly known as Mrs. Knutson.

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon