Chapter 12

3.4K 244 44
                                    

Jazmine Allison

"Miss Fin, sinubokan kong sabihin noon na-"

"No you did not." Putol nito sa sasabihin ko. Nasa isang park kami ngayon at dito nito itinigil ang sasakyan nito.

"Oo nga at nagbibigay ka ng bulaklak sa akin pero wala kang sinasabi. I was even in front of you noong nasa bar ka and you poured everything to me, how hurt you are, how broken you are. Alam mo ba kung anong pakiramdam non Jazzy?"

Hindi ako nagsalita. She was right pero hindi ko naman alam noon na ito nga ang kasama ko ng gabing iyon pero as far as I know. Wala naman siguro akong nabanggit na pangalan rito.

"You told me you love someone else that night. I mean I am in front of you. Hindi mo ba naisip na parang nainsulto ako?" Patuloy nito.

Napakamot ako sa aking kilay. "Ikaw na ang nagsabi, nasa bar ako noon Miss Fin. Ibig sabihin ay lasing ako. May sinabi ba akong pangalan kung sino ang mahal ko?" Balik tanong ko rito.

"Wala?" Hindi siguradong tanong nito. "So after hearing those things from you and after seeing you cried that night. I told myself na hindi ako makikigulo sa inyo."

"Hindi ko alam Miss Fin na assumera ka pala. So kung may nawawalang bagay at ako ang huling nandon e pagbibintangan mo ako?"

Tumaas ang isang kilay nito sa akin. Ang taray ng Mommy!

"Masama bang mag-assume? Saka palagi mong kasama si Luane kaya akala ko siya ang nanakit at nambasag sa puso mo. And to save myself kasi malaki ang ego ko. I told you, you can't fall in love with me na magkaibigan lang tayo. I just can't help myself na maging possessive kapag ganong may lumalapit sa iyo. I just realized lately na nagseselos ako."

Napangiti ako rito. "Kaya po pala kung maka-react ka e parang ayaw na ayaw mo sa akin kasi akala mo may mahal akong iba. Iyon pala, sinisinta mo ako."

"Don't boost your ego but yeah, makes sense right? I like you yet you're in love with someone else. To cover myself I need to deny what I feel. Ayaw kong ma-involve sa taong kahit gusto ko, may mahal ng iba."

Natawa ako rito. "Yet you're here, getting involve pero hindi lang po tayo nagkaintindihan."

"Stop addressing me Miss Fin, ma'am or professor even the word po tanggalin mo rin. Call me Sofiera. At saka ayaw ko ng naririnig na tinatawag ka ni Luane ng boo. That woman get under my skin. I just can't hate her cause she seems so nice. Hindi bagay sa mukha niya ngayon ang maging kabit mo."

Mas lalo akong natawa sa sinabi nito. "As far as I know. She's the original and I'm single."

"Wala akong pakialam basta ayaw kong naririnig ang boo na iyan kundi babatukan kita."

I cleared my throat. "Baka naman pwedeng magkaroon ng label bago ka magdemand ma'am?"

"Call me Sofiera."

"I'll call you sweetheart."

"Saka nagtatanong ka ng label. Nanligaw ka na ba?"

Ang gulo nito. Inaangkin ako kahit walang label nagde-demand. Ngayon naman magtatanong ako ng estado namin. Sasabihan ako ng ganyan. Napakamot ako sa aking ulo kahit hindi naman makati.

"Ano, sige bukas manliligaw ako pero hindi ako sigurado kung araw araw kasi si Luane gusto din niya ako kasama palagi-"

"Come again Reyes?" Masungit na wika nito bago unti unting dumukwang at inayos ang collar ng suot kong damit. Napalunok ako sa kaba. Ang puso ko nagwawala sa loob ng dibdib ko.

"You see Jazzy. Kung pag-aari ko. Walang dapat gumalaw. Ang sa akin ay akin lang kaya ngayon pa lang. Kung seryoso ka sa akin kailangan ko ng matinong sagot. Ngayon gusto ko mamili ka. Ako o si Luane?"

"Syempre." Napalunok ako. "Ikaw."

Napangiti ito ng matamis. Iyong killer smile niyang nagpapatigang sa akin.

"Best choice. So, want to come with me in my house?"

"Hindi pa ako handang makipag-live in sa iyo. Manliligaw pa ako."

Natawa ito ng mahinhin. Ang sarap sa pandinig. Iyong akala mo e hindi alam manakot at magbanta.

"That's not what I meant silly. Gusto kong kumain ng dinner kasama ka. I am alone in my house and you're allowed to come anytime. I'm in the mood to cook so wanna join me for dinner?"

Ipagluluto ako nito? Aayaw pa ba ako kung ang taong mahal ko na mismo ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng oras.

"Sure."


*****



"Take a seat. I'm just going to change bago ako magluto."

Naupo ako at inilibot ang paningin sa buong bahay nito. Everything is in the right places at sobrang linis pero masyado itong malaki para dito.

Napakagat labi ako ng makita itong pababa sa hagdan. She's wearing an oversize shirt hanggang kalahating tuhod nito at sigurado akong wala itong suot na short ngayon. Inaakit ba ako nito? Kasi kung oo, tinatablan ako.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin bago pa ako nito mahuli. I mean dati ko na itong sinisilip. I became her legendary stalker right? Pero hanggang sa labas lang naman ako ng bahay nito. Iba pala ang pakiramdam kapag nasa loob. Para akong nakorner na daga.

"Do you want anything?"

"You."

"You can't have me..  for now Jazzy." May naglalarong pilyang ngiti sa mga labi nito.

"Ibig kong sabihin e bahala ka na." Hindi ko mapigilang pamulhan ng mukha dahil hindi na rin naman ako bata. Iba ang dating non sa akin at alam ko ang ibig nitong sabihin.

My ghad!

"Pero mamaya na kasi sabi mo magluluto ka muna. Iyon na lang ang hintayin ko. Hindi pa naman ako masyadong gutom. Do you want me to help you?" Pagliliko ko sa topiko.

"Ok, come with me." She grab my hand saka ako nito hinatak papuntang kitchen. "Marunong ka bang maghiwa ng mga kasangkapan?"

Hindi ako marunong magluto. Wala akong alam sa totoo lang baka kasi makasunog ako.

"Ah no. I actually don't know anything."

"So you're a bottom?"

Matagal bago ako nakahuma sa tanong nito. Natauhan lang ako ng marinig ang mabini nitong tawa pero agad rin iyong nawala ng ilagay ko ang mga kamay ko sa counter. Nakasandal kasi ito kaya mabilis ko lang itong naikulong. Matiim kong tinitigan ang mga mata nitong magaganda at nakakaakit.

Her eyes, they're the most beautiful I've ever seen. So expressive.

"My mama once told my mom 'humanda ka sa akin dahil hindi ko hahayaang sumikat ang araw bukas na hindi ka nalalanta'. It's running in my blood so don't test my patience." Lumapit pa ako rito lalo. "Don't ever underestimate me Ma'am dahil kapag nagising ang halimaw sa akin. I assure you hindi ka rin sisikatan bukas na walang hindi nabubutasan sa iyo." Makamandag na bulong ko. Ng medyo makalayo ako ay agad akong napangisi rito.

Nakaawang ang mga labi nito habang tigagal na nakatitig sa akin.








Ano ka ngayon?

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now