Chapter 13

2.4K 262 35
                                    

Jazmine Allison

Napakunot noo ako ng makita si Miss Fin sa loob ng restaurant na papasukan ko. Galing kasi ako sa mall kanina at may binili lang akong libro. Nakita ko itong may mga kasama but she doesn't look happy.

That's strange kasi si Miss Fin iyong klase ng babaeng malambing, magiliw, at nakakatuwa.

What's wrong with my woman?

Napabuntong hininga ako bago pinakalma ang sarili ko. I want to find out what's happening to her kaya kahit ayaw ko ay wala akong mapagpipilian kundi ang pumasok sa loob. Nandito na rin naman ako.

Right, malakas ang loob ko ngayon dahil naiisip ko si Mama Risen. Binibigyan ako nito ng lakas ng loob sa mga kwento nito sa buhay dati. I am her daughter kaya alam kong may nakuha ako rito kahit papaano.

Ng makapasok ako sa loob ay may ilang napatingin sa akin. Hindi ko na lang pinansin at lakas loob akong naglakad papunta sa parte nina Miss Fin. I am wearing my shades kaya malaya akong nakatingin ngayon sa mga ito.

She's with a middle age woman and man who looks like a couple. Sa tingin ko'y mga magulang nito ang dalawa at sa harapan ng mga ito ay siguro mag-asawa rin at halos magkakaedad lang ang mga ito. Sa gilid ay isang lalaking naka-business suit na parang nasa early thirty's. Maangas ang itsura nito at mukhang komplikado.

Hindi maganda ang kutob ko sa mga ito at kung anuman ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakatingin sa malayo si Miss Fin habang nagsasalita ang katabi nitong may katandaang lalaki kaya hindi pa ako nito napapansin.

Barumbado kong hinatak ang upuan sa katabing lamesa ng mga ito kaya halos lahat ay napatingin sa akin kasama na si Miss Fin at medyo nagulat pa ito ng sa wakas ay mapansin na ako nito.

Hindi ko ito tinapunan ng tingin at umaktong hindi ito nakita. Naupo ako bago tinanggal ang shades na suot ko at ilagay sa tabing upoan ang shoulder bag ko.

Kinumpas ko ang kamay ko at mabilis namang nakalapit sa akin ang isang waiter. Nagkukumahog pa ito.

"H-Hi, good afternoon ma'am. I am Phineas, your server. Can I take your order, ma'am?"

"I will have all your specialty food and just water for my drink. That's all, thanks." Hindi ko kailangang tignan ang menu.

"Thank you for taking us here hijo. This place is nice. I'm sure my daughter here loves the ambience too." Wika nga ng suspetsa kong Daddy ni Miss Fin pagkatapos umalis ang waiter.

Napaikot ang mga mata ko. Tama nga ako ng hinala. Pinapareha nito si Miss Fin sa anak ng ewan na shuke.

Tumawa naman ang lalake. Nandidiri ako sa boses nito. Isa pa ay nasa likuran ko lang ang mga ito kaya dinig na dinig ko.

"It was my honor Sir and I'm sure that Sofiera-"

Sakto namang tumunog ang phone ko kaya alam kong natigil ang lalaki sa pagsasalita dahil medyo may kalakasan ang volume nito. Hindi ako minsan nagmu-mute o vibrate kapag wala akong pasok at counted ngayon dahil Sabado. Swerte lang akong walang pasok sa Sabado at ang iba ay meron.

"Hello!" Napatingin ulit ang iba sa akin dahil medyo nilakasan ko rin ang boses ko. Ako lang yata ang maingay rito simula ng dumating ako. Iyong tipong nakakabulabog sa buong restaurant.

"Cous nasaan ka?" Si Selenophile.

This place is nice. I'm sure my daughter here loves the ambience too. Parang naririnig ko pa ang sinabi ng Daddy ni Miss Fin.

Nice place pala ha.

I cleared my throat. "Well, nasa economical restaurant ako. Medyo nagutom lang kaya pagta-tiyagaan ko na lang dito. Ok naman kahit papaano, pwede na." Sinaktohan ko lang ang lakas ng boses ko para marinig ng nasa kabilang lamesa at tama ako dahil narinig kong may napasinghap sa likuran ko.

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now