Chapter 10

2.4K 210 22
                                    

Jazmine Allison

Matapos naming magpaalam at maghiwalay ni Dominique ay dumiretso ako sa parking area na sana ay hindi ko ginawa. Nakatayo doon si Miss Fin habang masinsinang kausap ang isang lalaki. Siguro ay bago na naman nitong manliligaw.

Dalawang linggo ko na itong iniiwasan. She's a red flag and I can't be the bull anymore. I'm done chasing her.

Malapit na ako sa aking sasakyan ng matigilan ako. Umaandar ang makina nito ngayon. Bago pa ako mag-isip ng kung ano ay bumukas ang pintuan nito at bumaba si Ate Natalie. Ngumiti ito sa akin saka kumaway.

"Hi Boo!" Bati nito na alam kong narinig ni Miss Fin dahil kitang kita ko sa gilid ng mga mata ko paano ito natigil sa pakikipag-usap at tumingin sa amin. Isa pa ay malapit lang kami rito.

"Hi!" Napangiti ako rito ng matamis. She's really sweet.

"Come on let's go!" Lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "Act cool. I'll help you have her." Bulong nito sa akin.

Dalawang linggo ko na rin kasing hindi ito nakikita. After her important meeting, she went to Australia for an important matter. Kakabalik lang siguro nito at itutuloy ang balak nitong pagselosin si Miss Fin.

Hindi lang nito alam na ayaw ko ng ipilit ang sarili ko kung ayaw talaga ako ng tao. I mean, I'm persistent pero kung wala ng pag-asa na siyang nakikita ko ngayon. Then I should stop pero ayaw kong madismaya si Ate Natalie kaya hahayaan ko na lang ang gusto nitong mangyari.

Niyakap ko ito pabalik. "I miss you-"

"This is a school and not a place to flirt around."

Naghiwalay kami ni Ate Natalie at sumalubong ang magandang mukha ngunit madilim na ekspresyon ni Miss Fin.

"Oh hi there!" Si Ate na binalewala ang sinabi ni Miss Fin kanina. "We met at the mall before, Sofiera right? Didn't know you're a professor here. Luane in case you forgot my name."

"Of course, how can I forget." Halos paanas na wika nito.

"I'm just picking up my boo. Nice to see you again but we better go." Hinawakan ni Ate Natalie ang kamay ko kaya awtomatikong napatingin doon si Miss Fin.

Pinagbuksan ko si Ate Natalie ng pintuan saka ko ito isinara ng makapasok. Bago ako umikot ay napalingon muna ako kay Miss Fin na walang emosyon sa mukha nito.

Ng makasakay ako ay natawa ng mahinhin si Ate Natalie.

"Did you see the way she looks at me hun? Gusto niya akong patayin."

Napapailing na lang akong napapangiti rito bago ako nagmaneho. May pagka-pilya rin talaga ang pinsan kong ito.

"Si Ate talaga."

"Trust me hun. She likes you. She wouldn't act that way if she doesn't. She wouldn't even care a bit if that's not the case to think you're a student. And maybe she's confuse. I'm here to help her realize. Don't worry, you'll get your woman in time."

"Ayaw ko ng umasa, masakit." Umakto pa akong nasasaktan.

Natawa ito. "Sira!"

"Pero Ate hindi ko lang alam paano ka lumitaw mula sa loob ng sasakyan ko."

"I got your spare key from Tita Risen at sumabay ako sa kanya kaninang hapon papunta dito. I told her na gusto kitang tulongan sa future daughter in-law niya."

"Ate huwag ka po magpapaniwala masyado kay Mama. Baka mamaya iba ang ituro niya sa iyo."

Natawa ulit ito. "I like all her plans kasi tignan mo. Lahat umayon."

"My ghad no!"

Mas lalo itong natawa ng mahinhin. "I'd like you to meet someone anyway. Deretso tayo sa restaurant ko."

Nabaling ang pansin ko rito. "Ha? Kailan ka pa nagkaroon ng interes sa restaurant Ate?"

"Eyes on the road hun." Paalala nito na agad kong ginawa.

Nagulat lang ako. I mean she have a shipping business, private resorts, hotels, and condo's, exportation of luxurious cars pero ang restaurant?

"You know the Eleutheria?"

"No?" Hindi ko siguradong sagot rito.

"I'll tell you which way to go."

Na malugod kong sinunod. Ilang minuto pa akong nagmaneho at narating na namin ang sinasabi nito. I parked my car. Namangha ako ng makita ang loob pagkapasok namin. Hindi ko inakalang magugustuhan ni Ate Natalie ang ganito kasimple. I mean pwede siyang magpatayo ng mas malaki iyong pang five star pa pero ito ang mas pinili nito.

"This is yours?"

Tumango ito sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko saka ako iginiya papunta sa isang lamesa at naupo kami.

"I bought this place almost a year ago when I came here one time. Hindi maganda ang pakikitungo ng may ari sa mga employees niya. Ng mapunta sa akin. I made changes as you can see and hire a lot of students."

"So you bought this place kasi naawa ka sa mga employees?"

"Fifteen hundred." Wika nito na agad kong nakuha ang ibig nitong sabihin. Lumingon ako sa harapan kung nasaan ang cashier. May apat doon na empleyado. Naagaw ng pansin ko ang isang magandang parang kaedad ko lang.

"She's Ametiz."

"And?" Takang baling ko rito.

"In short, she's mine."

Napaawang ang mga labi ko sa sinabi nito at tuluyang nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong ito ang sinasabi nitong labidabs nito.

"Ha?! Ate teka. Kung estudyante siya. Ang tanda mo na para sa kanya."

Natawa ito ng mahina. "Magkaedad lang kami ni Mikaela. So ano ang tingin mo sa relasyon nila ni Selenophile?"

Oo nga ano?

Naipilig ko ang aking ulo. Silly me.

"This is where I've seen and met Ametiz. Ulila na siyang lubos kaya nagta-trabaho siya bilang estudyante para matustosan ang pangangailangan niya. If you believe love at first sight. She is for me. I was really upset when I came back here one time. Nataong nandito rin ang may ari at pinag-iinitan ng husto si Ametiz. Insecure I guess kasi nagkagusto daw ang asawa nito kay Ametiz. Silly her, hindi ba niya alam na hindi papatol ang bata sa gurang na may asawa."

"Ehem. Speaking of gurang Ate-"

"Wala pa akong asawa. Sabihin mo iyan kay Mikaela."

"Naku huwag na Ate."

"Sabihin mo rin iyan kay Sofiera." Agad akong sumimangot kaya natawa ito.

"Does Ametiz know about you?"

Tumango ito. Mayamaya pa ay lumapit na si Ametiz sa amin.

"Hi." Magiliw na bati nito. Halatang nahihiya at kinakabahan. Tumayo si Ate Natalie at hinalikan ito sa pisngi.

My ghad! I kennat!

"Hi my love." Wika ni Ate Natalie rito.

Kinikilig ako sa kanila! Hindi ko nakita ang ganitong side ni Ate Natalie. Siguro ay lumalabas talaga ang pagiging natural sa isang taong minamahal.

Napairap ako sa ere. I really can't! Nagpapanting ang mga tenga ko. I still can't believe I'm hearing my cousin talking like this sweet.

"Love, I'd like you to meet one of my cousin, Jazmine Allison. Jazzy, this is Ametiz."

Tumayo ako para ibeso ito. "Nice to meet you and welcome to the family."

"Thank you. Pleasure to meet you as well Jazzy."

Magsasalita na sana ako ng-






"Miss Reyes."

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now