Chapter 22

1.6K 159 26
                                    

Jazmine Allison

"Come here."

Napaangat ang tingin ko kay Sofiera ng magsalita ito. Nasa bahay ako nito. Naging habit ko na kasi ngayon ang dumalaw sa bahay nito at tumambay. Minsan ay dito na rin ako nakikikain pero nagdadala naman ako ng mga pagkain galing sa restaurant ni mama Risen.

Ginagawa ko pa ngayon ang assignment ko dahil tinulongan ko ito kaninang icheck ang mga test papers ng ibang seksyon na tinuturoan nito.

"Bakit sweetheart?" Tanong ko ng mailatag ang hawak na ballpen sa lamesa. Nasa living room kasi kami nito at sa carpet ako naupo habang nakasandal ang likuran ko sa couch at nasa harapan ko ang center table nito. Nasa katapat ko itong couch, nakaupo habang nanonood ng balita.

"Nami-miss kita Jazzy."

Hindi ko mapigilang hindi kiligin. Tinusok ng dila ko ang loob ng pisngi ko kaya alam kong bumukol na naman ito. Ayaw pa naman ni Dominique kapag ginagawa ko ang bagay na ito. Nakakadiri daw pero mannerism ko kapag kinakabahan ako o may pinipigilang damdamin katulad ngayon.

Hindi ko rin maiwasang hindi pamulahan ng mukha at ang pagsilay ng matamis na ngiti sa mga labi ko.

Here I come mammeh!

Tumayo ako at lumapit rito. Tinukod ko ang dalawang palad ko sa magkabilaang kamay ng inuupoan nito. She's sitting in a single seater couch kaya ang labas ay nasa pagitan ng mga bisig ko ito ngayon.

Dumakwang ako na para itong hahalikan.

"Nandito lang naman ako palagi sweetheart."

Umangat ang kamay nito at marahang hinaplos ang kaliwang pisngi ko.

"I still can't believe that you're mine."

Marahan kong hinalikan ang noo nito. "I'll always be yours. Alam kong matagal na ang balitang ito pero totoong noon pa man ay talagang nababaliw na ako sa iyo, Sofiera."

Natawa ito ng mahinhin bago ito umayos ng upo dahil kanina ay naka-krus ang mga hita nito.

"Sit here on my lap."

At dahil masunorin ako. Umupo ako sa mga hita nito.

My ghad! Kinikilig talaga ako!

Idagdag pang ang bango bango nito. She smelled like peony and vanilla.

Can I lick you my muf-Fin?

Napaubo ako kunwari para matanggal ang bumara sa lalamunan ko dahil kabastusan na naman ang naiisip ko.

Napalunok ako.

Saka kinakagat ang muffin hindi dinidilaan. Sulsol pa ng isipan ko.

Yumakap ako rito bago isubsob ang mukha ko sa leeg nito. Hindi ko mapigilang hindi ito amoyin.

"Nami-miss din kita sweetheart." Wika ko.

Yumakap din ito sa akin. Ramdam ko ang tibok ng puso nito. No doubt, I own every beat of it.

"Mahal na mahal kita Sofiera Fin."

"I love you too, Jazmine."

Oh yes, I can die right now in her arms. Lumayo ako kaunti para ito ay matitigan. Brownish thick perfect eyebrows, mahahabang pilik mata na akala moy nakaluhod, nangungusap na mga mata, kissable pink plump lips.

"Am I beautiful?"

"Tang ina. Hindi ka maganda. You're gorgeous."

Natawa ulit ito. "I remember your Mama Risen. Una ko siyang narinig na nagmura noong nagpunta ako sa mansyon ng Tita mo para sa dinner." Namula ito kaunti bago nito kagatin ang pang-ibabang labi nito.

Desiring Miss Fin (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя