Chapter 17

2K 146 9
                                    

Jazmine Allison

"Ang aga mo yata ngayon masyado?" Si Selenophile habang nakatitig sa akin. Napangiti ako rito ng matamis.

"Dahil kami na ni Miss Fin." Bulong ko rito at baka may makarinig sa amin.

Umawang ang mga labi nito. Matatawa na sana ako ng magsalita ulit ito.

"Pinatulan ka?" Dahilan para mawala ang matamis kong ngiti. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Alam mo cous. Huwag kang masyadong umaaligid kay professor Howard ha? Nali-"

"Come again Miss Giudevaun?"

Nanlamig ako ng marinig ang malamig at mono tone na boses ni Ate Mikaela mula sa aking likuran. Natatawa tuloy ang pinsan ko.

"Hayuf ka." Walang tinig na wika ko sa pinsan ko kaya natawa na ito.

Kinakabahan akong umikot para makita si Ate Mikaela ng salubongin ako ng mga mata nitong nagye-yelo.

Lihim akong napalunok.

"G-Good morning professor Howard."

Tumaas ang isang kilay nito. Napalunok ulit ako. Mikaela Rielle is indeed beautiful pero kung ganito ito kasungit at kataray isama na ang nagye-yelong mundo nito. Huwag na lang. Hindi ko nga alam paano ito pinakikisamahan ng pinsan ko.

Dominique is tough. I can't handle this kind of woman. Kay Miss Fin ako. She's super sweet, kind, selosa man pero may pasensya at pang-unawa. She's gorgeous in my eyes.

"You were saying?"

Kumabog ang dibdib ko sa takot dahil sa lamig ng boses nito. Buntis na may attitude. Well, dati na itong may attitude pero lumala ngayon. Sana hindi mausog at parang sinumpa ang pamangkin ko kapag ipinanganak nito.

Bumukas ang bibig ko pero wala akong masabi. Paano ba magrason dito?

"I told you before you're pretty but you have a nasty mouth."

Tinikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi nito. Kung meron mang nasty sa amin. Si Mama Risen iyon at hindi ako.

"Tama na iyan mahal." Kumindat rito si Dominique at hinawakan nito ang braso ko. "See you inside the room. I love you."

"I love you too."

Napaubo ako kunwari at ako na mismo ang humila sa kamay ng pinsan ko.

"B-Bye Ate." Wika ko at nagsimulang maglakad palayo rito. Ng makarating kami sa harapan ng classroom namin ay may sama ng loob kong binitawan ang kamay nito.

"Thanks for saving my ass back there!"

Pero tumawa lang ito. Napairap ako sa ere.

Magsama kayo. Yelo at bano!



*****


"Come here in my office." Iyon lang at pinatay na nito ang tawag. Kinuha ko ang mga gamit ko.

"Kita tayo mamaya cous. Puntahan ko lang siya." Wika ko na tinanguan lang nito dahil alam kong pupuntahan rin naman nito si Ate Mikaela.

Nagmamadali akong umalis at ilang minuto lang ay nakarating ako sa harapan ng opisina nito. Kumatok ako ng tatlong beses.

"Come in." Narinig kong wika nito sa loob kaya dahan dahan kong pinihit ang seradura. Bumukas ito, pumasok ako sa loob at saka ito isinara.

Tinignan ko ito at abala itong nagtitipa sa laptop nito. She look so hot with her eyeglass on.

"Lock the door."

"Oh la la-" Natigil ako ng mag-angat ito ng tingin. Noon ko lang napansin na napalakas pala ang pagkakasabi ko. Biglang namula ang mukha ko sa hiya kaya natawa ito ng mahinhin.

"You silly." Wika nito bago itabi ang laptop nito at tumayo. Medyo tumaas ang skirt nito lumagpas sa kalahating hita nito.

Oh my! Parang bumagal sa paningin ko ng ibaba nito at ayusin ng mabuti ang suot nito.

"Jazzy are you ok?"

Muntikan na ako nitong mahuling nakatitig sa mga hita nito. Mas lalong nakakahiya kapag ganun. Napaubo ako kunwari.

"Um, kumain ka na ba mahal?" Malumanay na tanong ko rito.

Ngumiti ito ng matamis.

"Kaya kita tinawagan kasi gusto kong mag-lunch kasama ka. Will you join me?"

Aww! She's really sweet!

"Sure love." Lumapit na ako rito. May inilabas itong isang paperbag at hinanda nito sa lamesa ang mga pagkain. It's a japanese food. I eat everything kaya walang problema.

Wala kaming imik habang kumakain. Hindi naman nakakailang. Kahit hindi kami nag-uusap ay komportable pa rin ako.

Natigil lang kami ng may kumatok.

"Are you expecting someone love?" Tanong ko rito.

Umiling ito saka uminom ng kaunti at pinunasan ang bibig bago tumayo.

"Continue your food. Titignan ko lang kung sino." Natuod ako ng dumukwang ito at halikan ang pisngi ko.

Pero mas hindi ako komportable sa isiping baka mamaya ay kung sino na iyang nasa labas at makita pa kaming kumakain sa loob. Ayaw kong machismis.

Napainom ako dahil sa nerbyos. At oo, nerbyosa ako.

"Oh! Hi Mrs. Giudevaun!" Literal na bumalik sa baso ang tubig na iniinom ko. Agad kong pinunasan ang bibig ko at napatayo para tignan kung si Mama Risen nga ang tinutukoy nito at hindi ako nagkamali. Ngisi pa lang ng Mama ko ay alam ko na.

My ghad! Why is she here? Is she spying on me? On us?! Iiiihh! Wag ganun!

Putik naman Mama!

"Come in please. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?" Magalang na tanong ng girlfriend ko samantalang gusto ko ng bastusin ang masamang hangin na nagdala sa Mama ko rito.

Pumasok ng nakangisi si Mama Risen at parang proud na proud pa ito ng makitang kumakain kami sa loob.

"H-Hi po!" Bati ko para magbigay galang para hindi magtaka o mag-isip ng kahit na ano ang kasintahan ko.

Kumindat si Mama Risen sa akin dahil kasasara lang ng girlfriend ko ang pinto. Pinanlakihan ko si Mama Risen ng mga mata.

"Mama, out now!" I mouthed her.

Lumapit ito sa akin. "Hey young fella." She leaned in para bumulong. "Lunch date lang anak. Wag mo munang bubutasan at mayayari tayong pareho sa Mommy mo."

Gimbal akong napatitig dito.

Tang ina Mama?

Gusto kong sabihin pero ayaw kong magmura at mas lalong hindi ko iyon sasabihin sa harapan ng kasintahan ko. Hindi pa nito alam ang tungkol sa akin at kung sino ang mga Giudevaun sa buhay ko.

"I invited her to join me for lunch Mrs. Giudevaun kasi tinulongan niya ako these past few days."

Mas lalo akong nagimbal sa sinabi ng girlfriend ko. Nalaglag pa ang panga ko. Teka, ano namang naitulong ko? Hindi naman ito nagpatulong kahit kailan ha?

"No worries darling. No need to explain. I'm happy you get along well with your students. Napadaan lang ako para kumustahin ka. After my days off ay nagpunta kaming probinsya pero nakabalik din kaagad."

Well that was true. Kahapon lang sila dumating kaya nag-dinner kami ni Sofiera sa labas bago ko siya hinatid kasi alam kong gabi na rin darating sina Mama at Mommy at kumain na sila non sa nadaanang restaurant. Sumaglit lang sila para bisitahin ang lolo't lola ko na magulang ni Mommy Allison.

"I'm happy to hear that Ma'am-"

"Call me Tita if we are in private Sofiera. Nagagalak akong malaman na nage-enjoy ka sa trabaho mo rito sa aking eskwela. Mauuna na ako. Please enjoy the food."

Bumaling si Mama Risen sa akin dahil nasa likuran naman nito si Sofiera.

"Anak, uwi ka ng bahay na kompleto ang mga daliri ha?"

And for the nth time. I know. Hindi ko na mapupulot pa ang panga ko.










Tang ina talaga..

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now