Chapter 11

2.6K 229 44
                                    

Jazmine Allison

"Miss Reyes."

Napakunot noo ako. Ano ito? Nagha-hallucinate ba ako? I just heard Miss Fin's voice.

"Jazmine Allison Reyes." Napapihit ako paharap ng wala sa oras. And there she is, nakatayo ito na madilim ang aura.

What the heck? What is she doing here?

"I need a word with you." Bumaling ito kay Ate Natalie. "I'll borrow her Luane." Hindi pa nakakasagot si Ate Natalie ng bigla ako nitong hatakin.

Aray!

Bastos!

Walang modo!

Dinala ako nito sa labas sa may parking lot. Problema nito? She let go of my hand saka ito frustrated na napasuklay sa buhok nitong mahaba gamit ang mga daliri nito.

Hot mammeh!

"Ano pong pag-uusapan natin Miss Fin?"

She looked at me still upset. She gritted her teeth. Aww, she's really hot!

Tang ina.. ang rupok ko pagdating sa kanya!

"You have the guts to asked?" Nabigla ako ng hawakan nito ang mga balikat ko saka ako marahang yugyugin.

"Jazzy wake up! Will you?! Can't you see she's playing you? I was right na niloloko ka ng babaeng iyon!" Nagugulohan kong tinitigan ito.

"Ha?" Tinanggal ko ang mga kamay nitong nakahawak sa mga balikat ko. "Teka nga Miss Fin. Did you just stalked us?"

"Yes! Because I know something is off! Can't you see Jazzy? She love that young woman just by looking at her. Tapos ikaw, you're here and still hoping for her to love you back?"

The heck?!

The heck is this woman talking about?! I am not in love with my cousin. It was her from the very beginning.

"Pero hindi-"

"Shut up or I'll make you." Napasuklay na naman ito sa buhok nito habang namumula ang mga pisngi.

Oh ghad she's really freaking hot!

Napatingin ako kay Ate Natalie dahil kita sa loob ng restaurant nito. She's smiling at me. Biglang may humawak sa pisngi ko at ibinaling ang mukha ko rito.

"Stop staring at them for petes sake Jazzy! Stop this madness-"

Next thing I know. I pulled the collar of her blouse and connected our lips together. Nothing matters right now but I swear. I've seen fireworks and the silence around us, it's deafening. Iyong parang kami lang ang nandito. I don't care around us or who can see us.

Ang lambot ng labi nito pero hindi ako pwedeng magpadala. Kahit ayaw ko ay pinutol ko ang halik at lumayo ako rito.

"Don't ask me why I did that." Wika ko habang nakatingin rito ng deretso. Nakaawang ang mga labi nito at nanlalaki ang mga mata. Parang natuka ng ahas.

"Because I don't know what and how to answer."

Lumapit ito at sinampal ako. I didn't see that coming.

"How dare you stole a kiss from me Jazzy!" Hinaplos ko ang pisnging nasaktan bago tumitig rito.

"And how dare you stalked me and tell me that the person I am in love with is not the right one for me. How dare you came over here and meddle with my own business professor Fin. Can't you see ma'am? I am avoiding you pero hindi ko alam bakit ikaw ang lapit ng lapit sa akin. So please, I don't need your care. I need you to leave me alone!"

Napasuklay ito sa buhok nito bago nito hinatak ang damit ko at ako naman ang hinalikan nito. Nanlaki ang mga mata ko at parang natuod sa kinatatayuan ko. Itong puso ko para ng sasabog.

"Now don't ask me why I did that too dahil hindi ko rin alam ang isasagot!" Wika nito ng maghiwalay ang mga labi namin.

Tang ina?

"All I know is gusto kitang ipagdamot Jazzy. You're too good to be true and I don't know why I am hurting whenever I see you're hurting. Nasasaktan akong nakikitang nagkakaganyan ka dahil lang sa isang taong hindi ka kayang mahalin. You deserve better Miss Reyes."

"But why? Why do you care so much Miss Fin? Hindi naman siguro lahat ng estudyante mo e nag-aalala ka sa kanila at susundan mo pa. And why did you kissed me?"

"Don't ask me."

"I have to. I need answers ma'am."

"I can't give you any Miss Reyes."

Ganun na lang iyon? Maybe Ate Natalie's right. Sofiera Fin is confuse. Should I push her to her limit? I mean, I love this woman and I want her to be mine so why not test it?

"Then leave Miss Fin. I'm going back inside and be with Luane."

Hinatak ako nito sa kamay at kinaladkad sa sasakyan nito. Mabuti na lang iilan lang ang mga taong nasa labas.

"You're not going back there."

"My car professor-"

"I don't give a damn."

"Saan mo ako dadalhin ma'am?"

"Sofiera."

"Miss Fin."

"Get in." Pagkabukas pa lang sa pintuan ng sasakyan nito.

Tinitigan ko ito.

"Papasok ka Jazzy o itutulak kita ng pabalya sa loob?"

Mabilis akong pumasok sa loob at parang natauhan na lang ako ng marinig ang malakas na pagbalibag sa pintuan ng sasakyan nito.

What the heck is happening right now?

Gusto ko lang namang makaiwas rito pero bakit ganito na ang mga kaganapan ngayon?

"Seatbelt, boo." Umawang ang mga labi ko. Nang-aasar pa ang tono nito. May ganito pala itong side? I like this one.

Wild Mommy!

Nag-seatbelt ako.

"From now on you can't be her boo."

"Why not Miss Fin?"

"Naririnig mo ba ang sarili mo Jazzy?"

"Loud and clear professor dahil alam ko kung anong gusto ko, alam ko kung sinong kailangan ko, at alam ko kung sino ang mahal ko."

"You fell in love with the wrong person."

"So I am wronged to love you?"

Napakunot noo ito bago bumaling sa akin pero saglit lang iyon.

"Pardon?"

"I'm asking you ma'am if loving you is wrong."

"What the heck do you mean Reyes?"

Napabuga ako ng hangin. Nagmahal na nga ako, sa taong manhid pa talaga.

"Mahal po kita Miss Fin."

Ilang sandali lang ay halos masubsob ako sa dashboard ng biglang mag-preno ito.

Tang ina, ayaw ko pang mamatay ng maaga!

Binitawan nito ang manibela saka tumitig sa akin pagkatapos mapasuklay sa mahaba nitong buhok gamit ang mga daliri nito.

"You're kidding me." Mulagat ito.

"I'm too old para makipaglaro pa sa iyo. Let's stop this madness professor. Hindi si Luane ang mahal ko kundi ikaw mismo pero ang manhid mo!"








"Wala kang sinabi, tanga."

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon