Chapter 4

2.4K 196 12
                                    

Jazmine Allison

"Sige na ibigay mo na. Mamaya maunahan ka pa ng iba."

"Ayaw ko nga!" Angal ko kay Dominique.

Paano ba naman kasi. Magbibigay ito ng bulaklak kay Miss Adicof. May ekstra pang bulaklak na binili para daw kay Miss Fin at ako. Ako ang inuutosan nitong magbigay. I can't believe her samantalang nasa school pa kami.

"You're risking-"

"We own this school Jazzy." Putol nito sa akin. "Kung may magbabawal man sa iyo. It's not Mama Risen, Mommy Frances, or Mama Snow dahil alam kong pati sila ay nakasuporta sa iyo. That means no one will ever stop you."

Napahawak ako sa dibdib ko at eksaheradang tumingin rito.

"Cous, we don't take advantage of it right?"

Natawa naman ito. "Jazzy nakakalimutan mong sa lahat ng bagay. Si Mama Risen lang ang mapang-abuso. Trust me, whatever her daughter wants, she will go for it. Hindi ka rin naman umaabuso. Nagmamahal ka lang."

"Oo nga. Nagmamahal lang pero hindi ako ganun!"

Parang wala itong narinig at nilagpasan ako nito ng tingin bago ngumiti ng matamis. Kumunot ang noo ko rito.

Lumingon ako. "Sinong-" Nanlaki ang mga mata ko bago ako napasinghap.

Si Miss Fin kasama si Ate Mikaela. Nagbaling ako ng tingin kay Dominique.

"Akala ko ba-"

"Akala mo lang iyon." Natawa ito bago sinalubong si Miss Adicof ng halik sa pisngi at ibigay ang bulaklak rito.

As usual nakangiti si Miss Fin kay Dominique habang si Ate Mikaela ay nagye-yelo ang tingin nito at walang emosyon. Wala namang bago rito.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bulaklak sa harapan ko. Agad kong dinampot ang isang stem ng pulang rosas at inilagay sa ilalim ng lamesa ang kamay kong nakahawak rito. Ayokong makita ito ni Miss Fin dahil una, hindi makapal ang mukha kong magbigay rito at pangalawa ay nakakahiya!

Kung bakit pa kasi nito inimbitahan si Miss Fin para makasabay namin ng lunch dito sa pribadong opisina ni Mama Frances.

Ipinaghila ng pinsan ko si Miss Adicof ng upuan. Ipaghihila ko rin sana si Miss Fin ang kaso ay hawak ko sa kaliwang kamay ang bulaklak na tinatago ko.

"Hi Jazzy!" Malamyos na pagbati sa akin ni Miss Fin. Nakangiti ito ng nakakatunaw panty.

Ang puso ko nagririgodon ng husto. Kulang na lang ay wasakin nito ang dibdib ko. Ang hirap kumalma kapag kaharap ko ang diyosang ito. Maganda, mabait, matalino, matangkad, at sexy! Lahat ng iyon ay hindi nakakatulong sa nagwawalang sistema ko!

"H-Hello Miss Fin."

Naupo ito sa tabi ko sa mismong kaliwa. Nasa kanan ko ang pinsan kong si Dominique habang kaharap ko si Ate Mikaela.

Nakahanda na ang mga pagkain namin dahil hinanda ito ng mga staffs ni Mama Frances kanina. Halata kasing gustong gusto ni Mama Frances si Ate Mikaela para sa pinsan ko at tuwang tuwa na sa unang paparating na apo. Well, maganda talaga si Ate Mikaela. Nagkataon lang talagang masungit ito to the point na nakakatakot ito ng sobra.

"Ang dami namang pagkain. May okasyon ba? And are we allowed to eat here kasi alam kong pribado rito." Tanong ni Miss Fin.

Right, hindi pa nito alam kung sino kami maliban kay Ate Mikaela. I'm glad hindi ito palasalita at baka masabi pa nito kung sino kami. Ayaw ko pa kasing sabihin not unless na kami na kung magiging kami nga sa huli. Kaso lang ay hindi ko naman alam paano ito liligawan? As far as I know ay straight si Miss Fin.

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now