Chapter 14

2.7K 240 34
                                    

Jazmine Allison

"I asked, what's happening here?" Si Ate Natalie.

"Ma'am-"

"No, it's ok officer. It's just a misunderstanding. We can handle it. Thank you." Putol ng lalaking anak ni Ursula sa isang pulis. Mabait naman pala kahit papaano kahit maangas ang dating nito.

Hinintay muna ng mga itong makaalis ang dalawang pulis bago balingan ng lalake si Ate Natalie na nakatayo na ngayon sa aking tabi.

He cleared his throat. "Ako na ang humihingi ng pasensya Miss Giudevaun."

"How much did she ate?" Imbes ay tanong nito.

"No, actually hindi pa talaga siya nakakakain."

"This is clearly a harassment Mr. Torilla. Hindi pa siya nakakain at nag-order pa lang yet you're asking for her to pay already and assuming that she can't pay. What kind of restaurant is this? Bill out bago kumain. Is this some kind of a joke? And do you know this person you're accusing of?"

"M-Miss-"

Itinaas ni Ate Natalie ang kamay nito to stop Ursula from talking.

"I heard enough. You know I want to file a case Mr. Torilla pero dahil may pinagsamahan tayo kahit papaano. I will let this pass pero sa susunod. Don't accuse or assume someone that they can't afford or pay such things. Sa batas hindi umiiral ang assumptions."

"I understand. I'm sorry."

"Hindi ka sa akin may atraso."

"We're sorry." Hinging paumanhin ng lalake sa akin.

"Let's go, boo."

Tumayo ako saka binuksan ang shoulder bag ko. Inilabas ko ang isang bundle ng tig-iisang libo. Inilagay ko ito sa ibabaw ng lamesa bago tumingin kay Ursula at ngitian ito.

"Bayad ko sa serbisyo. Sa susunod huwag kang mapagmataas. Kung hindi ka lang mukhang maaatake dahil sa katabaan mo. Idedemanda kita."

Nanlaki ang mga mata nito bago namula sa inis. Nakaawang naman ang labi ng mga magulang ni Miss Fin at kahit ito ay hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Kinuha ni Ate Natalie ang kamay ko at walang sabi sabing hinatak ako nito palabas ng restaurant.

"Thanks Ate."

"No worries hun. I got your back." Malapit na rin naman kami sa parking lot kung nasaan ang sasakyan ko at sasakyan ni Ate Natalie.

"And where do you think you're going Jazzy?" Si Miss Fin habang nakahawak na ngayon sa kabilang kamay ko kaya napatigil ako.

"Let her go." Si Ate Natalie.

"No, you let her go Luane." Matigas ring wika ni Miss Fin. Nasa pagitan nila ako ngayon. Hawak ni Ate Natalie ang kaliwang kamay ko habang sa kanan naman si Miss Fin.

"She's with me Sofiera."

"I'm with her first Luane."

"No, you're with them inside."

"I was but I am here now."

Ano ba? Makapag-usap ang dalawa parang wala ako sa harapan at pagitan ng mga ito.

"Let her go. May pupuntahan pa kami, right boo?" Si Ate Nat.

"May pupuntahan din kami, right sweetie?" Si Miss Fin.

Hindi ko alam kung sino ang titignan ko ngayon. Si Ate Natalie na kunwari'y seryoso o si Miss Fin na namumula na ngayon dahil sa inis.

"Boo/Jazzy!" Magkasabay pang wika ng mga ito.

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now