Chapter 5

2.5K 219 16
                                    

Jazmine Allison

Simula noong araw na iyon ay iniwasan ko na si Miss Fin. Hindi na ako tinutukso pa ng pinsan ko dahil alam niyang masasaktan ako. Nagpapasalamat naman akong hinayaan ako nito. I really need my space right now.

Sa tuwing klase namin kay Miss Fin ay tahimik na lang ako. Sobra sobra ang pagpipigil ko sa sarili ko para lang hindi ito titigan ni sulyapan. Hindi na rin ako nagre-recite. I'm just being me doing my work inside the room.

Sa gabi ay hindi ako masyadong nakakatulog at paminsan minsan ay umiiyak ako. Halos hindi na rin ako kumakain dahil nawalan na ako ng gana. Normal lang naman sa isang taong nasaktan. Tinatanggap ko ang pagtanggi ni Miss Fin pero kailangan ko ng panahon para makalimutan ang nararamdaman ko rito.

"Alam kong hindi ka ok anak. Na pinagdadaanan mo ang ganyang bagay ngayon pero kailangan mong magpakatatag." Si Mommy Allison habang wala akong ganang nakatingin sa pagkain ko ngayon.

Nananakit ang ulo ko dahil sa kulang sa tulog at hindi na nga ako halos kumakain.

"Namayat ka na. Hindi ko na gusto ang nangyayari sa iyo. Hinayaan ka namin ng Mama mo kasi alam namin ang pakiramdam na ganyan pero huwag namang umabot sa puntong mawawala ka sa amin." Nahimigan ko ang lungkot sa boses ng Mommy ko.

"Gusto mo kidnappin ng Mama at hala-"

"Hala sige ituloy mo Risen!" Natahimik agad si Mama. Sinamaan ito ni Mommy ng tingin. "Sapokin kita gusto mo?!"

Napakamot si Mama Risen sa kilay nito bago kumindat sa akin.

"Tarantado talaga to." Pahabol pa ni Mommy at kahit pabulong ay narinig ko pa rin.

Napangiti ako. Gusto ko ng ganitong relasyon o di naman iyong kay Tita Snow at Tita Natasha. Pwede rin iyong kina Tita Frances at Tita Scarlet. O iyong kina Tita Jen, Tita Swan, Tita Xen, at Tita Amber.

But I want my own love story too.

Kasi alam kong hindi naman lahat magkakapareho pero gusto ko iyong sila pa rin sa huli kahit ang dami ng nangyari.

I think the best part of love is fighting for that someone para lang hindi ito mawala sa iyo. And the consequences you face and struggles you take.

Bumaling sa akin si Mommy bago nito hawakan ang kamay ko.

"Please eat anak. I know you're strong. Kahit hindi na para sa Mama Risen mo basta para kay Mommy."

Hindi makapaniwalang tumingin si Mama Risen rito. Napatango na lang ako. Kumain ako kahit parang wala akong malasahan ay pinilit ko itong lunokin. Ng matapos ako ay saka ako nagpaalam. Humalik ako sa mga ito bago ko kinuha ang susi ng sasakyan ko at ang shoulder bag ko.

Medyo nahihilo pa ako ng makalabas ako ng bahay at dumiretso sa aking sasakyan. Bumiyahe akong masama ang pakiramdam ko hanggang sa makarating ako sa eskwela.

Naghihintay sa akin ang pinsan ko sa may parking lot kung saan ako parating naka-pwesto. Sinalubong ako nito ng makababa ako.

"Jazzy dumaan lang ang weekend at namayat ka na naman. I know you're not fine and I'm sorry cous. Kung may maitutulong lang sana ako."

Hinawakan ko ang kamay nito. "I'll be ok. Tara sa klase baka ma-late pa tayo."

Hindi ito nagsalita at pinakatitigan lang ako kaya hinatak ko na. Nahilo ako ng sobra ng lumiko kami at nagkataon pang may nakabanggaan ako pero mabilis ako nitong nahawakan kaya hindi ako napaupo sa sahig.

"Ano ba! Sa susunod tumingin ka naman sa dinadaanan mo." Si Dominique bago ako nito binawi sa kung sino man ang nakahawak sa akin. Hindi ko kasi ito matignan dahil hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako.

"Pasensya ka na Dominique lalong lalo na sa iyo Jazmine. Hindi ko talaga sinasadya."

Pamilyar ang boses nito pero hindi ko matandaan kung sino. Pinilit kong mag-angat ng tingin para kilalanin ito. Si Desmond.

"Ayos lang. Pasensya ka na rin." Bumaling ako sa pinsan ko. "Tara cous." Yaya ko rito.

Ng makarating kami sa loob ng classroom ay nag-aalala itong tumingin sa akin.

"Jazzy anong nararamdaman mo?"

"Masakit ang puso ko." Totoo namang iyon ang kaso at wala akong magagawa. Nagmahal ako ng taong hindi kayang tugonan ang pag-ibig ko.

"Pero ok lang ako."

"I wasn't talking about the heartbreak. I was talking about your condition Jazzy. Kumain ka ba kanina? Ang putla putla mo at namayat ka."

"Oo. Nasa proseso ako ng pagtanggap, paglimot, at pag-usad."

Napapikit ito sa sagot ko. "I still wasn't talking about the heartbreak."

Alam ko naman ang tinutukoy nito pero sabi nga nila. Para mas mabilis maka-move on at mawala ang sakit hanggang sa maging manhid. Kailangang ingudngod sa katotohanang walang mangyayari sa amin ni Miss Fin.

"You're not eating are you?"

Pero hindi ko na ito sinagot lalo at pumasok na si Miss Adicof. Hanggang sa matapos ang klase namin ay tulala akong nakayuko. Hindi ako makapag-isip ng tama.

Heto ang unang pagkakataong umibig ako. Ito rin ang unang pagkawasak ng puso ko. And I don't know how to deal with it.

Is this the price I pay for being a good daughter?

"Cous sabay na tayong mag-meryenda."

"Wala akong gana." Tumayo ako at kinuha ang bag ko. Ng akmang magsasalita ito ay pinigilan ko. "I want to be alone cous."

"And you think I will let you?"

"What's that all about?" Si Ate Mikaela ng tatlo na lang kaming natira sa loob.

"Just eat with her." Pinagpapawisan ako ng walang dahilan kasabay ng matinding pagkalito.

Aalis na sana ako ng hawakan nito ang braso ko. Napapikit ako ng biglang parang may pumitik sa ulo ko. Sobrang sakit na parang pinukpok idagdag pa ang paghapdi ng tiyan ko.

Mabilis ako nitong niyakap para suportahan. "Jazmine?!"

"What's wrong with her?" Si Ate Mikaela pero nagsimulang manlabo ang lahat sa akin.

Narinig ko pa ang pagbukas ng pintuan at pagkahulog ng isang bagay sa sahig pero tuloyan na akong nilamon ng dilim.

Nagising akong may nakahawak sa kamay ko at marahang pinipisil ito.

"Jazzy?" Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ni Miss Fin o guni guni ko lang?

"Hey you're awake. Come on pretty open your eyes."

Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata ko at tumambad sa akin si Miss Fin. Nag-aalala ang mukha nito. Nandito rin ang pinsan kong si Dominique.

"Cous on the way na si Tita Allison rito para ilipat ka sa hospital. Kung gusto mo ng tubig ngayon. Hindi pwede until we find out what's wrong with you."

Only then I realize na nasa loob pala kami ng infirmary. Tinangka kong bumangon pero hinang hina ako.

"No, just stay still Jazzy."

Napakunot noo ako kay Miss Fin. Why is she acting like a damn worried girlfriend?

Babawiin ko sana ang kamay kong hawak nito pero mas humigpit pa ang hawak nito sa akin.

"Don't test my patience Jazzy."










What the f*ck Miss Fin?

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now