Chapter 20

2K 189 9
                                    

Jazmine Allison

Gusto kong matawa sa hitsura ng kasintahan ko ngayon pero pinigilan ko. Her transition is too fast. Putlang putla ito bago namula ng husto. Hindi rin makatingin kay mommy Allison ng deretso.

"Kumain ka na love. Walang mananakit sa iyo dito."

Napahinga ito ng malalim. Magkakaharap na kasi kaming lahat ngayon sa lamesa habang kumakain.

"D-Damn it Jazzy." Mahinang bulong nito. "You fool, you didn't tell me anything. Palagay ko hinagis mo ako sa kumukulong tubig ngayon. You betrayed me." Hindi ako makapaniwalang napatitig rito.

"Alam mo love, una sa lahat. Iwas iwasan mong maging asyumera ok? Palagi kang nadadali diyan. Uso ring magtanong bago gumawa ng eskandalo. At panghuli, itutuwid ko lang ha, ikaw mismo ang naglagay sa sarili mo diyan. I tried to explain pero pinigilan mo ako at sinabing huling huli mo ako sa akto."

Napangiti ako ng marahan itong pumikit bago hilotin ang sentido nito.

"Tang ina talaga Jazzy. I've never been ashamed of myself not until today. Hindi ko na rin alam kung nakailang mura ako. Hindi na ako tu."

There's always a first time.

"Uminom ka muna mahal." Wika ko ng makitang medyo nanginginig ito. Hindi ko alam kung sa kahihiyan o nerbyos.

Inabot nito ang kopita pero nasagi nito at natumba dahil nga sa nanginginig ang kamay nito. Tumilapon at kumalat ang laman nitong tubig sa salaming lamesa. Mabuti at hindi ito nabasag.

Agad napapikit si Sofiera dahil sa matinding kahihiyan ng mapalingon lahat sa kanya dahil sa likha nitong ingay.

"Are you ok hija?" Tanong rito ni Mama Snow.

Namumula ang buong mukha nito.

She cleared her throat. "I-I'm.. ok po." Tipid na sagot nito bago napakagat labi. She's anxious.

Mabilis naman ang isang kasambahay na punasan ang natapong tubig. Binigay ko na lang ang tubig ko rito. Uminom naman ito kaagad.

"Oh she'll be fine, right dear daugter-in-law?" Parang nang-aasar pa si mommy Allison rito.

Agad namang napatango si Sofiera rito. Pinagpatuloy na nila ang pagkain.

"Yes po T-Tita."

"Why not call me mommy? Total naman I'm getting older na at magiging manugang kita." Patuloy ni mommy. Hindi ko ito masaway kasi nasa harapan namin ito at hindi ko naman maabot ang paa nito sa ilalim ng lamesa.

"My, saka na po kapag kasal na kami." Wika ko na lang.

"Saka hindi pa naman tayo gaanong matanda Allison." Si Tita Natasha. "Mapagkakamalan pa rin tayong mga bata pa."

"Napagkamalan na nga akong sugar mommy e."

Natawa ang mga Tita ko. Marahas namang napalingon si Mama Risen dito na walang kaalam alam. Inutosan lang kasi ito ni mommy na imbitahan ang matalik na kaibigan ni Mikaela total ay kasintahan ko naman na daw ito. It's time for Sofiera to meet my whole family na ikinatuwa ni mama Risen not knowing na iba ang plano ni mommy Allison rito.

"Sino sweetheart?" May gigil na hiniwa nito ang new york striploin nito.

"Wala iyon, I think na-handle ko naman." Pagpapatuloy ni mommy Allison habang nakangiti ng matamis kay mama Risen. "But I'll make sure that person will be taken care of. No worries."

Napainom ulit si Sofiera ng wala sa oras.

"Kailangan mong mag-relax mahal. Hindi pwede ang ganito sa tuwing makakaharap mo ang buong pamilya ko."

Desiring Miss Fin (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon