Chapter 7

2.5K 188 20
                                    

Jazmine Allison

"So, what happened?" Tanong sa akin ni Ate Natalie ng dumating ang weekend. Kadalasan kasi ay may family dinner kami sa bahay ng mga ito. It's Tita Snow's tradition para sa closure ng buong pamilya namin.

"Akala niya Ate ikaw ang dahilan kaya ako broken hearted."

Natawa ito ng mahinhin bago ako nito niyakap. "I'm sorry for breaking your heart then."

Napairap ako sa ere.

"I told you. She likes you." Kumalas ito sa akin.

"She doesn't like me Ate. Ako lang talaga ang patay na patay sa kanya."

"Right." Nakangiti nitong sang-ayon sa akin. "I still remember those nights you're stalking her like a pervert. Kung hindi pa nilagyan ni Tita Swan ng tracker ang sasakyan mo. Tita Risen wouldn't know what's keeping you busy."

Napalabi ako. "It's so inappropriate to spy on me."

"You should be telling that to your self being the legendary stalker of Sofiera Fin."

Namula ako sa sinabi nito.

"Imbitahan mo siyang makipag-date sa iyo and if she refuse. Use me."

Parang umandar ang isang ideya sa utak ko.

"You exactly look like Tita Risen when you're thinking like this." Natawa ulit ito ng mabini. "Parang ayaw ko ang tumatakbo sa isipan mo ngayon."

"Tama ka Ate! Dapat ko siyang pagselosin!" Amuse ako nitong tinignan. "Ate, ang ganda mo talaga. Manang mana ka kay Tita Natasha." Hindi ko ito mapigilang purihin. She's also modest at napakahinhin.

Hindi nga ba iyong mga mahinhin daw sila iyong mahinhindutin? Pero hindi naman kay Ate Natalie.

Natawa ulit ito. "What does my beauty do to your plan?"

Napakamot ako sa aking ulo kahit hindi naman makati bago bumukol ang dila ko sa pisngi.

"Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit hanggang ngayon e single ka pa rin Ate. Pero thank you for helping me out with Sofiera."

Naglalaro ang pilyang ngiti sa mga labi nito kaya namula ako.

"Who say's I'm single?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.

"Ha?!"

Tinakpan nito ang bibig nito habang tumatawa bago nito gulohin ang buhok ko.

"Silly."

"Ate sinong lalaki ang napikot mo?" Mas lalo itong natawa.

"Are you sure it's a he?"

"Ha?!"

"Diba nga sa pamilya natin. Ang mga maganda ay para sa mga magaganda?"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Tinitigan ako nito habang nakangiti bago abutin ang baba ko gamit ang hintuturo nito.

"Close your mouth hun. Like what I told you. Invite Sofiera to a fancy dinner. If she refuse. Use me boo." Kinindatan pa ako nito bago umalis sa sala at umakyat sa kwarto nito.

Naiwan akong tulala. Nilapitan ako ni Tita Natasha habang ang ibang mga kapamilya namin ay maingay sa kung saang parte ng isa pang living room.

"Are you ok Jazmine?" May pag-aalala sa mukha nito. "Still feeling unwell? Nabusog ka ba kanina?"

"Am I?" Bangag kong balik rito.

Ngumiti si Tita Natasha bago ako nito yakapin. "Silly Jazzy." Niyakap ko ito pabalik. "I heard you're in love with a certain Sofiera Fin?"

"Si Ate Natalie talaga." Bulong ko pero dahil magkayakap pa kami ay narinig nito. She softly laughed.

"Hindi si Luane ang nagsabi sa akin. Si Risen."

Impit akong napatili. "Iiiiiihhh!" Kumalas ako ng yakap rito. "Si Mama po Tita? Ano pong kahihiyan ang pinagsasabi niya?"

Nasabi ko na bang matalik na magkaibigan si Mommy Allison at Tita Natasha noon? They both teached in HFU.

Natawa ito sa akin. "Hindi ko alam bakit ang hilig niyo sa mga professor."

Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa at mula paa hanggang ulo. Natigilan ito sa inasal ko at nagtatakang tinitigan ako.

"Nagtanong ka pa talaga Tita."

Napangiti ito sa akin. "Does that mean na maganda talaga ang mga professor?" Tukso nito sa akin.

"Maganda ka po Tita, maganda po si Mommy, maganda si Tita Meadow, maganda si Tita Blaire, maganda si Medusa, at maganda po si Athena."

Si Tita Meadow ay asawa ni Tita Jen. Ang Mommy ng kambal na sina Medge at Tobias. Dati itong Propesora ganun din si Tita Blaire na asawa ni Tita Amber. Ang Mommy ni Bryleigh Beneriz.

Kumunot ang noo nito sa akin. "Sinong Medusa at Athena?"

"Ah kuwan." Napangiti ako ng alanganin rito. "Si Ate Mikaela po ang Medusa."

Natawa ito ng mahinhin. Manang mana talaga rito si Ate Natalie.

"Anak ka talaga ni Risen."

"Naman Tita."

Nakangiti ito. "So I assume na si Sofiera ang Athena?"

Tumango ako rito.

"Kung Medusa si Mikaela. You should start labeling your Tita Meadow and Tita Blaire too. Don't you think na pare-pareho sila?"

Right.

I groaned. "Basta ako Tita. I don't want to get in their way. Ayos na ako kay Miss Fin."

Natawa ito. "Then go get your woman."

"She's complicated. She said she's straight and there will be no us pero kung kumilos taliwas naman."

"I was once like her. Siguro nalilito lang siya. Why not ask for your Mama Risen's advice? I heard she flipped my best friend's world upside down."

I groaned bago ako napahawak sa noo ko. "My ghad Tita please no!"

Natatawa itong yumakap sa akin. "Everything will fall into their right places Jazmine. If you are meant to be, you are meant to be. But destiny will only be there and you do the rest."

"Thank you Tita." Kumalas ako rito ng yakap. "Tita, why student too?"

Namula ang mga pisngi nito. Tanong tanong pero pag kaming mga estudyante hindi pwedeng malaman ganun?

Nakita kong tumingin ito kay Tita Snow bago simpleng napakagat labi. Nanlaki ang mga mata ko sa inasal nito.

"Ano Tita. Huwag mo ng sagutin." I kissed her cheek bago ako nagmamadaling lumayo rito.

I looked around and everybody's.. well? How do I say this without the word f*ck? Kahit saan ako tumingin ay nilalanggam ang mga ito.

Ang sakit sakit sa mata to the point na konti na lang ay magkaka-sore eyes na ako! Total natapos naman na ang dinner. Mauuna na ako. Hindi sa bahay kundi sa bahay ni Miss Fin. Matagal na akong hindi dumadalaw rito.

Simula kasi ng tinanggihan ako nito ay hindi ko na sinundan pa at akala ko ay hinding hindi na iyon mangyayari pero ngayon? After all these lovey dovey shits in front of me? I need Miss Fin.





I f*cking need and want Sofiera Fin..

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now