Chapter 19

1.9K 218 41
                                    

Sofiera

Gigil kong isinara ang pintuan ng sasakyan ko pagkarating sa aking bahay.

"Ano!" Sigaw ko ng biglang may tumawag sa akin. Hindi ko tinignan kung sino dahil nabu-bwisit pa rin ako hanggang ngayon dahil sa pagtataksil ni Jazmine sa akin.

Sinaksak ko ang susi sa doorknob ng bahay ko.

"Oh sorry dear. Is it a bad time to call you at this time?"

Natigilan ako ng marinig ang pamilyar na boses sa kabilang linya. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ito. Dahan dahan kong inilayo ang cellphone ko sa tainga ko at tinignan ang screen para kumpirmahin ito.

Mrs. Risen Giudevaun.

Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba.

Shit!

"Dear?"

I cleared my throat. "H-Hello po, I'm sorry ma'am. Hindi ko po k-kasi tinignan kung sino ang t-tumatawag sa akin. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

"Una, tawagin mo akong Tita ok? Wala tayo sa school Sofiera." Natawa ito. "Hindi mo kailangang kabahan, wala kang ginawang mali. I called kasi gusto kitang imbitahan sa bahay ko mamaya. There will be a dinner and I want you to be there."

Napalunok ako.

Dinner with the Giudevaun's? Parang hindi ko yata kaya kasi mayayaman ang mga ito. Nirerespeto, kinatatakutan dahil makapangyarihan sa larangan ng business industry.

May kaya naman kami kaso wala pa rin kumpara sa mga ito. Kaya nga ipinagkakasundo ako sa anak ng kumpare ni Daddy para hindi tuloyang malugi ang kompanya namin. Total ay nakuha ko naman daw ang gusto kong propesyon, oras na raw para tulongan ko naman ang kompanya. Ang kondisyon ay magpakasal ako para ang mapapangasawa ko ang magpatakbo ng negosyo na dapat ay ako.

How insane.

"Hindi po kaya nakakahiya?"

Natawa na naman ito. Iyong tawang mapaglaro na parang may ibig sabihin.

"Dear kapag ako ang nag-imbita sa iyo. There's nothing to be ashamed of. It's just a simple dinner. Gusto ko lang magpasalamat kasi you're doing everything for the students. You're doing great at nagre-reflect iyon sa school natin."

Hindi talaga ako makakatanggi. She's my boss and I highly respect her.

"And don't worry. A-attend din si Mikaela Rielle so kahit papaano may kakilala ka."

Si Mikaela pupunta sa ganoong gathering? Pumayag ito? Ma-pride iyon. Paano napa-oo ni Mrs. Giudevaun? O dahil nahiya rin ito kasi big boss namin and she can't say no? Kami lang ba ang pupunta o invited buong faculty?

"Thank you so much ma'am. Pupunta po ako."

"And no need to drive dear. Ipapasundo kita. I'll see you later."

Iyon lang at namatay na. Magrereklamo sana ako kasi mas komportable pa rin akong magmaneho. But again, sinong niloko ko. They are elites and of course VIP lahat ang nandon kaya ang pagsundo sa bisita ng mga ito ay sigurado akong hindi na bago.

Napabuntong hininga ako bago buksan ang pintuan at pumasok sa loob. Magpapahinga muna ako bago ang dinner na iyon.

I'm still hurt of what happened awhile ago pero isasantabi ko muna si Jazmine. Ayokong makipag-break sa kanya, masakit pero hindi ko rin gustong matali sa isang taong manloloko.

I hate you for breaking my heart Jazmine!


*****


Saktong alas siyete ng sundoin ako ng isang butler. Naiilang ako dahil hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako nagtangkang kausapin ito. May mga bagay akong gustong itanong pero alam kong ang loyalty nito ay nasa big boss nito. Hindi ako aasang sasagutin nito ang kahit anong tanong ko kung sakali at sobrang tahimik rin nito. Medyo may katagalan ang byahe ng sa wakas ay marating namin ang isang mansyon na halos lahat ay salamin.

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now