Chapter 6

2.5K 199 21
                                    

Jazmine Allison

"You brat! Why you showed up like that?" Tanong ni Ate Natalie Luane sa akin. She's the daughter of Tita Snow at kakambal ni Kuya Nathaniel Lance.

Tinignan ko ang suot ko. I am wearing a white new balance sneakers, black short shorts, and black crop top fitted shirt kaya mas lalo pang lumitaw ang kaputian at na-define ang kaseksihan ko habang nakalugay ang buhok kong na-curly pa talaga sa dulo.

"You said gagala tayo?"

Simula kasi ng mahospital ako dahil sa matinding ulcer ay salit-salitan na silang nagyayaya sa aking lumabas at kahit ayaw ko ay hindi ako makatanggi lalo na ngayong si Ate Natalie ang makakasama ko.

She's always busy sa kanyang work pero naglalaan ito sa akin ng oras ngayon. Ayaw ko namang may masabi si Tita Snow lalong lalo na si Tita Natasha. Nahihiya kasi ako sa mga ito.

"Yes so why you showed up like that?" Pinasadahan ako nito ng tingin. I am not conscious dahil confident ako sa katawang meron ako. It's something I can't be ashamed of.

"Sige ayos na iyan. Sexy ka naman. Makakaagaw ka lang ng pansin dahil sa abs mo."

"Tara Ate! Bilhan mo ako ng gusto ko." Hinila ko na ito dahil kilala ko ang pinsan kong ito bilang isang mahinhin. Nagmana kay Tita Natasha pati sa itsura.

"Kumusta naman si Dominique?" Tanong nito sa akin habang papasok kami sa mall.

"Ayos naman Ate. Ayun under kay Ate Mikaela. Ang sungit sungit ng babaeng iyon."

Natawa ito ng mahinhin. Dumiretso kami sa department store.

"Get whatever you want. I'll pay for it."

Si Ate Natalie ay parang si Tita Snow na galante. She's actually twenty nine pero wala pa itong asawa ni syota ay wala rin. I'm wondering kung nasaktan na ba ito dati dahil parang wala itong interes magkaroon ng love life o di kaya ay pihikan ito masyado?

Lahat ng nagugustohan ko at bumabagay sa akin ay kinukuha ko. I usually don't buy stuffs pero minsan lang ito kaya pati si Dominique ay kinuhanan ko na rin kasama na pati si Ate Mikaela.

"Hindi ka naman sabik mag-shopping ano." Natatawang wika ni Ate Natalie. Natawa rin ako.

"Minsan lang naman Ate saka hindi naman sa akin lahat ito."

Nagkibit lang ito. "I'll just go find something for myself." Paalam nito kaya napatango lang ako.

"How dare you?" Kamuntikan kong malaglag ang hawak kong damit ng may magsalita sa likuran ko.

Agad akong napaharap at nakita si Miss Fin kasabay non ang pagbilis ng puso ko. Base sa itsura nito ay hindi ito natutuwa ngayon.

"M-Miss Fin ano pong ginagawa mo rito?" Kabadong tanong ko rito.

"Ikaw anong ginagawa mo dito Jazzy? Magaling ka na ba?" Nag-aalala ang boses nito.

Stop acting like you care Miss Fin.

"Bumibili po ng mga damit."

"How dare you dress like that?" Tinanggal nito ang suot na long sleeve polo na puti at walang pakundangang isinuot sa akin saka binutones.

Napanganga ako. Ha?!

Ito naman ang nakasuot ng fitted na puting shirt pero hindi naman crop top kagaya ko. Aww she's so damn sexy kahit simple lang ang suot nito.

"If you don't care Jazzy well I do."

"Uhm. Salamat Miss Fin."

"You can call me Sofiera. We're not in school."

"Salamat Ate Sofiera."

"Jazzy isa. Sofiera lang walang Ate. Magaling ka na ba? Sinong kasama mo-"

"Jazzy! Are you done baby girl?"

Anong baby girl? Pero ngumiti pa rin ako kay Ate Natalie ng makalapit ito sa akin. Pinaglipat lipat ni Miss Fin ang tingin nito sa amin ni Ate Natalie.

"Ah Miss Fin. This is-"

"I'm her boo, name's Luane." Nanlaki ang mga mata ko sa pakilala ni Ate Natalie rito. She extended her hand at tinanggap naman ito ni Miss Fin habang nakatitig ng matiim rito.

Anong boo?! Bwakang ina.

"I'm Sofiera." Iyon lang at binitawan na nito ang kamay ni Ate Natalie. Hindi ko maintindihan ang ekspresyon sa mukha ni Miss Fin ngayon.

"I actually do have an important meeting right now boo." Baling ni Ate Natalie sa akin. "I'll pay for these things and we can leave already."

"No." Natigilan ako sa sinabi ni Miss Fin. "I mean if you're leaving since may meeting ka. I can roam around with Jazzy for awhile. Don't worry about the clothes. I can pay for it."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi nito. Napangiti naman rito si Ate Natalie.

"Settled then. Please take care of my baby boo." Bumaling ito sa akin saka yumakap para bumulong. "I know she's the woman who broke your heart. Trust me, she likes you Jazzy. I'm leaving so you can have quality time with her." Humalik ito sa pisngi ko at bago umalis ay nagpaalam pa ito kay Miss Fin.

Iiwan talaga ako nito? Paano ako makaka-move on kung ganito? Dapat nilalayo ako rito.

Padabog na kinuha ni Miss Fin ang mga damit na hawak ko. Wala itong imik na nagpunta sa counter para bayaran ito. Ng marealize ko iyon ay agad akong nakalapit rito.

"Miss Fin ako na lang po ang magbabayad niyan hindi na po kailangan-"

"Kapag ako hindi pwede. Kapag si boo pwede?" Teka, bakit ang taray nito ngayon sa akin? Hindi kaya nagseselos ito? Pero sinabi na nitong wala akong aasahan dahil straight ito so why is she acting like a jealous girlfriend right now?

She likes you.

Naipilig ko ang aking ulo ng maalala ang sinabi ni Ate Natalie. Hinayaan ko na lang si Miss Fin na magbayad sa mga damit. Napakagat labi ako ng makitang umabot sa labing walong libo ang binayaran nito. Kasi naman ilang piraso iyon at mahal pa rito dahil branded.

"Ililibre na lang kita ng tanghalian Miss Fin."

"Sofiera." Pagtatama nito.

Tinulongan ko itong buhatin ang ilang paperbags dahil ayaw ko namang buhatin nito lahat iyon. Binigyan lang ako nito ng dalawa dahil baka hindi pa raw ako magaling.

How sweet! Note the sarcasm.

Pero pinapaasa lang ako nito. Wala akong nagawa kundi bumuntong hininga na lang. Pumasok kami sa Texas Roadhouse.

"Order whatever you want. It's on me." Wika ko. I'll consider this as our date.

Ngumiti ito sa akin. "Sure ka Jazzy? I have lots of favorites here."

Tumango lang ako rito. Ng dumating ang waiter ay nag-order ito ng marami. Mukhang gusto nitong tikman lahat ng putahe. Ng makaalis ang waiter ay tinignan ako nito ng seryoso.

"I don't like to see you with her Jazzy."

Kumunot ang noo ko rito. "Bakit naman Miss Fin?"

"I said Sofiera. And why you're asking me that? Sinaktan ka niya diba? Jazzy you don't go after a person who doesn't like you."

Nalilito ko itong tinignan. "I don't get it Sofiera."

"Noong malasing ka. You said you're in love with someone who can't return it. Na natatakot kang ma-reject. And so I assumed nagtapat ka nga sa kaniya at tinanggihan ka kasi alam ko these past few days, na-depressed ka. I care about you Jazzy. Maganda si Luane pero I think she's not the right person for you kung pinapaasa ka lang."

Ilang sandali akong natulala sa sinabi nito bago ko nakuha ang ibig nitong sabihin.







Mahabaging langit!

Desiring Miss Fin (On-Going)Where stories live. Discover now