Chapter 53

695 54 7
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

LUMIPAS ang maghapon at uwian na. Halos wala akong naintindihan sa mga itinuro dahil iniisip ko ang plano ko laban sa Kradus at kay Darcy. Kating-kati na akong sumugod kaya ngayon ay tutungo na ako sa Student Council Office.

Isinukbit ko ang sling bag sa aking balikat saka binalingan si Ryden na kasalukuyang nagsasara ng bag niya. “Samahan mo ako sa Student Council Office, Ryden.”

“Anong gagawin mo roon, Prinsesa Monami?” tanong niya at isinukbit ang bag sa balikat. “Kakausapin mo sina Kuya?”

“Un,” sagot ko at lumapit sa pintuan saka lumabas. “May kailangan lang kaming pag-usapan.”

Sumunod naman siya sa‘kin at siya na ang nagsara ng pintuan ng klase. “Tungkol sa paghihiganti mo?”

Napa-poker face na lang ako. Tumpak. Kung nandito pa sana si Cryton ay siya na lang ang isasama ko kaso pinatawag siya ni Albert Einstein. Si Khyler, Brecken, at Huxile naman ay nagtungo sa library para sa assignment na ibinigay sa kanila ng aming maestro sa Matematika.

“Sasamahan mo ba ako o ano?”

“Sasamahan,” sagot niya at nagpatiuna sa paglakad. Sumunod na lang ako. “Sigurado ka na bang gaganti ka, Prinsesa Monami?”

“Oo. Higit pa sa sigurado.”

“Pero, Prinsesa Monami, hindi maganda ang paghihiganti,” aniya at bigla na lang huminto sa paglakad saka ako nilingon. “Hahantong sa walang katapusang gantihan ang lahat.”

“Ryden, paano kung patayin ko ang mga mamamayan ng Caractus at ang mga natirang ligtas ay tatlumpong porsyento na lang? Tapos patayin ko ang mga magulang mo. Anong gagawin mo? Hahayaan mo lang ako na malayang gumagala?” seryosong tanong ko sa kaniya na ikinatikom ng kaniyang labi at mataman akong tiningnan sa mata. “Hahayaan mo lang ba ako na magpakasaya sa buhay habang ang mga mamamayan mo ay naghihinagpis sa sakit? Tatahimik ka na lang ba at magpapatuloy sa buhay mo na parang walang nangyari? Anong gagawin mo, Prinsipe Ryden?”

Umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. “Hangga’t maaari ay hindi ako gaganti…”

Pagak akong tumawa sa sagot niya. Hipokrito. “Hindi ibig sabihin na liwanag ang kapangyarihan ng isang tao ay mabuti na siya o kailangan niyang manatiling mabuti. Walang liwa-liwanag kung kinakain ka na ng puot at sakit, Ryden. Uso maging praktikal,” sambit ko at nilagpasan na siya. “Magtatanong-tanong na lang ako kung nasaan ang Student Council Office. Paalam.” Iniwan ko na siya at tinahak ang daan pababa ng hagdan.

Sa totoo lang ay alam ko naman kung saan ang Student Council Office dahil nasabi na sa akin dati ni Niah kung saan ‘yon. Gusto ko lang makausap at malaman ang mindset ng isang taong nakatadhana sa‘kin. Oo, isa si Ryden.

Tch, ang bobo ng Veol na ‘yon. Ayoko sa santo-santohan. Mga sakit sa ulo lang. Bata pa talaga si Ryden. Bata pa talaga ang mga nakakasalamuha ko kaya parang ang kitid pa ng mga mindset.

At bata pa itong kinalalagakan kong katawan kaya saka na ang putanginang lovelife na ‘yan.

──────⊹⊱✫⊰⊹──────

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz