Chapter 70

386 24 0
                                    

A/N: Hi, Raindeers! Long time no update hehe. I’m sorry for the long wait! Today, I’ll update 5 chapters para makabawi. I miss you all!

Enjoy reading! ❣

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬

𝗖𝗿𝘆𝘁𝗼𝗻’𝘀 𝗣𝗢𝗩

WHAT THE… Fuck! Anong ginagawa ko rito sa Akademya?

Nakabusangot akong tumayo mula sa isang bench dito sa garden ng Akademya nang maisip kong anong sagot sa tanong ko. For the third time, ginamitan niya na naman ako ng mahika niya! That brat Cherry! Tsk.

Inis akong naglakad tungo sa opisina ni Lolo at kumatok ng dalawang beses sa pintuan. “‘Lo! Patambay!” sigaw ko. Ilang saglit lang ay bumukas rin ang pinto kaya pumasok na ako. “Kumusta, ‘Lo?” bati ko at sumalampak sa sofa.

“Unang-una, Fudiere, hindi tambayan ang aking opisina kaya huwag kang magtungo rito kung ikaw ay tatambay lamang. Pangalawa, ako dapat ang nangungumusta. Anong nangyari sa inyong biyahe at nakabalik ka agad? Akala ko ba ay magtatagal ka roon?” aniya na mas ikinasimangot ko.

“Si Cherry kasi, ‘Lo, ginamitan ako ng mahika niya,” sagot ko at nakangusong niyakap ang throw pillow ng sofa.

“Hay naku! Paniguradong kasalanan mo rin.” Umungot na lang ako sa sinabi niya.

Si Cherry ang nauna e! Kung hindi lang siya tsismosa at itsi-tsismis ako kay Monami ay hindi ko naman siya sasawayin! Bakit kasi sasabihin niya pa na nag-away kami ni Khyler? Tch!

Tatlong katok ang nagpalingon sa‘min ni Lolo sa pintuan. Ah, ‘yong Student Council Officers.

“Magandang umaga, Punong Maestro, at sa iyo, Cryton!” bati ni Niah na siyang naunang pumasok at katabi niya si Eice. Nakasunod naman sa kanila sina Winter, Kal-el, Greta, at Yahiko na may dalang tig-dalawang mga lalaking estudiyante.

Pfft… Mga naka-xenomia. “Magandang umaga rin sa inyo,” bati ko pabalik at nginitian sila.

Pumunta si Niah at Eice sa harap ni Lolo habang sina Winter at ang iba na hila-hila ang mga nakagapos na lalaki ay nagtungo sa kuwarto na pinagkukulungan ni Lolo ng mga xenomia user. Ang kulungan ni Lolo ay isang infinite dark storage kung saan hindi gumagana ang elemento, skills, at mahika.

Good luck sa kanila. Dalawang araw sila roon bago makalabas uli para interogahin.

“Sa linggong ito, kami ay nakahuli na ng tatlumpung mga estudiyante, Punong Maestro. At… karamihan sa kanila ay mga Primarya… Labingpitong Primarya, pitong Secondarya, tatlong Tertiarya, at ganoon rin sa Losenya,” pag-report ni Eice habang nakatingin sa hawak niyang notebook.

“Punong Maestro, hindi ito maganda sa reputasyon ng ating paaralan… at sa ating koneksiyon sa mga kaharian ng mga estudiyanteng ito. Ano na ang ating gagawin?” ani Niah.

“Nasaan na ba si Prinsipe Ryder? Nalaman niyo na ba ang lugar na tinutukoy noong tatlong umamin na estudiyante?” ang tanong ni Lolo.

“Inimbestigahan na nila ito kahapon ngunit wala raw silang natagpuan na ganoong lugar,” ang sagot ni Greta na kalalabas lang sa pinagkukulungang kuwarto. “Pero nakipagtulungan na sila sa mga kawal ng empiryo, Punong Maestro. Ang kailangan nating gawin ay pigain ang mga patapong estudiyante na iyon.”

“Hindi pa sila patapon, Prinsesa Greta. Tagumpay nang nabuo ng laboratoryo ng Crystal Tower ang lunas kontra sa xenomia. Sa mga susunod na linggo ay maihahatid na rito ang unang pagbahagi ng gamot,” sagot ni Lolo.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now