Chapter 61

679 45 6
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗢𝗡𝗘

𝗞𝗮𝗿𝗱’𝘀 𝗣𝗢𝗩

ILANG oras na ang lumipas ng makaalis ang iilang Secondarya na sumali sa trip patungong Vlainus. Kasama kaming mga kawani ng Student Council sa paghatid sa kanila kaninang umaga sa daungang Bico. Mahirap na hayaan lang sila dahil sa pagtaas ng kaso ng xenomia at krimen sa buong kontinente ng Champion.

Kanina noong bago kami palitan ng mga kawal sa pagbabantay sa mga Secondarya at makabalik dito sa akademya ay kinausap ako ni Monami. Sinabi niya ang pagtataksil nina Marcos at Viachain, ang pagkakabihag ni Darcy sa kapatid at mga magulang nila, at ang napansin niyang mali sa kantina. Natuwa ako dahil kinausap niya na akong muli ngunit nawala rin iyon agad noong talikuran niya ako at lumapit siya kina prinsipe Elixir, Cryton, at iba pa.

Pighati.

At ngayong hapunan, kaming mga kawani ng Student Council ay narito sa kantina upang magpulong habang kumakain. Hinihintay na lamang namin sina Viachain, Marcos, Winter, at Kal-el na napag-utusan ng punong maestro na magtungo sa kaniyang opisina pagkat may gawain itong ibibigay sa kanila.

“Oi, Kard!” bigla ay tawag sa akin ni Eice na ikinatingin ko sa kaniya. Nasa tabi na naman siya ni Niah at nakakapit rito na animo’y isang butiki habang pasimpleng kumukuha ng pagkain sa mesa. “Para saan nga uli ang pagpupulong na ‘to? Saka, puwede na bang kumain? Gutom na ako e,” aniya at pumuslit na naman ng pagkain sa mesa saka iyon kinain.

Pumitik ako ng dalawang beses upang pagapangin ang aking anino sa paligid ng aming mesa. Dahil dito ay hindi na kami maririnig ng mga estudiyante na hindi sakop ng aking anino. “Magpupulong tayo patungkol sa mga kaso ng xenomia dito sa ating akademya dahil pataas na ng pataas ang mga reklamo. Gayundin ang mga reklamo patungkol sa mga estudiyanteng basta-basta na lang nang-aataki ng kaniyang kapwa gayong hindi naman oras ng PCE,” sagot ko at matalim siyang tiningnan. “Tigilan mo iyang pagpuslit mo ng pagkain diyan dahil hindi pa maaaring kumain. Wala pa ang iba. Huwag kang bastos, Eice.”

“Madamot. Gutom na ako e,” bulong niya at yumakap na lang kay Niah na nakikipag-usap naman kay Greta. Napailing na lang ako. Parang bata.

“Magiging ayos lang kaya sina Monami sa biyahe? Sa pagkakaalam ko, isang linggo raw ang biyahe patungong Vlainus. Baka magkaabirya,” rinig kong wika ni Lancelot na panay ang laro sa buhok ni Calciara.

“Sana nga magkaabirya,” wika ni Calciara kaya ginawaran siya ng masamang tingin ni Niah. “Biro lang! Kalma ka lang, Niah.”

“Pero, seryoso, hindi imposibleng magkaabirya dahil marami silang maaaring makaharap,” ani Amalia at naglabas ng isang mapa saka pinalutang sa ere. “Madadaanan nila ang karagatan ng Ecioley, ang Endorsea, kung saan ay mayroong daan-daang mga bato ng yelo ang nagkalat sa dagat at mayroon pang mga higanteng halimaw roon. Madadaanan din nila ang pulang karagatan ng aming kaharian, ng Notoria, at huli ay ang karagatang apoy ng Vlainus kung saan raw nananahan ang mga demonyong sirena at tsokoy at mga mababangis na uri ng kurōgonar,” dugtong niya.

“Diyan sa pulang karagatan ng aming kaharian ay napakahirap at napakabagal umusad ng pangkaragatang transportasyon pagkat malapot ang tubig at parang nilalamon nito palubog ang mga sasakyan,” aniya pa.

“Parang ang hirap ngang bumiyahe patungo roon,” sabi ni Ryder habang nakatingin sa nakalutang na mapa.

“Heh! Pinagtutulungan niyo lang akong lokohin e para mag-alala ako!” sigaw ni Niah at nilingon si Eice. “Totoo bang ganoon ang karagatan sa inyo, Mahal? Huwag kang magsinungaling sa akin!”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now