Chapter 73

315 24 0
                                    

A/N: I'll be using the female lead’s name na ‘Czianciera’ every time na nasa demon form siya. Sana hindi kayo malito hehe.

Enjoy reading!

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘

𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩

“KUNG gano’n, Ama, maari ko bang makausap si Diablo?” makapal ang mukhang tanong ko. The opportunities are being laid down in front of me, hindi ko pa ba susunggaban? Ang dami kong tanong and only that Diablo could answer it all.

Nakita kong ngumiti si Ezekiel at lumapit sa oval-shaped mirror na nasa tabi ng isang painting na nasa likurang bahagi ng inupuan niyang sofa. “Walang problema, Anak,” tugon niya. Hinawakan niya ang black frame nito at mula sa kamay niya ay may lumabas na kulay violet na apoy. Mabilis na lumiyab ang frame ng salamin pero mukhang hindi naman ito nasusunog dahil intact pa rin ang salamin, walang bakas ng crack. “Ama, gusto kang makausap ng iyong apo’ng si Czianciera.”

Kumalat ang apoy at maging ang mismong salamin ay nagliliyab na rin pero kulay itim ang apoy roon habang lila pa rin ang sa frame. Isang tikhim ang nagmula sa salamin kaya natuon doon ang pandinig ko. “Welp, this is a shock. Hindi ko ine-expect na mag-uusap agad tayo sa loob lang ng tatlong buwan. You really amaze me, Czianciera.”

Pinagsasabi ng Diyos na ‘to? “Anong ‘lang’? I’ve been dying to talk to you,” sagot ko at tiningnan si Ezekiel at Elixir. “Puwedeng iwan niyo muna kami? Gotta talk to this God alo—”

“No need for that, sweetie. I’ll take you from there. Mukhang gustong-gusto mo talaga akong makausap ng masinsinan,” putol ni Diablo sa sinasabi ko. “Touch the fire.”

Gustong-gusto makausap, huh? Yeah, usap featuring sapak.

I didn’t waste any second at tumayo na saka lumapit sa salamin. I touched the mirror and then after a second, I notice my background warping. Nagte-teleport ako?

“You can say it like that but not really. You are currently transversing to our place…” sagot ni Diablo. Dumagundong ang boses niya sa paligid, sobrang authority ang maririnig sa boses niya.

The warping took less than five minutes to stop at mag-stable ang paligid. Nang um-okay na ang background ko, I just saw my self throwing up all the foods na kinain ko sa restaurant na kinainan namin kanina.

Shutaaa! Motion sick!!! BLEEEERGHH!

“Take your time. Unang beses mo pa lang siguro mag-transverse.”

Nahinto ako sa pagsuka nang marinig ang boses ni Diablo. Medyo nagbago ‘yong tono pero I can still recognize whose voice it is. Ang lapit rin ng boses na parang…

Pinunasan ko ang labi ko at lumingon sa likuran ko. There I saw a demon with fair white skin at itim na itim na mga mata. He has two horns in both sides of his temple. Bale apat ang sungay niya which a pair is consisted of a long and short horns. He has long wavy hair na may kulay na mix purple and black which somewhat looks like a night sky dahil may mga small hair accesories siya na kumikinang na parang stars. And his face… Men would be jealous of that godly face.

Bumaba ang tingin ko sa suot niya. He’s wearing a black robe na yari sa I-don’t-know-kung-anong tila but it caught my attention. Puno ito ng amethyst at onyx na nagkalat sa robe, may glitters din. It looks very expensive at… tingin ko ay malaki ang bentahan ng ganiyang design sa fashion industry.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now