Chapter 60

621 44 1
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

NANG makababa sa tiyan ng kurōgonar —sabi ni Elixir ‘yan ang tawag sa hayop na inaapakan namin ngayon— ay tumambad kaagad sa amin ang napakahaba at napakalapad na mesa kung saan may iba’t ibang klase ng pagkain ang nakahain. Agad na nagtakbuhan ang ibang mga estudiyante sa mesa noong sabihin ng sundo naming si Roma na para sa amin ang mga nakahaing pagkain.

Dahil hindi pa ako gutom ay lumapit ako kay Elixir na kasalukuyang nakikipag-usap kay Roma. Natigil sila sa pag-uusap nang mapansin nila ako. “Saan ang kuwarto ko?” tanong ko habang nakaturo sa mga pintuan sa kanang bahagi nitong lobby na mukhang sala. “Gusto ko ng humilata sa kama.”

“Ah, bago ko malimutan. Bawat kuwarto ay tatlong tao ang dapat umukopa. Labingdalawa lamang ang kuwarto rito kaya pagpasensiyahan niyo na,” ani Roma na kamot-ulong nagsalita. Shy. “Dapat rin ay hiwalay ang babae‘t lalaki upang maiwasan ang tukso.”

Bumaling ako sa mga estudiyanteng nakinig kay Roma habang kumakain. “Sinong sasama sa‘kin sa isang kuwarto? Dalawang babae,” sabi ko at humalukipkip. “Mas mabuti kung wala pero kailangan.”

“Prinsesa Monami!” tawag sa‘kin ni Christlyn kaya lumipat sa kaniya ang tingin ko. Hawak nila ni Cherry ang mga kamay nina Masha at Nariah na nakataas. “Sila ang magiging mga ka-kuwarto mo!”

Tiningnan ko ang magkapatid at nakaiwas lang sila ng tingin. Silang dalawa at si Nomrad ay sumama kaya nandito rin sila. Napaismid na lang ako. “Gugustuhin ko na lang na ma-grupo sa mga lalaki,” sambit ko at pumasok sa isang kuwarto saka sinara ang pintuan.

Inilapag ko ang infinite storage sling bag, na bigay ni Winter, sa couch saka pasalampak na humiga sa kama.

Anong plano ng magkapatid na ‘yon? Gusto ba nilang ayusin ang relasyon nila kay Monami? Tulad ng ginagawa ni Niah? Ha, asa!

Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. ‘Appraise?’ pagtawag ko kay Appraise. May mga tanong ako sa kaniya.

‘Bakit?’

Sa wakas, sumagot din siya! ‘Bakit ngayon ka lang?!’

‘Anong bakit ngayon lang ako? Ngayon mo lamang ako tinawag.’

What the fuck? ‘Anong ngayon lang? E ilang beses nga kitang tinawag noong kaarawan ko!’

‘Kailan ‘yon?’

What the fuck talaga. Anong kailan ‘yon? ‘Noong huwebes!’

‘Hindi ba sh-in-ut down mo ang system ko nang araw na ‘yon?’

‘Kaya ko ba ‘yon?! Saka anong system?!’

‘Ang ibig kong sabihin ay… naka-shut down ang connection ko sa‘yo. Hindi ba ikaw ang gumawa n‘on?’ tanong niya na ikinairita ko.

‘Hindi ko nga kayang makipag-usap through telepathy kapag ako lang, paano pa kaya ang pag-shut down ng connection mo sa‘kin?’

‘Kung ganoon ay may humarang sa koneksiyon ko sa‘yo. Ano bang nangyari noong huwebes?’

‘Naging demonyo ako, literal.’

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now