Chapter 77

381 17 4
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡

𝗞𝗵𝘆𝗹𝗲𝗿’𝘀 𝗣𝗢𝗩

ILANG minuto na ang lumipas nang makasakay kami ng karwahe at magsimula ang aming biyahe tungo sa Kagubatan ng Alforah. Kanina pa kami tahimik at nakatanaw lang sa magagandang tanawin sa labas ng bintana, habang nakikiramdam kay Monami o Czianciera na hawak lamang ang cellphone niya.

Nakakaaliw pagmasdan ang mga nagliliitang establishimento mula rito sa himpapawid. Ang mga kabundukan sa labas ng siyudad ay nababalot ng mga puno na may kulay pulang dahon at mga halaman. Nakakapanibago ito dahil kulay berde ang dahon ng mga puno at halaman sa Caractus. Ang mga tubig rin sa sapa at ilog ay kulay lila at kumikinang dahil sa araw na kakaangat lamang sa langit.

Kakaiba ang tanawin dito sa Kaharian ng Vlainus at maganda. Malinis at organisado. Napakalayo sa mga artikulo na inilalathala sa Hilaga.

“Paalala ko lamang…” Awtomatikong napatingin ako kay Christlyn nang siya ay magsalita sa isip ko o namin. “…narito tayo para masaksihan ang paligsahan na gaganapin mamaya ayon sa utos ng punong maestro. Ang bantayan ang Prinsesa Monami, ang kaniyang bawat galaw, ayon kay Prinsipe Kard.”

“Hindi namin nakakalimutan,” sagot namin.

Tumuwid ako ng upo at sumulyap kay Monami. “Basta ako ng bahala kay Arogante. Abalahin niyo na lang ang inyong mga sarili sa paligsahan.”  Sinang-ayunan naman nila ako.

“Basta hindi tayo mapalayo sa plano natin ay wala tayong magiging problema,” ani Christlyn at itinigil na ang mind-linking.

Saglit na namayani muli ang katahimikan sa buong karwahe nang biglaan na lamang sumigaw  si Cherry.

“Kyaaah! Sabik na akong masaksihan ang paligsahan mamaya! Marami kaya ang magagandang lalaki roon? Ihh, sana~!” aniya at niyugyog si Mona—Czianciera. “Sa tingin mo ano'ng naroroon, Binibining Ciera?”

Mula sa hawak na cellphone ay tumingin si Czianciera kay Cherry at ngumisi. “Mga lalaki at… atensyon,” simpleng sagot niya at itinutok uli ang tingin sa cellphone.

Nagkatinginan kaming lima at sabay-sabay na pinasadahan ng tingin ang babaeng arogante… Ang tanging masasabi ko lang ay panigurado. Paniguradong maraming atensyon ang makukuha niya.

──────⊹⊱✫⊰⊹──────

“NARITO na tayo, mga prinsesa’t prinsipe!” anunsiyo ng kutsero nang makalapag ang karwahe sa lupa.

Bumukas ang pintuan ng karwahe at naunang lumabas si Monami, sumunod ay kami. Bumungad sa amin ang humigit-kumulang limampung demonyo na nakatingin sa amin o tamang sabihin, kay Czianciera. Lahat sila ay manghang nakatingin sa kaniya, lalo na ang mga kalalakihan.

Bale, nasa párang kami kung nasaan ay may mga nakatayong tolda at mga karwahe na nakahilera sa isang tabi. Ang sinakyan naming karwahe ay pumparada na rin roon.

Sa harap namin ay ang mga nakahilirang aristokrata na nahahati sa dalawang grupo. Mayroong tig-limang mahahabang mesa kung saan sila nakapuwesto. Sa pagitan nila ay mayroong kulay lila na carpet kung saan ay nakalatag patungo sa isang entablado. Doon ay mayroong isang mahabang mesa na gawa sa pilak at lilang diyamante, at sampung upuan na nakaterno ang disenyo rito.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now