Chapter 62

549 39 1
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗧𝗪𝗢

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

LUMIPAS ang hapunan ay nagsibalikan na rin kami sa sari-sarili naming kuwarto. Busog na busog ako, ang sarap ng mga pagkain. I wonder kung cuisine ‘yon ng Vlainus, gusto kong matutunan. But let’s not think about that for now. May kailangan pa akong klaruhin mula kay Elixir.

Kinuha ko ang phone ko mula sa‘king sling bag na nakasabit sa headboard ng kama at pabagsak na dumapa sa kama habang nakatingin kay Elixir. Ang kolokoy ay nakaupo sa bintana habang nakamasid sa labas. Kunting tulak lang sa kaniya ay puwede na siyang mahulog. “Oi, dumito ka nga. May mga tanong ako,” tawag ko sa kaniya.

“Itanong mo na lang. Masaya dito e, mahangin,” dahilan niya at mayamaya ay kumunot ang mga noo niya. “…May mga tanong ka na naman?! Gaano ba karami ‘yang mga tanong mo? Wala ba ‘yang katapusan?”

Hindi ko rin mapigilan ang mapakunot ng noo. “Sobrang dami. Paano ba kasi, kapag nagtatanong ako ay may susulpot na namang mga tanong! Minsan, ah mali, madalas pa’y wala akong nakukuhang sagot kaya tambak ng tambak ang mga tanong,” sagot ko at marahas na bumuntong-hininga. “…Kaya magtatanong na naman ako para makakuha ng mga sagot.”

“Mukha ba akong source ng mga sagot, Monami?” malamig na tanong niya at nagsalita uli. “Paano kung mali pala ang sagot ko? Baka bugbugin mo pa ako.”

“Mabubugbog kita kapag ganiyan kang puro reklamo,” sagot ko at nginitian siya ng mapagbanta. “Ano? Sasagutin mo ba ang mga tanong ko o bubugbugin kita hanggang sa sumagot ka?”

“Sasagot na nga e… Ano ba ‘yang mga tanong mo?” tanong niya at bumaba na mula sa bintana saka naupo sa couch.

Marahas akong bumuntong-hininga at seryoso siyang tiningnan. “Tinulungan niyo ba si Darcy sa pagsugod niya sa Ciera Monstra dalawang buwan na ang nakararaan?”

“Oo. Nagpatulong siya e,” kasuwal na sagot niya. Agad ko namang itinipa sa notes ko ang sagot niya.

“Paano niyo siya tinulungan? Nagpadala ba kayo ng inyong hukbong sandatahan?”

“Oo.”

“Ilan?”

“Dalawang libong kawal at limang gaero.”

Dalawang libong kawal, huh? Dalawang libong buhay ang kukunin ko pagdating sa Vlainus. “Ano ang gaero?”

“Hmm… Baka dragon. Dragon yata ang tawag niyong mga taga-Earth sa kanila,” kibit-balikat na sagot niya at humalukipkip. “Bakit mo ba tinatanong? Hindi mo naman siguro planong patayin ang mga tao namin, ano?”

“Tao? Baka demonyo,” pagtatama ko at umupo na lang saka sumandal sa headboard. “May tanong pa ako. Bakit niyo tinulungan si Darcy na sumugod sa Ciera Monstra? Anong napala niyo?”

“Tinulungan namin siya dahil humingi siya ng tulong. Bilang isang kaibigan o kaalyansa ay kailangan namin siyang tulungan. Ang napala namin ay… ewan. Hindi ko alam kay Ama.”

“Okay,” tugon ko at tinapos na ang notes ko saka in-off ang cellphone. Inilapag ko ito sa mesang nasa gilid ng kama ko at humiga na. “Matulog na tayo. Good night,” sabi ko at nagtalukbong na ng kumot.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now