Chapter 74

477 28 6
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗙𝗢𝗨𝗥

𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩

ISANG oras na ang lumipas matapos kong makabalik sa opisina ni Ezekiel mula sa Gods’ Realm. Bago ako bumalik, I met Veol and I personally told her to leave my love interest blank na sinunod niya naman matapos akong back up-an ni Diablo. I also met a girl, si Monami mismo. She told me things pero wala akong matandaan. Maybe because I didn’t want to remember them.

Ngayon, nandito ako sa bathroom ng kuwarto ko at nakababad sa bathtub while two maids are in here. ‘Yong isa ay nililinis ang mahabang violet na buhok ko with a shampoo na may mabangong fragrance. Ang isa naman ay nag-iiscrub ng braso ko.

These two maids are Larah and Amirah na parehong 20-years old. Magpinsan sila. Pareho silang may firey orange na mga mata but a different color of hair. Larah has coral-colored hair while kay Amirah ay peach-colored hair. Larah have frickles on her face, a pointed nose, a tall figure with slim body, and brown complexure. While Amirah have white complexure and a short figure, a nose that isn’t that pointy, and a slim body too. Pareho silang maganda ang physical appearance but… they’re attitude are quite something.

Pareho silang madaldal. Si Amirah ay kuwento ng kuwento habang si Larah ay tanong ng tanong. They use honorifics pero magaspang sila makipag-usap. They don’t have that malambing voice na katulad sa mga maid ko sa Ciera Monstra ngayon. They don’t sweet talk at vulgar sila magsalita.

Tulad ngayon, nagkukuwento si Amirah tungkol kay Elixir. “Kaya nga noong mahuli naming nakikipagtalik siya sa mga lalaking tagapagsilbi ay muntik na kaming gilitan ng leeg! Mabuti na lang ay kamag-anak namin iyong dalawang lalaking katalik niya at napakiusapan namin! Pero kahit pinagbabantaan na kami noon ni Prinsipe Elixir, nakatuon lang ako sa napakahaaaba niyang pagkalalaki…!” Sa tono niya ay tunog tsismosa sa kanto na mahilig maki-epal sa buhay ng iba. “Sayang nga lang at lalaki ang gusto ng prinsipe… Ano kaya kung…gapangin ko siya?”

Nagpatuloy sa pagsasalita si Amirah na kasalukuyan ng  inii-scrub ang binti ko. Ako naman ay hindi na nakinig pa dahil may importanteng impormasyon na akong nakuha. Minsan, may silbi din ang mga tsismosa…

Anyway, I never thought that Elixir would be a gay. Napakalalaki niya manamit, magsalita, at gumalaw. Sayang lahi. Pero, ayos lang ba ‘yon? Normal ba dito sa Timog ang same sex kineme? Kung oo, aba’y napaka-modern na dito kumpara sa Hilaga. Hindi na nalalayo ang issue sa Earth.

“Binibining Czianciera, anak ka ba sa labas ng Haring Ezekiel? Kahawig mo ang prinsipe ngunit iba ang kulay ng iyong mga mata. Hindi ito katulad sa hari o sa namayapang reyna,” ani Larah na inii-scrub naman ang likuran ko.

Me—being Ezekiel’s daughter—is already known by maids dahil kaninang pagdating namin dito sa palasyo ay pasigaw kong tinawag na ‘ama’ ang hari. Tho, they’re yet allowed to call me ‘prinsesa’ dahil hindi pa ako officially na naipakikilala sa mamamayan ng Vlainus.

Pero… seryoso ba talaga sila? Ang tapang naman ng dalawang ‘to to talk to me relating sa ‘pamilya’ ko. …I need to do some adjustment kung ganito ka usisera at straight forward ang mga katulong rito.

Huminga ako ng malalim. “Anak ako ni Ama sa isa niyang babae, oo. E ano ngayon? Ama ko pa rin siya kaya kapatid ko pa rin ang susunod na hari ng Vlainus.” Tumayo na ako at nagtungo sa ilalim ng shower para magbanlaw. “Ilang oras na lang din ay ipoproklama na akong prinsesa. Kaya kunin niyo ang loob ko para maging permanente ko kayong tagapagsilbi.”

Nabanggit ni Ezekiel kanina na ipakikilala niya ako sa mamamayan niya sa araw mismo ng piyesta. It’s not detailed tho, kaya may mga chance ako na maglaro. A game that’ll be very beneficial for my plans.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now