Chapter 65

498 37 3
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗙𝗜𝗩𝗘

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝘾𝙯𝙞𝙖𝙣𝙘𝙞𝙚𝙧𝙖]

ISANG oras na ang nakalilipas nang magamot ang magkakabarkadang Ryden, at si Elixir. Ilang minuto na ring nakalubog ang araw at dumilim ang paligid gayong ala-singko pa lamang. Ngayon, lahat kami ay naririto sa pampang at nakapaligid sa bon fire na ginawa ng ibang Secondarya habang naghihintay na matapos sa paghahanda ng pagkain ang maids at butlers na nasa loob ng kurōgonar.

Kasalukuyan akong nakaupo sa buhanginan ngayon at katapat ang malaking apoy na nagsilbing warmer namin sa malamig na hihip ng hangin. Sa kabila naman ng apoy na ‘to, kasalungat sa‘kin, ay nakaupo ang anim na kolokoy na may pakana sa nangyari kanina. Tahimik lang ang mga ito habang pilit na iniiwasan ang nangigigil kong tingin sa kanila.

Mga depungal, akala mo kung sinong mga behave na bata, tsk.

“Trixie,” tawag ko kay Trixie na nasa gilid ko at naglalaro ng buhangin habang pasimpleng nakaantabay sa magiging kilos ko. Mukhang alerto siya at baka masugod ko si Elixir. Psh.

“Bakit, Prinsesa Monami?”

“Para saan ‘yong kanina?”

Natigil siya sa paglaro ng buhangin at sinulyapan si Elixir na nakatulala lang. “Iyong kanina po ay… pagsusulit ni Kuya sa iyo… Sinusubukan rin niya kung ano ang kaya mo, Prinsesa Monami…”

Kung anong kaya ko? “Pff… PUAHAHAHAHA! Anong kaya ko? HAHAHAHAHA!… Haha… ha… ha…!” pasimple kong pinalis ang tubig na sumilip sa mga mata ko dahil sa labis na pagtawa. Ibinaling ko ang tingin kay Cryton na kausap sina Huxile at Brecken. “Puwes, dapat ay tinanong niya si Cryton o ‘di kaya ang lolo niya dahil alam nila ang kaya kong gawin. ‘Yong kanina? Tuldok lang ‘yon sa kaya kong gawin.”

Ilong ko lang kasi ang nadaplisan at may gamot ako para walang maiwang peklat kaya daplis lang rin sa tagiliran ang bawi ko. Pero kung malala ang sugat ko at may maiiwan pang peklat, magdasal na sila sa lahat ng kilala nilang mga Diyos dahil… mag-iiwan ako ng daang peklat sa katawan nila.

“D-dapat na ba akong magtago, P-Prinsesa Monami…?” mayamaya ay tanong niya matapos matahimik ng ilang saglit. Pansin kong dumistansiya siya at nanginginig ang mga kamay— na agad niya ring tinago nang makitang nakatingin ako roon. Bakas rin ang takot sa mga mata niya. “Kasabwat rin ako e…”

“Wala ka namang ginawa sa‘kin kaya hindi mo kailangang magtag— Ah! …Tingin ko’y kailangan nga,” sabi ko at naniningkit ang mga matang sinalubong ang sa kaniya nang may maalala. “Kailangan mo ng magtago dahil sa pagbulabog mo sa tulog ko kanina, Trixie. Galingan mo sa pagtago dahil kapag nahuli kita ay… igagaya kita sa babaeng nasa panagini—!” At bigla siyang naglaho before I could even finish my words. I was just kidding, bastos…

Ibinalik ko ang tingin sa apoy na nasa harap ko at tahimik itong pinagmasdan habang nag-iisip. Kung pagsubok lang ‘yon, para saan? Sinusubukan niya ba ang kakayanan ko? Bakit? Para saan? Agh, mga tanong na naman!

Inis akong tumayo at umikot papunta kay Elixir na hindi ako napansin at lutang. Sa sobrang lutang niya ay hindi niya napansin na pinaalis ko ang katabi niyang babae at ako ang umupo roon. “Oi,” tawag ko sa kaniya at pinisil ang tagiliran niyang nadaplisan ng bala kanina. Napadaing naman siya sa sakit at galit akong tiningnan na kalaunan ay naging gulat. “Para saan ‘yong kanina? At bakit?”

Saglit siyang tumunganga, animo’y dinadigest ang sinabi ko, at nagsalita. “Para malaman ko kung ano ang estilo mo sa pakikipaglaban. Dahil gusto kong malaman kung paano nakikipaglaban ang isang tulad mo sa ganoong klase ng sitwasyon.”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin