Chapter 63

630 49 11
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗜𝗫𝗧𝗬-𝗧𝗛𝗥𝗘𝗘

𝗠𝗮𝘀𝗵𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩

NANG tuluyan kaming makabalik sa sala ay napansin kong natulog muli si Monami at mukha itong walang pakialam sa paligid niya. Gustong-gusto ko siyang awayin dahil sa ginawa niya kay Ate Nariah at pambabastos na rin sa aming mga pamilya niya. Pero pakiramdam ko ay ako lang din ang matatalo. Hindi tulad noon na tahimik lamang siya at hindi lumalaban kapag siya ay aming inaapi, ngayon ay marami na siyang pambawi at talagang pumapalag na. Napakalayo niya na sa Monami'ng kilala ko tatlong buwan na ang nakaraan.

Si Monami pa ba talaga siya na kapatid namin? Para na siyang ibang tao kung umasta gayong namatay lang naman siya at nabuhay muli. At iyong nangyari noong kaarawan niya, bakit nag-iba ang kaniyang anyo? Bakit siya ay naging isang demonyo? Hindi kaya siya ay hindi na si Monami kung hindi ay isang demonyo na nagbalat-kayo bilang siya? Base sa kaniyang mga ikinilos noong siya ay nabuhay muli ay posible ito. Siguro ay hindi talaga ang panginoong Zabron ang bumuhay kay Monami kung hindi ay ang panginoong Diablo. At pinalitan niya ng demonyo si Monami.

Lumipat ang tingin ko kay Prinsipe Elixir at Prinsesa Trixie noong umupo sila sa magkabilang gilid ni Monami. Sinubukan nila itong gisingin pero ayaw niyong magising.

Hindi kaya… Tama nga ako! Isa talagang demonyo na nagbalat-kayong si Monami ang inaakala naming kapatid namin! Kaya pala palagi siyang nakadikit sa magkapatid na Naivl nitong mga nagdaang araw… Ha! Maghintay kang demonyo ka, kukumprontahin kita!

“Masha, bumalik na tayo sa ating silid,” aya ni Ate Nariah at matamlay akong hinila pabalik sa aming silid.

Nang makapasok ay ako na ang nagsara ng pintuan saka ako umupo sa aking kama. Si Ate Nariah naman ay nahiga sa kaniyang kama habang si Kuya Nomrad na nauna sa amin ay nakaupo na sa upuang de-kutson. Tahimik lamang kaming tatlo pero mayamaya ay nagsalita si Ate Nariah na aking ikinatuwa.

“May sulat akong natanggap kahapon bago tayo makaalis sa Bico at mula iyon kay Ina,” panimula na. Nakapikit ang kaniyang mga mata habang hinihilot ang kaniyang magkabilang sentido. “Alam niyo ba kung anong laman ng sulat?”

“Malamang ay hindi, Nariah. Huwag mo kaming bitinin!” naiiritang sagot ni Kuya at binato pa ng unan si Ate mula sa kinauupuan niya. Pero tumalsik lamang ang unan pabalik sa kaniya na ikinamura niya.

Alam niya namang may Reflexive Skill si Ate, babatuhin niya ng unan. Minsan napapaisip tuloy ako kung may sa tanga lang ba siya o ano e.

“Ano ba ang laman ng sulat?” balik-tanong ko.

“Patungkol ito kay Monami at… sa kaniyang pagkatao,” sagot niya na ikinakunot ng aking noo. Kaniyang pagkatao? “Si Monami ay hindi natin buong kapatid. Iba ang kaniyang ama… Isang demonyo. At ito ay ang hari ng Vlainus. Si Monami ay… may dugong demonyo. Isa siyang kalahating tao at kalahating demonyo…”

“Teka, teka! Ibig sabihin ay mali ako?!” tanong ko at napatayo pa mula sa pagkakaupo sa kama. Hindi siya isang demonyo kung hindi ay kalahating demonyo? At siya pa rin si Monami?! Mali ako? Paano? Tugmang-tugma ang aking naisip! “Paano niya raw naging ama ang hari ng Vlainus, Ate Nariah?!”

“Iyon ay hindi nakalagay sa sulat ngunit ang sabi ni Ina ay sasabihin niya na lamang sa atin pagdating ng piyesta ng ating kaharian.”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now