Chapter 75

388 28 1
                                    

A/N: Been 2 months since I last updated so, here’s an awesome chapter! Witness Czianciera’s manipulating skills. Enjoy reading! </3

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗙𝗜𝗩𝗘

𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩

SA WAKAS ay nakarating na kami sa tabing-lawa. Ilang metro ang layo ng kakahuyan at ngayon ay kasalukuyan pa akong nakatayo sa sementadong daan. Sa magkabilang gilid ko ay ang huling mga puno na may gasera.

Ako na lang ang natira dito habang ang iba ay nanakbo na palapit sa lawa at namamangha sa ganda nito. Sobrang namamangha rin ako ngayon and I was actually stunned and mesmerized by the view in front of me.

Sa harap ko ay ang may kalakihang lawa na kumikinang dahil sa liwanag ng half moon at sa… libo-libong fireflies na lumiliwanag ng kulay purple. Kahit hanggang dito lang ang mga gasera, the whole lake is still gleamed with purple lights.

Napakagandang tingnan dahil parang nagmistulang glitters ang mga fireflies sa isang napakagandang artwork. And the brushes of wind made the whole scenery a very peaceful view. At ang mga kasama ko na nasa unahan at tuwang-tuwa ay ginawang mas perpekto ang artwork ba napi-picture out ko.

I… I will paint this memory kapag bakante na ang oras ko. I left my phone e, sayang.

“Tatayo ka na lamang ba riyan, Prinsesa Monami?!” sigaw ni Christlyn na ikinatingin ko sa kaniya. Nasa pampang na siya ng lawa pero bigla siyang naglaho roon at lumitaw sa harap ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at saka ako hinila. “Tara! Mas maganda roon!”

Hindi na ako nagpumiglas at nagpahila na lang sa kaniya.

Nilampasan namin ang iba at tumayo sa harap ng lawa. Isang hakbang na lang ay nasa tubig na ako. I stood still and look at my reflection in the water. Two fireflies went close to me at sa repleksiyon ko sa tubig ay napakaaliwalas ng mukha ko. I even have a shining shimmering eyes.

The reflection looks very alive. Very happy. Very lifeful. It was as if that reflection wasn’t mine because… it is pure. Walang kadiliman sa mga mata nito. Bloodlust couldn’t be found in the reflection’s eyes.
A

nd I realized that… that’s not me at all. A deceitful reflection… Because I know myself and I… I am bound with darkness.

Yumuko ako at dumampot ng may kalakihang bato sa paanan ko. Tumayo ako ng tuwid at pinaglaruan ang bato sa kamay ko habang nakatingin pa rin sa repleksiyon ko.

“Teka… Anong gagawin mo, Prinsesa Monam—AY HALA!” napasigaw si Christlyn nang buong lakas kong ibato ang hawak ko sa repleksiyon ko. At dahil sa ginawa ko ay nabasa kaming dalawa dahil sa impact ng tubig na tumalsik sa‘min.

As if satisfied, I smiled and traced my way to a boulder na medyo malayo sa mga kasama ko. I sat and remember what I did just a while ago.

Super satisfying. Parang natanggal ‘yong mabigat na naramdaman ko kanina matapos ma-disturb no’ng tubig at ma-distort and repleksiyon ko. Dahil din sa ginawa ko ay may iilang fireflies ang bumagsak sa tubig matapos matalsikan. Medyo dumistansiya din sa puwestong ‘yon ang iba pang fireflies.

Napairap na lang ako nang makaramdam ng matatalas na tingin mula sa mga kasama ko. Especially from Ryden and Elixir.

Ha… Paki ko sa kanila? Psh.

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt