Chapter 78

407 16 11
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧𝗬-𝗘𝗜𝗚𝗛𝗧

𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮’𝘀 𝗣𝗢𝗩

“ANO kaya…?” tanong ng isang alagad ni Lady Halteu at tiningnan ako ng mapanuri. “Kung mababa ka pa sa bastardo pero magara ang iyong mga kasuotan… Tama ba ako na isa kang bayarang babae sa aliwan? Na isinama ng Prinsipe Fleurchin dito?”

Wow… Pokpok daw ako.

“Ohhh, maari ang iyong sinasabi, Jlien! Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na mahilig sa aliwan ang Prinsipe Fleurchin!” gatong ni Temie na malawak na ngumiti sa akin. “Sa ganda mong iyan, Binibining Czianciera, hindi nakapagtataka na kinuha ka ng prinsipe mula sa aliwan! Isa ka palang bayaran!”

“Ngunit, hindi naman ako isang bayaran sa aliwan… Mali ang inyong hula,” sabi ko at awkward na ngumiti.

“Ah, talaga? Akala ko tumama na ako!” sabi no'ng Jlien. “HAHAHAHA igihan na ang huling hula!” humahalakhak na aniya, sinabayan naman siya ng ibang noble lady. Halakhak na nang-aasar.

I wanna slit your throats, if puwede lang. But hell nah, so gagawin ko na lang kayong loyal servants ko soon.

“Kung ganoon…” Binitin ni Lady Halteu, o Prilea na lang, ang sinasabi niya at isinara ang pamaypay niya. “…Ikaw ay isang dukha?” tanong niya habang ang mga mata ay pailalim na nakatingin sa‘kin. Nangmamaliit ang tingin niya, napansin ko ring bahagya siyang dumistansiya.

Hindi ako sumagot.

“Hala, isa ka ngang dukha?!” pasigaw na tanong ni Temie. “Kaya pala sumang-ayon ka na mas mababa ka pa sa isang bastardo ng reyna! Dahil anak ka pala ng isang mangangalakal ng basura o ng isang katulong!?”

Hindi na naman ako sumagot kaya nagsimulang magbulung-bulongan ang mga nandito sa mesa. Kesyo ano ba raw ang ginagawa ko rito? Anong karapatan ko na bigyan ng panyo ang dalawang prinsipe? Para raw akong linta kung makadikit kay Darcy kanina e dukha lang naman raw ako. Hindi raw ako marunong lumugar.

Blah blah blah.

“Pero, Prilea, tingin mo ba ay mayroong dukha ang maaaring maging saksi ng paligsahan na ito at kayang pumantay ang pisikal na kagandahan sa ating araw at bituin?” biglaang salita ng babae sa kaliwa ko matapos ang kanina pa niyang pananahimik. May hawak siyang dilaw na pamaypay na nakatakip sa kalahati ng mukha niya. Pero dahil katabi niya lang ako ay nasisilip ko ang ngiti sa labi niya.

Sino ‘to?

“Sinsabi mo bang kasing baba ng araw at bituin ang dukhang ito?!” sigaw ng anak ng duke habang matalas ang tinging ipinupukol sa babaeng nakaupo sa kaliwa ko.

Tumawa ang babae sa kaliwa ko na lalong ikinainis ni Prilea. “Tila kulang ka pa sa kaalaman, Prilea. May mga dala akong libro, baka gusto mo munang magbasa?” nakangiting aniya at isinara ang hawak na pamaypay.

Hmm… She looks older or rather oldest among us here in this table. Around 19-years old, I guess?

“A-Ano?!” sigaw na naman ni Prilea at naghuhumirintibong tumayo. “Hoy, Krelly, baka nakalilimutan mo ang posisyon mo rito? Mula ka lamang sa pamilya ng isang marquis habang ako ay mula sa pamilya ng duke!”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now