Chapter 56

667 53 5
                                    

𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 𝗙𝗜𝗙𝗧𝗬-𝗦𝗜𝗫

𝗠𝗼𝗻𝗮𝗺𝗶’𝘀 𝗣𝗢𝗩 [𝗖𝘇𝗶𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝗿𝗮]

SUMAPIT ang ala-una ng hapon at umalis na kami sa rooftop sa kadahilanang may klase pa sila. Buong umaga kaming kumain at nagpakabusog habang nag-uusap-usap. Kumanta nga rin sila pero hindi ko ma-appreciate dahil medyo medieval style. I prefer pop.

Pagkarating sa kuwarto ko ay pabagsak akong dumapa sa kama saka nakapangalumbabang tumanaw sa teresa. “Dapat nasa klase ako ngayon e,” bulong ko at napaismid na lang. “Panirang transformation.”

Bakit ba kasi nag-transform ako?! Noong pasimple kong itanong kay Niah kung bakit nga ba ay wala naman daw siyang alam. Ang sabi niya ay subukan ko raw itanong kay Naioumie at Marlon— ang nga magulang nila. Haler, bakit ko gagawin ‘yon? Mabubuwisit lang ako sa pagmumukha nila.

‘Appraise? Hoy, Appraise? Nasaan ka na ba?!’ sigaw ko sa aking isipan at marahan pang kinatok ang ulo ko pero walang Appraise na sumagot. Tsk, nabibwisit na ako.

Magpunta kaya ako sa library at mangalap ng impormasyon? O ‘di kaya sa isang magician? Ang tanong, saan ako maghahanap ng magician? Sa pari kaya? Sa mga nababasa ko dating fictional novels, saan ba pumupunta ang mga characters ‘pag may ganitong klase ng problema?

Marahas akong bumuntong-hininga at umupo. Hindi ko mapigilang mapakunot-noo dahil sa mga katanungan ko. Masiyado ng dumadami. “Bwisit. Ano ba kasing nangyari sa‘kin?!”

“Nagpalit-anyo ka nga, ” biglang sulpot ni Elixir at walang paalam na umupo sa couch ko. Naka-de kuwatro pa siya!

“Anong ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong ko at matalim siyang tiningnan. “Akala ko ba tutungo ka sa klase?”

“May mga katanungan ako na gusto kong masagot at mga hinalang gustong makonpirma.”

“Tsk. Kung magtatanong ka tungkol sa pagpalit-anyo ko ay hindi ko alam.”

“Pero, bago ‘yon,” aniya at pinakatitigan ako. “Bakit… kahawig talaga kita? Totoo nga ang sinabi ni Yema…”

“Yuck. Mandiri ka nga! Sa ganda kong ‘to, magiging kamukha kita? No way!” sigaw ko at pinagmalaki pa ang mukha ko.

“Hindi mo ba narinig ang mga sinabi nila kanina? Kamukha mo raw ako,” aniya. Ang tinutukoy niya ay sina Winter at ang iba pa naming kasama sa rooftop.

Narinig ko pero ayaw ko talagang paniwalaan. “Paano tayo magiging magkamukha e hindi naman kita kaano-ano.”

“Well, who knows? Baka kapatid pala kita.”

“Pfft… funny,” komento ko at sumeryoso. “Nga pala, sinong Yema? …Si Trixie?”

“Huh? Yema? May sinabi ba akong Yema?” tanong niya na halata namang nagmamaang-maangan lang.

“Oo, kanina lang.”

“Bakit mo naisip na siya si Trixie? ”

“Siya lang naman ang unang nakakaalam. At isa pa, hindi mo kapatid si Trixie…?”

Tumikwas ang kanang kilay niya, “Ako dapat ang nagtatanong dito e. Bakit mo naisip na hindi ko siya kapatid?”

Reincarnated as an Element Powerless Princess [Volume 2]Where stories live. Discover now