Chapter 5: The Lion

13 3 0
                                    

Someone's POV

“Kumusta sa pinapahanap ko sayo Mr.  Ramirez?”
Tanong ko sa isang tauhan ko.

“A-ahh pasensiya na po kayo boss, di ko parin po siya nahahanap”
Wika  niya habang nakayuko parin sa harap ko.

“Get out.”
“P-pero bo-”
“I said get out.”
Walang emosyong turan ko.

Dali dali naman siyang lumabas. Napairap nalang ako sa kawalan. Mga walang kwenta.

Prince POV

“Pano ba yan kita nalang us tom ice”
Paalam ni mic² saakin.

“Mag iingat ka.”
Ang tanging nasabi ko nalang  at pumasok sa loob.

“Sino yun??? Ikaw ang bata bata mo pa puro kalandian inaatupag mo!!”
Ampucha! Kala ko ano na si tita lang pala.

“Hmm si michaella po ,mic² for short bestfriend ko.”
Bat ba ako nagpapaliwanag sa taong toh , eh ni hindi ko siya kadugo. Pake ko ba sa nararamdaman niya.

Tiningnan niya ako ng masama.

“From now on, dito kanalang sa bahay, bawal ka lumabas , makipagkita kahit kanino, kahit sa mga kaibigan mo pa.”
Teka , sino ba siya sa inaakala niya? As if naman susundin ko siya.

Walang emosyon ko siyang nilampasan.
“Abat- kinakausap pa kita wag moko tatalikuran.”

Hinarangan niya ako , sinamaan niya ako ng tingin. Matatakot naba ako sayong hayuf ka.

“Nirerespeto ko kayo bilang asawa ng magaling kong ama, pero hindi ibig sabihin nun papakialaman mo na rin buhay ko.”
Walang emosyon ko pang sinabi sakaniya.

“Abay sumasagot kapa!!!”
“Wag kayo umakto na nanay ko dahil kahit anong gawin mo di kita matatanggap , dahil ayoko magkaroon ng ina na kagaya mo!!”
Dagdag ko pa, bigla nalang nandilim paningin ko sa lakas ng pagkakasampal niya sakin.

“Prince!! Tita tama na po”
Biglang sumulpot si Lance at nilapitan niya ako.

“Ikaw , kayo nakikitira lang nga kayo dito sinasagot sagot niyo pa ako, at hindi ko rin pinangarap na maging anak kayo kundi lang dahil sa tatay niyo pinalayas ko na kayo dito. Mga walang kwenta.”

Padabog siyang umalis. Sakit nun ah namamanhid na ata pisngi ko laki pa naman ng kamay tsk.

“Ano nangyare dun?”
Andito pa pala tong mokong na toh dito.

“Nothing.”
Tanging nasabi ko nalang , napakamot nalang siya sa ulo.

“Tss, sabi mo eh”
Nilampasan niya ako. Napailing iling nalang ako at umakyat na papasok.

“Hoy prince!!”
Sino na naman toh sana naman pinapahinga muna nila ako.

Walang gana ko siyang tiningnan. Yung Rose ata toh.

“Why?”
“Andiyan na si dad, kakain na daw”
Walang gana niyang sabi at umalis.

Pansin ko lang tong si rose napakamisteryosa, parang andaming tinatago. Tss kailan pa ako nagkainteres sa buhay ng iba. Pake ko sakanila edi kumain sila wala ako gana.

Kinabukasan...

Nagising ako dahil sa lamig, napakagat nalang ako ng labi ng makita ko yung lion na galit na galit. Sino paba edi yung nanay kuno namin.

Tiningnan ko suot kong damit. Wtf!??? Basang basa? Late ko na napansin na may hawak pala siyang balde at walis.

“Buti naman nagising kana, paalala ko lang sayo, di ka senyorito sa bahay na toh, ako ang masusunod dito at hindi ikaw.”
Aga aga ang lakas ng boses niya sarap lagyan ng tape tss.

Asan naba kasi kambal ko total pareho naman silang mabunganga edi sila na sana nagsama binulabog pa ako.

“Ano po yun tita?”
Sagot ko sa nakakaantok na boses.

Hinagis niya saakin ang walis.
“Maglinis ka, make sure na malinis lahat ng bahay at ayoko na may nakikitang kalat”

Sinamaan muna niya ako ng tingin tsaka umalis.
Badtrippp ako na naman nakikita niya!??? Walang gana akong tumayo at kinuha yung walis. No choice ako kundi gawin yun. Ayoko ng gulo sawang sawa na ako.

Bukas pasukan na naman sa wakas makakalaya na din ako sa impyernong bahay na toh.

Nalinisan ko na lahat ng sulok ng bahay. Humiga muna ako sa sofa dahil sa pagod. Pawis na pawis pa ako.

*A few moments later*

“Sinabi ko bang humiga ka diyan? Tumayo ka diyan marami kapang kailangan gawin”
Ani ni lion, nakita ko naman sila rose at elle. Si elle na umiirap sa akin. Si rose na nakasimangot ang mukha. Wala dito yung magaling kong ama kasi nasa work. Kaya nagagawa nila gusto nilang gawin samin, sakin lang pala kasi ako trip nila.

Natapos ko na pinapagawa ni Lion. Nagugutom na ako pero wala ako gana kumain. Pumasok nalang ako sa kwarto at nag locked.

*knock*
*knock*
*knock*

“Tol si lance toh, open this f*ckin' door”
Ket kelan talaga tong taong toh wrong timing.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto , bumungad sakin ang nakapameywang at nakangusong si lance.

“Anong kailangan mo?”
“Sabay na daw tayo mag dinner sabi ni dad”
Tumango nalang ako bilang pagtugon at biglang sinara yung pinto, i dont care kung natamaan ba yung ilong niya o ano.

Nagbihis ako at lumabas. Naabutan ko sila sa dinning area at parang ako nalang hinihintay nila.

“Maupo kana prince. Wag mo paghintayin ang grasya.”
Sabi sakin ng magaling kong ama.

Umirap lang ako at umupo na din.

*fast forward*

Lumabas ako ng bahay, di ko sinunod ang bilin ni lion. Pumunta ako sa lugar kung saan gumagaan pakiramdam ko at nagpapaalala sakin na always lang maging strong dapat.

~~~~~~~~
Sino kaya ang someone na toh?
Vote for the next ud..

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt