Chapter 8: Hurt

8 2 0
                                    

Lance POV

Napairap ako ng sulyapan ako ni tita at ngumiti ng nakakaloko.

“Pasok na pala ako tita babye nice meeting u again”
Di ko na siya hinintay na sumagot at hinila ko na si mic² , na pinagtatawanan na pala ako.

“Lancy pala ah hahaaaahaha well well bagay”
Natatawa pa ring sabi niya, napanguso naman ako. Nakakainis naman si tita eh bat pa kasi niya sinabi yun, panigurado puno naman ako ng panunukso ng babaeng katabi ko.

“Diyan kana nga!!! Tss!!!”
Iniwan ko siyang tumatawa dun, tss tawa kapa mabulunan ka sana kakatawa. NAKAKAINIS KA TITAAAAAA!!! NAKAKAHIYA TULOY!! HUHUHU...

Mica POV

Nakakatawa talaga itsura ni lance kanina, kaya  di ko na mapigilan tumawa pfftt napakaisip bata talaga ng mokong na yun.

Nahinto ako kakatawa ng makita ko si prince.  Kakaway na sana ako para makita niya kaso may lumapit sakaniyang babae . Di ko na hinintay na madaanan niya ako at umalis nalang ako.

Bakit ganun? Nakakainis naman eh , nawala na naman tuloy ako sa mood. Bakit ba kasi naiinis ako pag may kausap siyang iba?

Pumunta ako sa likod ng campus namin, umupo ako sa ilalim ng puno. Pinatong ko ulo ko sa dalawang tuhod ko,pinaghuhugot lahat ng damong makikita ko.

“Kakalbuhin mo ba yan?”
“Ay kabayo!!”
Napatalon ako sa gulat. Nakita ko siyang napatawa bigla-Prince.

“Sa gwapo kong toh mukha ba akong kabayo?”
Taas kilay na sabi niya.

Napatingin siya sa kamay ko. Kinuha niya ito , may kinuha siyang kung ano ano sa bulsa niya , panyo lang pala.
Pinahiran niya kamay ko na parang ang daming dumi. Jusko ang arte talaga ng lalaking toh.

Di ko maiwasang tumingin sa mukha niya at ngumiti. Ang tangos tangos talaga ng ilong niya, mapupula ang labi ang kapal ng kilay. In short perfect talaga siya.

“Micay?”
Di ko namalayan na binitawan na pala niya ang kamay ko at tinampal noo ko.

Aarayy sakit nun ahh!!!
“Kanina pa kasi kita tinatawag ayaw mo naman sumagot kaya kala ko napano kana”

Umiwas ako ng tingin habang nakanguso. Hinawakan naman agad niya pisngi ko at pinaharap sakaniya. Nanlaki mga mata ko, ngumiti siya sakin what!??? NGUMITI SIYA SAKIN NG TOTOO, hindi peke totoo talaga.

“Ang cute mo talaga micay”
Ngiting sabi niya sakin tsaka binitawan pisngi ko.

"Nakakatampo ka kanina, iniwan moko. Tinawag kita pero di ka lumingon”
Napanguso siya, seriously prince? Nahawa kana sa kambal mo. Napatawa naman ako sa isip ko, napaisip ako ng kalokohan.

“Talikod ka”
Utos kong sabi sakaniya.

“H-huh!?”
Kunot noong sabi niya, confused yarn hahahahaha.

“Basta gawin mo nalang kundi kukurutin kita magdamag”
No choice na siya kundi gawin pinapagawa ko.

Tumalikod naman siya sakin kaya napangisi ako.
Sumampa ako sa kaniya sa likod.

“Wtf micay!? Anong ginagawa mo?”
“Sumampa sa likod mo, bilis takbo moko libutin natin school”

Halata sa mukha niya na ayaw niya tumakbo.
Kaya kunware nagtatampo ako.

“Oo na oo na tatakbo na ako , wag kana magtampo diyan, kiss kita diyan eh”
Dahil sa sinabi niya binatukan ko siya.

“A-arayyyy ko naman cge ka ihuhulog kita, bigat bigat mo na nga ehhh”
Napangiti nalang ako ng palihim ,kahit ang sungit sungit niya, di parin niya ako magawang matiis.

Tumakbo siya kaya kumapit ako lalo sakaniya, ang bango talaga ng lalaking toh sarap amoy amoyin, hehhehehehe aminado akong mabigat ako kaya ayun napahinto siya at hinihingal.

“Ano kuyang ice kaya paba?”
Tanong ko sakaniya at sinundot sundot pisngi niya.

Halata na umiirap na siya sakin kaya lalo akong nanggigil.
Naglalakad nalang siya habang karga karga ako.

“Ayan kasi ang takaw takaw kaya ang bigat bigat na”
Rinig kong bulong niya.

“Hoy grabe ka sakin ahhh, di kayaaa payat ko nga eh”
Ngumuso ako at kinagat tenga niya.

“Isa pa micayyy ihuhulog na talaga kitaaaa”
Inis na sabi niya sakin.

Kaya sumimangot nalang ako.
“Eto seryoso na, ice may tanong ako sayo”

“Hmmm nuyon?”
Grabe binabayaran ba niya words niya tipid eh, pero yaan na sanay na ako bwhahahah.

“May nagugustuhan ka na bang girl dito sa school natin?”
“Meron”
Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Bakit nasasaktan ako?

“Wala ka namang ibang itatanong?”
Dagdag pa niya.

Umiling iling nalang ako sa tanong niya.
Hiniga ko ulo ko sa balikat niya at pumikit.
I hate this f*ckin' feeling.

~~~~~~

Pasensiya na ngayon lang nakapag ud..

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now