Chapter 40: Revelation

6 2 0
                                    

Sky POV

"Ano bang kasalanan ng daddy namin sayo at ginaganito mo kami?"
Tanong ni lance kay tita.

Lumapit sakaniya si tita at tumawa ng malakas. Baliw naba siya?

Napatingin ako sa dalawng babae na ngayon ay umiiyak na. Im sorry baby di kita matutulungan diyan.

Naikuyom ko nalang ang kamao ko.
"Gusto mong malaman kung ano ginawa ng ama niyo samin ng anak ko?"
Nagulat ako sa sinabi niya. May anak siya? Sino?

"Hinayaan lang naman niya kaming magdusa ng anak ko, nagpalaboy laboy kami dahil sa pinag gagawa niya sa asawa ko!! At dahil dun kaya siya binawian ng buhay!!"
Sigaw pa niya.

"Pero alam mo rin na wala kaming kinalaman dun kasi wala kaming alam sa mga nangyayare!!"
Sigaw din ni lance. Di talaga siya magpapatalo.

Humalakhak siya ng tawa.
"Syempre anak niya kayo, mas masasaktan siya pag sainyo kami gaganti"
Ngayon si lance naman ang tumawa.

"Sa tingin mo masasaktan siya sa ginagawa mo samin ngayon? Hindi!!"
Napangisi si tita.

"Sayang lang kulang kayo ng isa"
Kumunot naman ang noo ko, sa naremember ko apat silang magkakapatid bakit isa lang kulang?

"Bitiwan niyo ko!!!"
Sigaw ng isang babae, napatingin kami sa pinanggagalingan ng boses na yun.

"Ayun na pala siya eh"
Siya din ba ang isa sa kapatid niya? Di ko kasi mamukhaan kasi di ko pa siya nakita.

"Naisip ko na ikaw ang pinakaclose sa dad mo kaya mas masakit sakaniya pag ikaw patayin ko"
Nagulat kami sa sinabi ni tita.

"So ngayon bago ko kayo patayin ipapakilala ko muna sainyo ang anak ko"
Nakangising sabi niya samin.

Di kami makapalag kasi maraming nakatutok na baril saamin. Shetttt!!!

"Clent my son come here"
What!??? Mali naman ata narinig ko diba!???

Tumayo si clent ng nakangisi. Di pala totoong ginapos siya. Traydorrrr kailan mo pa kami nilokoooo clenttt!!! Nakita kong nagulat yung dalawa except kila rose,lance at kyle. So alam nila!??? Bat hindi nila sinabi samin???

Binigay ng mommy niya yung isang baril. Napatingin siya samin, nakita kong dumaan ang kalungkutan sa mga mata niya.

"Barilin mo siya"
Turo sakin ni tita.

H-ha? A-ako? Clent kaya mo ba akong patayin? Marami na tayong pinagsamahan tol....

Napatingin si clent sakin at tinutok yung baril sakin.
C-clent....

Nakita kong nanginginig kamay niya... Alam kong mabuti kang tao clent...wag kang magpapadala sa nanay mo...

Naibaba niya yung baril..

Nakita kong nadismaya si tita.
"Hindi mo kaya!?? Enricooo!!"
Tawag niya dun sa nakablue ang buhok.

"Boss?"
"Ikaw na bumaril sakaniya"
Napangisi naman si enrico at itinutok sa ulo ko yung baril.

Di makatingin sakin si clent, napapikit nalang ako at handa ng tanggapin ang kapalaran ko ng biglang...

"Enrico wagggg!!!!"
Sigaw ng kung sino kaya bigla kong naimulat ang mata ko at napatingin sa likod.

Nakita ko si kier na naglalakad papalapit samin. Kier? Bakit kapa nagpunta dito? Sino nalang magbabantay kay prince?

Nakita kong nagulat si enrico sa pagsulpot ni kier.
"Kuya w-wagg..  Wag mo silang patayin..ako nalang"
Nagulat ako sa narinig. Kuya? Magkapatid sila?

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)On viuen les histories. Descobreix ara