Chapter 21: Halik

6 2 0
                                    

Prince POV

Lumipas ang ilang araw pagkatapos ng valentines, lumipat nga sila heizel at althea sa school na pinapasukan namin.

Kalaunan ay naging magkaibigan na kami nila heizel, althea at ellise oo isali na natin si ellise baka magtampo sky niyo eh.

Breaktime namin ngayon at andito ako sa rooftop.
Sarap kasi sa pakiramdam kapag dito ako tatambay, ang sarap ng simoy ng hangin eh.

Humiga ako , ginawa kong unan dalawa kong kamay at pumikit habang ninanamnam ang simoy ng hangin.

"Andito kalang pala"
Napamulat ako ng mata.

Sa sobrng gulat ko napatayo ako ng wlaa sa oras. Ikaw ba naman pagmulat na pagmulat mo palang makakakita ka na agad ng isang mukha ng babae at ang lapit lapit pa ng mukha niya sa mukha ko.

"Anong nangyayare sayo parang nakakita ka ng multo hahahhaah"
Tumatawang usal pa niya, lintik na babaeng toh si althea lang pala jusko.

Napaupo ako ulit.
"Ikaw kasi eh, bigla bigla ka nalang nagsasalita tas ang lapit pa ng mukha mo sa mukha ko sinong di magugulat dun?"

"Sus palusot mo"
Natatawang sabi niya.

"Ang sabihin mo takot kalang sa mul--"
"Di ako takot sa multo , kasi walang multo, di sila totoo"
Kinuha ko nalang yung bottled water na hawak niya tsaka nilagok yun.

Nagulat naman siya sa ginawa ko at sinamaan ako ng tingin.
"Tubig ko yan oii"
Inagaw niya sakin yung bottled na wala ng laman.

"Namo bat mo kasi ininom yun? Akin yun eh"
Inis na sabi niya at akmang babatukan na sana ako ng hawakan ko kamay niya
Sa hindi sinasadya, nalapit ko mukha ko sa mukha niya, ilang inch nalang at mahahalikan ko na siya.

Napatitig siya sa mga mata ko habang ako naman napatingin sa mapupula niyang labi.
Ano ba yan prince, di ko maigalaw katawan ko paalis sa pwesto na yun.

Namalayan ko nalang na hinalikan niya ako, di ko alam gagawin. Tinugunan ko nalang halik niya. Hinapit ko pa siya lalo sa beywang, kumapit naman siya sakin habang hinahalikan ko siya. Nang marealized ko ginawa ko bigla akong napatigil.

Humiwalay ako sa halik niya, ang pula ng pisngi niya nangangamatis na dahil nga maputi siya kitang kita.

"I-I'm sorry"
Utal na sabi niya.

Hinawakan ko pisngi niya at hinalikan ko ulit labi niya ng mabilis. Wala na adik na ako sa kiss whaaa.

Nagulat naman siya sa ginawa ko at mas lalo siyang namula. Kaya napatawa nalang ako at ginulo buhok niya.

Umupo ako at hinila ko siya kaya napakandong siya sakin.
Niyakap ko siya patalikod. Sinandal ko ulo sa balikat niya.

"A-anong ginagawa mo?"
Tanong niya sakin ng mapagtanto niya anong ginawa ko.

"5 mins, 5mins lang"
Pumikit ako habang nanatili kami sa ganung posisyon.

Ng makalipas ang limang minuto binitawan ko na siya, napaayos naman siya ng tayo.

"Upo ka"
Utos ko sakaniya na agad naman niyang ginawa.

"Anong ginagawa mo dito? Kanina kapa namin hinahanap, dito kalang pala"
Pag iiba niya ng topic, alam kong naiilang siya dahil sa nangyare kanina.
Di siya makatingin sakin eh.

Napangiti ako ng malungkot.
"Wala may naalala lang ako kaya gusto ko muna mapag isa"
Napaangat naman siya ng tingin.

"Anong naalala mo?"
Curious na tanong niya sakin.

Althea's POV

Di siya nakasagot agad sa tanong ko.
"Ok lang kung ayaw mo sabihin i understand"

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now