Chapter 27: A Kiss

4 2 0
                                    

Lance POV

Papahiga na sana ako pagkatapos ko mag bathtub ng mag ring ang phone ko. Sinagot ko yun ng di tinitingnan ng caller.

"Yes?"
Bungad ko agad pagkasagot.

"L-lance"
Heizel!? Wtf!? Bat parang ano boses niya , umiiyak ba siya?

"Ikaw pala yan heizel di mo ko matiis noh? Namimiss mo na naman ako?"
Biro ko, alam ko namang walang talab yun sakaniya broken hearted kasi.

"Pwede bang puntahan moko dito?"
Tanong niya, late ko nalang na narealized na maingay yung pwesto kung saan siya ngayon.

"W-wait cge san kaba pupuntahan kita"
Tss, binubulabog na naman ako ng babaeng toh. Eh kung yung crush ko nambulabog sakin masaya pa ako tss.

Sinabi niya sakin kung nasaan siya. Letche at kailan pa siya natutong mag bar at uminom??

Nagbihis ako alangan naman pupunta ako dun ng nakaboxer lang diba??

Tinawagan ko muna si prince. Sagutin mo putik ka huhuhu.
Di niya sinagot yung tawag, pinatayan ba daw ako bahala ka nga diyang kupal ka.

Lumabas na ako ng kwarto , at dumeretso na palabas ng bahay.

Habang nagmamaneho ako panay tawag ko kay prince pero ayaw talaga sagutin, siguro di pa tapos date nila. Nagawa niyang makipagdate sa ibang babae ng di niya alam na may babaeng gustong gusto siya. At andun sa bar nagpapakalasing, hayss bro di ka tumulad sakin si lhyn lang babae sa buhay ko tsskk.

Nakarating ako sa sinabi ni heizel, pinark ko muna sasakyan ko sa gilid bago pumasok. Lintekk first time ko pumasok ditooo!!

Anak ka ng mama mo ang ingayyyy huhuhu dami pa babae nakatingin sakin mukha nila akong lalapain puchhaa heizell saan kana baa!???

Pumunta ako banda dun sa sulok at nilibot libot paningin ko, napakamot nalang ako sa ulo sa dami ba namang tao di ko alam kung mahahanap ko paba siya.

Tinawagan ko phone niya, nagulat ako ng may mag ring sa gilid ko. Phone niya toh ah? Bat iniwan niya dito? Letche talagang babae na yun saan naba kasi siya nagpunta.

Pinulot ko yung phone niya, at nagpalinga linga sa paligid. May nakita akong familiar na babae, tiningnan ko ito ng mabuti may kasama siyang dalawang lalaki at parang pinipilit siyang sumayaw. Nagpupumiglas siya, pero kahit anong gawin niya wala parin lasing na lasing na kasi siya.

Patakbo akong lumapit sakanila.
"HOYYY!! ANONG GINAGAWA NIYO?"
Napatingin sakin ang dalawa.

"Bakit sino kaba ha!?"
Tanong agad nila pagkalapit ko.

Tiningnan ko muna ng mabuti si heizel, nakatitig siya sakin na parang sinusuri ako. Ano ba kasi ginawa mong babae ka!??

"She's my girl, kaya bitawan niyo siya"
Walang emosyong sabi ko pa.

"Pwes kunin mo"
Mapang asar na sabi nung isa pa, tss kapanget , mas gwapo pa paa ko sakaniya.

Dahil sa inis ko pahablot kung kinuha si heizel sa kanila at pinasandal muna dun sa upuan sa gilid. Nakapikit na kasi siya halatang nakatulog na.

"Aba pare angas mo ah!? Sabi ko kunin mo hindi ko sinabing hablutin mo!"
Huminga ako ng malalim. Utak ipis ba sila? Ano paba tawag dun sa ginawa ko??

"Brad ,humihingi ako ng pasensiya sa ginawa ko."
Dahil sa sinabi ko napangisi sila.

"Sorry lan--"
"Pero sa susunod na ganunin niyo GIRLFRIEND ko di ko na kayo sasantuhin! tandaan niyo yan"
Aakayin ko na sana si heizel ng hilahin na ako at suntukin.

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now