Chapter 16:

5 2 0
                                    

Prince POV

Natapos na ang test namin , ewan ko baka wrong lahat ng answers ko dun bahala na tss. Napansin kong wala siya sa upuan niya. Isinawalang bahala ko nalang yun, paki ko ba sa babaeng yun.

Dinismiss na kami ni sir pagkatapos nung test namin na di ko alam kung papasa ba ako hmmp. Papalabas na sana ako ng akbayan ako nila kyle at sky. Mga loko talga toh kalalaking tao chismoso.

Dinala nila ako sa music room, ano panga ba? No choice ako kundi sabihin sakanila ang nangyare. Tinatamad pa naman ako magsalita now, kaso ang seseryoso ng mukha nila eh.

“Tar*antadong lalaking yun ah”
Nakakuyom ang kamao habang sinasabi ni sky ang katagang yan.

Kita ko sa mga mukha nila na naiinis din sila, at parang may lungkot sa mga mata niya. Opsss wag niyo ko titingnan ng ganyan g@gu. Umiwas nalang ako ng tingin.

“Hayaan niyo na sila, wala na akong pake sakanila kahit anong gawin nila tss.”
Di na ako nagpaalam at lumabas na ng music room. Panigurado mag aalburuto na naman sila dahil iniwan ko sila dun tss.

Habang naglalakad ako as usual pinagtitinginan ako especially girls. Nagkasalubong kami ni mr juice guy yung ex ni anne or baka nagkabalikan na sila sa lagay na yun. Edi good for him pake ko.

“Loser”
Bulong niya sakin.

Nagpantig ang tenga ko sa narinig. Nung una kaming nagkita lalampa lampa pa siya pero ngayon nagawa na niya akong asar asarin? Talaga? Kaya mo ko Kent? Oo kent name nung gunggong na yun tss.

Huminto ako , nginisian ko siya.
“Sino kaya satin ang loser?”
Sabi ko ng buhusan siya ng malamig na tubig nila kyle.

Napangisi nalang ako sa nakita, di na maipinta aura niya ng makitang sobrang basa ng damit niya. Natatawa nalang ako ng dali dali siyang tumakbo.

“Di pa tayo tapos!!”
Pahabol niyang sabi at sinamaan kami ng tingin.

“Back off bitch as if naman natatakot kami sayo!”
Natatawang pasigaw na sabi ni clent.

Mga loko talaga tOh, hahahha kaya lihim akong napangiti. Tunay ko talaga silang kaibigan ,tsk tsk.
Napapailing nalang akong nagpatuloy sa paglalakad.

“T-teka hoyyy hintayin mo kami , ikaw talaga prince ang hilig mo mang iwan”
Hinihingal na sabi ni sky ng maabutan nila ako.

Napairap nalang ako sa kawalan, nakita ko naman si kier na natatawa lang sa inakto ng tatlo. Himala toh, napatingin siya sakin, napakunot ang noo niya ng mapansin sigurong nakatingin ako sakaniya.

Umiwas nalang ako ng tingin.
“Mga pre malapit na valentine's day, sino gusto niyong kadate?”
Tanong ni Kyle, eto talaga ang hilig sa chix di na ako magtataka marami tong kadate sa valentines tskk , pake ko naman sa araw na yan. Teka masyado na ata akong bitter.

Nakita ko namang kumislap ang mga mata ni sky.
“Yayain ko si crush sa valentine's”
Abot hanggang tenga ngiti niya.

“Susss yung crush mong di ka crush hahahahha”
Pang aasar ni clent.

“Shut up clent o ipapakain ko sayo tong sapatos ko”
Inis na sabi ni sky at ngumuso, tss parang bata.

Sa kakadaldal nitong tatlo di ko namalayan na may nakabunggo na pala ako.

“A-ahh i'm sor--”
Di niya natuloy sasabihin niya ng makita ako-Anne.

“Oky lang"
Tipid na sabi ko at nilagpasan siya.

"Prince wait!”
“Ano?"
Napahinto ako ng hawakan niya ang braso ko.

"Can we talk?"
Tanong niya sakin.

"Oky"
Sinenyasan ko yung apat, kaya tumango nalang sila  at naunang maglakad.

------

Sinundan niya ako sa music room, oo bumalik ako kasi dun lang kami makakapag usap na kaming dalawa lang.

“Hmm what do u want?"
Deretsong tanong ko.

Di ako makagalaw ng halikan niya ako.
Natulala ako sa ginawa niya
Late ko na narealized at dahan dahan akong umatras.

"So ano ngang kailangan mo?"
Isinawalang bahala ko nalang ang ginawa niya.

Lumungkot bigla ang mukha niya.
"Prince I'm sorry, please forgive me. "

"Pinatawad na kita, pero wag ka mag expect na tulad parin tayo ng dati.
Pagak siyang tumawa,habang may iilang butil ng luha na tumutulo sa mga mata niya.

"So ganun nalang yun? Hahayaan mo lang na mawala ako? Mawala lahat ng pinagsamahan natin?"
Di ako makasagot sa tanong niya.

"Prince ano ba gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako?"
Nagsusumamong tanong niya sakin.

"Gusto kong gawin mo? Ang mawala sa paningin ko at di ko na makikita pagmumukha mo kahit kelan."

Anne's POV

"Gusto kong gawin mo ?Ang mawala sa paningin ko at di ko na makikita pagmumukha ml kahit kelan."

"Gusto kong gawin mo? Ang mawala sa paningin ko at di ko na makikita pagmumukha mo kahit kelan."

"Gusto kong gawin mo? Ang mawala sa paningin ko at di ko na makikita pagmumukha mo kahit kelan."

"Gusto kong gawin mo? Ang mawala sa paningin ko at di ko na makikita pagmumukha mo kahit kelan."

Ilang beses pang nagpaulit ulit sa utak ko mga sinabi niya sakin kahapon, tsaka umalis at iniwan akong mag isa sa music room na yun.

Di ko na naman mapigilan na tumulo mga luha ko. Ang sakit sakit lang, bakit ba ayaw niya akong pakinggan? Bat ang tigas mo prince?

“Anak, mag impake kana at ngayong hapon na alis natin"
Sigaw ng mama ko dahil nasa baba siya at nasa taas ako.

"Yes ma."
Sana pagbalik ko prince ,mapatawad mo na ako.

~~~~~~~~

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now