Chapter 13: She's gone

10 2 0
                                    

Prince POV

Makipagkita ako ngayon kay micay, sasabihin ko na sakaniya lahat lahat. Kung ano nararamdaman ko for her.

Nilalayuan ko siya, iniiwasan ko siya. Di ko na siya kinakausap nung nakaraang mga araw kasi naaalala ko ang nakaraan pag nakikita ko siya.

Di ko kayang harapin siya na ganun. Dami kasing what if's na bumubuo sa isip ko na ‘ What if kunin din siya sakin katulad ng pagkuha nila kay lola?’, na ‘ What if mawala din siya sakin? Dahil lahat ng taong mamahalin at magugustuhan ko kinukuha sakin’

Daming katanungan na bumabalot sa isip ko , nalilito na rin ako di ko na rin alam gagawin nung mga time na yun. Pati tuloy kambal ko nadadamay. Pero ngayon ready na ako, ready ko na harapin ang lahat, baka pag sisihan ko pa toh sa huli pag di ko sinabi sakaniya na i like her too.

Habang naglalakad ako sa daan , nakaearphones ako. Pero yung mga vm's niya sakin ang pinapakinggan ko lagi kaya napapngiti ako. Nakita ko siyang kumaway at ngumiti ng matamis. Eto talagang babaeng toh apakaano. Pero ang cute niya sa suot niys hehehehhehe.

Habang tumatawid ako sa daan , di ko namalayan na may paparating na sasakyan. Napatulala nalang ako, nanginginig buong katawan ko. Di ko alam ang gagawin...

*boogssh*
*boogshh*
*booggshh*

“MICHAAAAAELLLAAA!!!!”
Sigaw ko ng makita ko siyang nakahandusay sa sahig. Biglang namuo luha  sa mga mata ko. Halos namanhid na katawan ko.

Bakit mo ginawa yun? Bakit mo ko niligtas? Bakit micay ? Bakit??? Di ko namalayan na nakalapit na pala ako sakaniya.

“M-micay!??”
“M-micay pleasee n-noo.. Don't leave me... Pleasee..i'm begging you”
“Tulongggg, heeellppp”
Napasigaw na ako habang yakap yakap ko ang nakahandusay na katawan ng babaeng mahal ko, babaeng gusto ko. Di ko mapigil sa pagtulo ang luha sa mga mata ko,napapikit nalang ako. Tiningnan ko ang kamay ko pati suot kong damit. Nakita ko ang msraming dugo na nagkakalat dun... Dugo ni micayy..pleasee..not again..

Nandilim paningin ko....

Someone's POV

“Nagawa mo ba pinapagawa ko sayo?”
Tanong ko sa isang alagad ko.

“Yes boss nagawa namin, kaso yung babae ang natamaan”
Mga walang kwenta, binato ko phone ko kung saan saan wala ako pakialam kung masira man eto.

Pero sa kabilang banda , pabor sakin yun. Kasi for sure magluluksa ang anak mo Evan Morales, mas mahihirapan siya dun. Napangisi ako sa sariling isip ko. Kakasimula ko lang wag kayo pakampante.

Third Person POV

Nagising si prince na nasa isang kama, may puting kisame.

“Patay naba ako?”
Natanong nalang niya sa sarili.

Tatayo na sana siya ng biglang sumakit ulo niya.
“A-arayyy ang sakit”

Napatingin siya sa paligid. Nakita niya si lance na natutulog.

“Lokong taong toh ah tinulugan ako, ano ba nangyare?”
Pilit niyang inalala lahat ng nangyare , at nung maalala na niya ,kinabahan agad siya.

“LANCEEE GISING!!”
Panggigising niya kay lance, nagmulat naman agad eto ng mata. Nang makita siya nito, bigla itong napatayo at lumapit sakaniya.

“Ano tol okay kana ba? Wala na bang masakit sayo?”
Nag aalalang tanong nito.

“Where is she!??”
Di nito pinansin ang tanong ni lance at nagtanong agad siya saan si mica.

“She!?”
“Ang slow mo naman si micayyy saan siya!??”
Biglang sumeryoso mukha niya.

“Tol s-she's dead.... Mag 1 week ka na din dito.. At 1 week na din siyang wala...”
Bigla siyang nanlumo sa narinig, bigla siyang tumayo at tumakbo..

“Tol hintayin moko oii di kapa magaling”
Di niya pinansin si lance na kanina pa tumatawag sakaniya.

“No it can't be... Di moko pwedeng iwan micayy...hindiii hindiii”
Napaiyak nalang siya sa iisiping wala na ang taong gusto niya... Ang taong pinakamamahal niya...

Ipinaalam niya kay rose ang nangyare dahil eto lang ang pwede niyang lapitan.

Kaya pumunta si rose sa bahay na tinitirahan nila.
Kinatok niya ang silid ni prince pero walang sumasagot kaya kumuha siya ng duplicate para mabuksan ang pinto.

Nakita niyang nakahiga si prince sa kama. Nanghihina, halos di na makilala ang mukha. Naawa si rose sa inabot ng kapatid niya kaya umupo siya sa tabi nito.

“Sabi ni lance di ka daw kumakain”
Tumalikod ito sakaniya.

“Anong ginagawa mo dito?”
“Stop asking a nonsense question prince, this is my house kaya pupunta ako dito kung kelan ko gusto”
Pabalang na sabi niya sa kapatid.

“So bakit di ka kumakain? Lil bro wag mo naman pabayaan sarili mo dahil dun”

“Ako ang may kasalanan ng lahat, kung nag ingat lang ako di mangyayare yun sakaniya....kung di ako nagsabi na magkita kami dun...di yun mangyayare sakaniya...”
Umiiyak na naman na sabi niya.
Ngayon lang ulit siya nagkaganun matapos nung pagkamatay ng lola nila.

“Look , di mo kasalanan ang nangyare... Di natin hawak ang buhay o kapalaran ng iba. Wag kang magpapadala dahil pagsubok lang yan. Di lahat sa mundo happy lang dapat,normal lang yan. Sa tingin mo magiging masaya siya pag nakikita ka niyang ganyan? Hindi siya maging masaya kasi habang nagkakaganyan ka ,nagdudusa. Di rin mapanatag ang kaluluwa niya. Eto pagkain , kainin mo yan mainit init pa yan”

Pagkatapos ang mahabang litanya nayun, umalis na siya.
Napaisip saglit si prince, siguro nga may point si rose.
Dahan dahan siyang umupo, kinain niya ang dala ng kapatid niya.

“Mabait din pala siya ket papaano”
Tipid siyang ngumiti.

After 5 years..

~~~~~

Abangan ang buhay nila prince ng mawala si mica...

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now