Chapter 35: Operation

6 2 1
                                    

Lance POV

Andito kami ngayon sa hospital na sinasabi ng doctor na tumawag sakin kanina gamit phone ko. Di ko maigalaw paa ko na nakatingin sa kapatid ko na nasa ER. No..pleasee...no... I can't afford to lose my brother.

Umupo ako sa upuan na andun naghihintay sa paglabas ng doctor. Nakatulala, di makapakali , di alam gagawin.

Naramdaman kong may mga kamay na pumatong sa balikat ko at tinapik tapik yun.

"Magiging maayos rin ang lahat bro"
Napatingin ako kung sino yun, si kyle lang pala. Ngumiti siya sakin at alam kong pilit yun.

"Di ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyareng masama sakaniya"
Mahinang usal ko pa.

Nilapitan naman ako nung tatlo.
Napatingin ako kay ate rose, nakatingin lang siya sa ER. Naiisip din ba niya naiisip ko? Malaman ko lang kung may kinalaman sila di ko sila sasantuhin. Galawin lang nila lahat wag ang kapatid ko.

Someone's POV

Tumunog yung phone na nasa bulsa ko.
Sinagot ko yung tawag ng di tinitingnan yung caller.

"Mom?"
Wika nung nasa kabilang linya. Ano na naman ang sadya ng batang toh?

"Yes my son?"
"May kinalaman kaba sa nangyare kay prince?"
Tanong niya pabalik sakin.

"Oh bat ano nangyare sakaniya?"
Tanong ko ulit.

"Andun lang naman siya sa hospital at nag aagaw buhay"
Medyo nabigla ako sa sinabi niya.

"Wala akong kinalaman diyan"
Totoo naman wala akong inutusan sa mga tauhan ko na gawin yun.

"Oky"
Binaba niya yung tawag bastos na bata yun tss.

Tinawagan ko si enrico.
"Hello boss?"
"Ikaw ba gumawa nun kay prince? Diba sabi ko wag niyo muna siyang gagalawin"
Malumanay na sabi ko, medyo nasa mood pa naman ako now.

"Boss wala ako alam diyan, mukhang ang bago niyong tauhan ang gumawa"
Sa pagkarinig ko nun binaba ko na ang tawag, at tinawagan si kent.

"Yes?"
Tanong niya.

"Ikaw ba may gawa?"
Alam na niya ibig kong sabihin.

"Oo ako nga"
"I told u wag kana muna kikilos hanggat di ko sinasabi"
Inis na sabi ko.

"Boss chill, diba gusto mong maghirap ang ama nung kumag na yun? Eto na yung time na yun alam kong magluluksa yun at pareho tayong makikinabang"
May point naman siya, binaba ko nalang yung tawag at napangisi. May silbi din pala tong hay*f na toh.

Lance POV

Lumabas na yung doctor na nag aasist kay prince. Kaya dali dali ko siyang nilapitan.

"Doc, kumusta na siya?"
Balisang tanong ko pa.

"Delikado ang kalagayan niya pag di natin siya na operahan agad , im sorry pero wala na kaming magagawa pa ang gawin niyo nalang ngayon ay manalangin"
Malungkot na sabi niya at tinapik balikat ko.

Aalis na sana siya ng magsalita ako ulit.
"Gawin niyo ang lahat doc para mabuhay siya, di ko kaya pag pati siya nawala sakin"

Tumingin siya sakin at ngumiti.
"I will, gagawin ko ang lahat para mabuhay siya. Para yun man lang makabawi ako sa ginawa niya"
Yan ang iniwan niya bago umalis.

Ginawa? Anong ginawa ni prince sakaniya?
Lumapit ako dun sa pinto at tiningnan ang nakakaawang kapatid ko. Ang dami niyang sugat di ko na nga siya halos makilala eh.

Napaluha nalang ako sa nakita.
"Magiging maayos din ang lahat bro"
Di ko namalayan na nakalapit na pala saakin si kier.

"I hope so"
Pilit na ngiti nalang ang pinakawalan ko sakaniya.

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now