Chapter 6: A man behind the trees

11 3 0
                                    

Prince POV

Nakita ko siyang naglalakad , nakangiti, kumakaway patungo sakin, Mica.

Ang babaeng nagpaparamdam sakin na worth it ako.
“Oh bat mag isa kalang dito? Nasan si lance?”

“Ahh si lance may pinuntahan lang kaya ako muna andito”
Sinulyapan ko siya ng tingin, habang siya nakatingin lang sa malayo.

Bigla siyang tumingin sakin at ngumiti.
“Nakikita ko sa mga mata mo na malungkot kana naman.”

Napatigil ako bigla, umiwas ako ng tingin.
“Prince anong problema? Kala ko pag kasama mo na daddy mo magiging maayos na lahat”

Kinuha ko ang maliit na bato at hinagis sa ilog.
Kinuha ko kamay niya at binigyan ng maliliit na bato, tsaka ngumiti.

“Micay, alam kong may probs ka din andito lang ako for u, sabihin mo lang sakin.”
Nakangiting sabi ko.

Biglang sumeryoso mukha niya at umiwas ng tingin, tumingin siya sa malayo.

“Nakakainis kasi, nagkalabuan na parents ko. Alam mo naman diba na only child ako , at sobrang naaapektuhan ako sa pinaggagawa nila.”

Napakagat labi siya pagkatapos sabihin ang mga kataga na yun. Siguradong pinipigilan lang niya na tumulo luha sa mga mata niya.

Linapit ko lalo katawan ko sakaniya sabay yakap ng mahigpit.

“Shh tahan kana, andito lang ako palagi sayo. Di kita iiwan.”
Wika ko habang inaalo ko siya, naramdaman kong uminit bigla yung shoulder ko, umiiyak siya. Di na na niya napigilan at umiyak na siya.

“Sabi ni mama makikipaghiwalay na siya kay papa, kasi daw may babae si papa, di ko alam sino papaniwalaan ko sakanila kasi pareho ko silang mahal eh.”

Pagpapatuloy niya habang umiiyak, hinayaan ko lang siyang umiyak sa mga bisig ko. Lahat ng nangyare sa bahay di ko na kinuwento sakaniya. Ayokong dagdagan problema niya. Humiwalay siya sa yakap ko, pinunasan niya ang kaniyang mga mata at ngumiti. Alam kong peke lang yun nararamdaman ko.

“Thank you talaga ice, buti andito ka sa tabi ko lagi at di ako iniiwan, wag moko iiwan ah? Promise mo yan sakin.”
Nakangiti na niyang sabi.

“Promise micay ket anong mangyare di kita iiwan at poprotektahan kita lagi.”
Nakangiti kong usal at pinisil pisngi niya.

Napahinto siya , kinuha niya yung maliliit na bato na binigay ko sakaniya.

“Ano ba gagawin natin dito?”
Nakakunot noong tanong niya sakin.

Kinuha ko yung maliliit na bato.
“Pikit ka.”

Utos ko sakaniya, dahan dahan naman siyang pumikit kahit halatang nalilito siya.

“Ngayon dumilat kana.”
Dahan dahan niyang ibinuka dalawa niyang mata.

“Wow!!”
Manghang sabi niya.

Cinurve ko kasi yung mga maliliit na bato nakalagay dun first letter ng name namin.

Ngumiti ako.
“Sayo na yung isang bato, yung P tas sakin naman yung M”

“Ang ganda icee salamat, ikekeep ko talaga tohhh grabe ang ganda mo mag curve.”
Abot hanggang tenga ngiti niya at niyakap ako ng mahigpit.

Third Person POV

Nasasaktan, Naiinggit, Nalulungkot, yan ang makikita sa mga mata ng isang taong nagmamasid sa dalawa na nagyayakapan.

Nasa likod siya ng puno at nakatingin kila prince at mica.
Humiga siya sa damuhan, tumingala sa langit para pigilan ang namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Mother, Where Are You Now? (ONGOING)Where stories live. Discover now